CHAPTER THREE THE SECRETS

1006 Words
CHAPTER THREE : THE SECRETS EARLIER MARIZ POV BINITIWAN ako nito sa harap ng unit ko pagkatapos ako nitong hilahin mula sa pampang. Inis ko itong tiningnan. "Bastos!" bulyaw ko sa lalaki. "At least you're safe, Lady!” "Safe? Paano ako naging safe? Bakit sinaktan ba ako? Binastos? Pinagpyestahan? Para sabihin mong safe? Para iligtas mo?" Galit na galit kong bulyaw dito at mas lalo akong nakaramdam ng ngitngit nang ngumiti lang ito sa akin. Walang sagot sa marami kong tanong. "Change!” narinig kong utos nito sa akin. Aba! At ang kapal pa ng pagmumukhang pabihisin ako pagkatapos ako nito hilahin pabalik sa suit kong pansamantalang tinutuluyan. Sino ba ito sa tingin nito? Masyadong atribido sa buhay ng ibang tao. "No!" matigas kong tanggi. "Sabi ko change!” "At ang sabi ko ayaw ko!" Kinabahan ako  sa ngiting namutawi sa pisngi nito ngiting tila may gagawin na 'di ko magugustuhan. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag 'di mo ako sinunod." Sinasabi ko na nga ba. "Leave me alone, Stranger!” Tiningnan ako nitong unti-unting lumalapit sa akin--- umurong ako nang hindi ko namalayan dingding na pala ang nasa likuran ko. "Change!” "No!" "Change,” malumanay na nitong sabi sa akin. Napaurong ako sinandal. Nagulat ako sa biglang pagsandal nito sa akin sa dingding ng unit ko. Napapikit ako sa akma nitong unti-unti paglapit sa akin. "Magbibihis ka ba? Or hahalikan kita?" may halong pagbabantang sabi nito. Niyakap ko ang kamay ko sa dalawa kong dibdib. "Sisigaw ako ng r**e!” ganting banta ko rito. Napansin kong nakatingin ito sa dibdib ko tinulak ko ito. Agad itong tumawa ng malakas--- nakakaloko na talaga ang lalaking ito. "Bastos! Walang modo! Maniac! Natigilan ako sa galit na nabasa ko sa mga mata nito. "Ganyan ka ba? Ganyan ka ba sa taong nag-aalala sa iyo?" tanong nitong may galit sa mga mata. At wala akong pakealam sa nararamdaman niya. Hindi ako tuminag sa kinatatayuan ko. Hinayaan ako nitong tiningnan ako ng masama--- nakipagtitigan ako rito. Mabuti nga ‘yan naisip ko para tantanan niya na ako.  Napataas kilay ako nang ngumiti ito sa harap ko. “Hindi pa tayo tapos!” bilin nito sa akin bago tuluyang tumalikod at iniwan ako. Napangitngit ako sa galit sa damuhong iyon. Wala siyang karapatan gawin sa akin ito. I don't even know him. Gigil akong pumasok sa suit ko. “Kung nandito ka lang sana eloy. Hindi ako maaano ng lalaking iyon! Ang bastos-bastos niya!” inis kong sigaw sa loob ng room ko. Para maibsan ang inis na nararamdaman sa lalaking sumira ng tuluyan sa araw ko. MARCUS POV KANINA pa ako nasa harap ng laptop ko--- iniisa-isang tinitingnan ang records ng mga nagrerenta sa hotel room ng hotel ko. Namataan ng mata ko ang isang file ng isang babaeng kilalang-kilala ko na. Mariz Angela Rivera pala ang buong pangalan nito. 30 days ang nakalagay na pananatili nito sa hotel ko. Napangiti ako nilagay sa baba ko ang ballpen na kanina ko pa pinaikot-ikot sa kamay ko. So! Matagal pala kaming magsasama. Naisip ko. Bigla akong natawa sa sarili. She’s challenging! aniya ko. Mukha siyang palaban. Ay hindi palaban talaga siya. Naisip ko tungkol sa nakilala kong si Mariz. I dialled someone number, ang number ni Angie ng sekretarya ko. “Just order one bouquet of white roses Angie,” request ko rito. Wala na itong maraming tanong pa. Agad na sinunod ang gusto kong mangyari. I'm planning to surprise her of bouquet of flowers para na rin makahingi ng sorry sa ginawa ko sa kaniya. Alam kong hindi lang isang beses kong nasira ang araw niya. Nabastos ko rin yata siya, gaya ng bulyaw niya sa akin. Napatingin ako sa relong pambisig ko pasado alas dos na ng hapon. Mainit na sa balat ang mag-ikot sa labas. Sana naman nakatulog na siya at hindi na naisipan pang lumabas at suot na naman ang sariling two-piece nito. Oo maganda wala akong masabi! Pero ang tulad niya ay hindi dapat nagsusuot ng ganoon. Masyado siyang inosente para mabastos ng ilang turista sa Isla. Natuwa ako sa naisip kung yayain siya sa labas. Para man lang makahingi ng pasensiya rito at nang makilala ko siya ng lubusan. I search her name in f*******: at hindi ko inaasahan ang makikita ko sa profile nito. May kasama siyang lalaki sa profile niya,  hawak-hawak nito ang kamay ni Mariz at may singsing na tinitingnan ang mga ito. Bigla siyang napalunok ng sunod-sunod ng mabasa ang nakalagay na inrelationship status ng dalaga--- engage na ito sa isang Eloy Madrigal. “God! Huli na ba ako sa’yo, Mariz?” piping tanong ko sa sarili--- pinili kong i-off ang laptop ko. Wala sa sariling muli kong tinawagan si Angie para dagdagan ng isa pang bouquet of red roses ang inorder kong bulaklak sa kaniya. Hoping na makausap si Mariz at magbago pa ang isip nito kung totoo ngang ikakasal na ito sa lalaking kasama nito. “No one can reject Marcus. Lalo ka na Mariz, you can't!” bulong ko sa sarili kong may ngiting sumilay sa labi ko para sa dalagang gagawin ko ang lahat magbago lang ang isip sa nakatakda nitong kasal kung totoo man. Natigilan ako nang biglang may naramdaman akong kirot sa puso ko. Masyado ko na naman yatang ine-stress ang sarili ko sa trabaho. Kong bakit ba naman kasi peak season pang naisipan ni Mariz ang mag-bakasyon sa isla. Hindi ko tuloy siya gaanong makikita dahil na rin sa kaliwa't kanan kong pagbibisita sa iba't ibang sites sa ilang hotel na pinapatayo ko sa bahagi ng Kalibo at Aklan para sa mga turistang parami nang parami na ang nakakakilala sa Boracay. Tumayo ako nagpasyang mamasyal sa station one marami akong kaibigang naroon sa bahaging iyon. Kapwa hotel owners ang siyang mga kakilala ko rito at kung hindi ako magkakamali isa sa kanila ang pweding nakakakilala kay Mariz nang lubusan. Madalas maraming magaganda sa islang to, pero hindi ko alam kung bakit iba ang siyang tingin ko kay Mariz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD