ANTON TULUYAN na ngang nawala sa tingin ko si Mariz at ang kasama nitong hinihilaan kong nobyo nito. Napaismid ako. Ano naman kung may relasyon nga sila? Nandito lang naman ako kay Mariz para mangulit hindi ba? E, 'di hahayaan ko sila kung may relasyon nga ang mga ito. Who cares! naiinis ko pang bulong sa sarili ko. Dinala ako ng mga paa ko sa station three. Parang mini concert hall ito ng isla; maraming live performers ang nagaganap dito. Nagpasya na lamang akong manuod, bago umuwi sa hotel. Magpapalipas na lamang ako ng ilang oras dito. Hindi na talaga matanaw ng tingin ko si Mariz, tuluyan na talaga itong nawala. Ayaw ko naman isipin na may ginawa na itong kababalaghan kasama ang boyfriend nito. 'Mga imoral!' galit kong turan. Natigilan ako. Parang kanina ko pa yata pinag-iisipan ng

