Chapter two : THE SWEET REVENGE
MARIZ POV
HINDI ako mapakali, naalala ko pa rin ang estrangherong sumira ng umaga ko at same time may ilang bahagi ng araw ko ang binuo niya. Nabaling ang tingin ko sa ilang parokyano sa kabilang bahagi ng isla, may ilang mag-asawa siguro ito base na rin sa ayos kilos nila, may ilan ding kung hindi ako magkakamali mag-jowa palang.
Bigla akong napangiti nang muli ko na naman naisip ang lalaking iyon.
'NO! DELETE!DELETE!DELETE!DELETE!DELETE!
Pilig ko sa ulo ko, tumayo ako pinakawalan ang isang mahabang buntong hininga. Nalipat ang tingin ko sa two-piece kong nasa kama. Kakabili ko lang nito sa Robinson Ortigas bago ako nagpasyang mag take a break sa siyudad. Kaya ako nandito ngayon sa Boracay at hindi ako papayag na sisirain lang ng kong sinong poncio pilato.
"I will make revenge makikita ng mayabang na 'yon. Kung sino si Mariz Rivera.”
Nagmadali akong ayusin ang sarili ko. Bitbit ang kulay itim na two-piece ko---pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan and I was remember someone. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana kong saan tanaw ko ang malawak na karagatan.
"I don't want you to wear this stuff, Baby.”
laging bilin sa akin ng ex kong si Eloy at ako na bilang girlfriend nito walang ibang tanging magawa kundi ngumiti tumango at sang-ayunan ang dating katipan ko. Sinunod ko ang lahat ng nais nito. Hindi dahil gusto niya kundi alam kong para rin sa akin ang lahat ng iyon.
"I'm sorry! I disappoint you now but I'm Mariz and I should to bring my old life without you Eloy."
Piping bulong ko sa sarili ko bago aki nagpasyang lumabas ng hotel room ko. Pagkatapos kong napagpasyahan na isuot ang two-piece bikini na ayaw na ayaw akong magsuot ni Eloy nito noon. Noong mga sandaling magkasama pa kami---may pilit na ngiti ang sumilay sa labi ko.
Napangiti ako ng maramdamang nililipad ng malamig na hangin ang buhok ko. Marami ng tao sa paligid, koreans, chinese, americans at mga pilipinong tulad ko na walang kemeng ipakita sa madla ang mga kaseksihan nito suot-suot ang kaniya kaniyang two-piece. Muli akong napasinghap sa hangin--- nilibot ang tingin sa paligid may hinahanap ang mga mata ko walang iba kundi ang binatang hindi ko makalimutan ang mukha. Biglang umasim ang mukha ko nang maalala ito.
"You freaking out of my nerve. Damn you stranger!” galit kong angil sa sarili ko para sa lalaking nakita ko kani-kanina lang at sa hindi inaasahang pagkakataon nagkasagutan pa kami sa harap ng suit ko. Napasinghap ako inis na binaling ang tingin sa ilang turista may kaniya-kaniyang kapareha. Napataas kilay ako sa naisip kasunod ang mapait na ngiting sumilip sa labi ko. Bitter pa rin pala ako.
Napatingin ako sa dagat nag-aanyaya ang tahimik nitong alon. I smiled at nagpasyang tunguin ito nang may isang bulto ng katawang sumalubong sa akin. Nakapameywang seryoso ang mukha.
"And where do you think your going?" seryosong tanong nito sa akin. Tinapunan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.
I did not see any amusement of his eyes. The eyes of a stranger.
"And who do you think you are para tanungin ako niyan?” balik tanong ko sa kaharap.
"Do you think you are sexy enough to wear that stuff, Lady?”
May narinig akong galit sa boses nito.
"And what your freaking care, Stranger?"
"Go back to your hotel and wear decent cloth or else!”
Maawtoridad nitong utos sa akin nagsasabing by hook or by crook, kailangan mo akong sundin.
"Or else what?" sinalubong ko ito tingin nagtatanong.
"You still have one minute to go back to your hotel now,” pagbabanta nito sa akin. Tiningnan ko siyang nakataas ang kilay at pilit na ngumiti may halong pang-iinis.
"Ayaw ko!" matigas ang ulong tanggi ko rito.
"You're not foreigners to wear that stuff, Lady! Alam mo ang utak ng mga ilang pinoy na naliligaw sa islang 'to. We can't even say na matitino ang isip nila."
Mahabang paliwanag nito sa akin—ngumiwi ako. Gusto ko pa siya inisin lalo makaganti lamang sa ginawa nito sa akin kanina.
"And what your freaking care? Siguro isa ka sa mga lahi nating marumi ang isip or maybe you find me sexy, right?"
may pang-iinis kong angil dito.
"You running out of your time! Change your clothes now"
"Ayaw ko!" matigas kong tanggi.
"Matigas ang ulo mo ha!”
Walang paalam akong binuhat nito.
"ibaba mo ako ano ba sisigaw ako ng k********g!”
Pagpupumiglas ko sa ginawa nitong pagbuhat sa akin.
"you're not kid anymore! No one will believe you na kinikidnap kita. You're my, Lady. So! shut-up bago pa kita halikan.” Narinig kong ganting angil nito sa akin. Kung sadya man nitong mang inis nagtagumpay ito sa nararamdaman kong inis ngayon dito.
MARCUS POV
TAGUMPAY akong naibalik siya sa suit niya--- na hindi na binuhat hanggang doon. Mabuting alam niya kung saan siya nararapat. Hindi niya naman yata hahayaang ibalandara ang katawan nito sa labas. Mamaya may makakita pang ibang tao rito. Hindi pagkat karamihan sa Isla mga turista may iilan pa ring naliligaw na may masamang intesnyon sa ilang kababaihan na halos lumabas ang kaluluwa sa mga suot nito. Napailing ako sa naisip na hinayaan nitong magsuot ng ganoon ang sarili nito. Walang masama sa pag-tu-two-piece naisip ko. Pero paano kung may nakaharap itong maniac? Hindi mapapaaway pa ako. Naisip ko agad. Dahil hindi ko rin naman siguro hahayaang mapahamak ang visitors ng hotel ko.
“Iyon lang ba ang dahilan, Marcus?” kastigo ko sa sarili ko. Tungkol sa ginawa ko sa estrangherang hanggang sa mga sandaling iyon hindi ko pa rin kilala ang pangalan nito. Napatikhim ako sa naisip kailangan ko na pala bumalik sa opisina ko para matingnan ang ilang detalye ng katauhan nitong naka-records sa file ng sekretarya ko. Sigurado akong mayroon yon hindi pweding wala at lahat ay dadaan sa akin. Malalaman ko rin pala kung may kasama siya o wala.