ANTON PINILI kong umupo sa may 'di kalayuan paharap sa mga ito. Dito lihim ko silang mapagmamasdang dalawa kung ano man ang ginagawa nila. Still! I want Mariz to be safe. "Hi! I've looking you around. Nandito ka lang pala, manunuod ka rin?" Nagtaas ako ng tingin sa boses sa likuran ko. Ang babaeng kanina lang na nangungulit sa akin ang nalingunan ko, ang nagpakilalang si Mich. "What are you doing here?" tanong kong naguguluhan dito. Sinundan ba ako nito? Hindi ko naman ito nalingunan kanina habang naglalakad ako, pero bakit nandito na ito ngayon? Hindi ko man lang namalayan at hindu ko rin inaasahan ang pagsunod nito sa akin. Ano ba ang kailangan nito? "Wala nga kasi akong kasama at kailangan ko lang ng kasama, masama ba 'yon? Nag-iisa ka lang naman 'di ba? No worries! I'm not the girl

