Drake sitting on a couch, looking at Maia na binabasa ang cooking book na binili niya galing kay manang sa necessity store sa central.
This is the second day we stayed in this island, hindi naming nakuhang matulog magkasama dahil sa awkwardness kagabi. Dito tuloy ako sa salas natulog and now, I'm looking at this useless so-called couple.
Drake sighs deeply, tumayo siya para pumunta sa kusina para magtimpla ng sarili niyang kape.
If we keep doing this distance between us, malamang tatagal nga kami dito ng hanggang isang taon.
Ngumunot agad ang noo ni Drake sa iniisip niyang iyon.
Do I have to step up first?
Kumuha pa siya ng panibagong baso.
Kalmadong umupo si Drake sa couch, while holding a two cup of coffee. He slide one cup to Maia.
Nagtataka namang tumingin si Maia kay Drake na nag-aalok ng kape sa kaniya.
"Hindi ako nagkakape," sambit ni Maia.
Biglang nanliit ang mga mata ni Drake sa palpak niyang plano.
Dapat pala nagtanong muna ako, ano?
"It's okay," sagot ni Drake sabay bawi sa baso ng kape.
"Pero susubukan kong tikman ang kape, tinimpla mo 'to para sa'kin," nakangiting saad ni Maia sabay kuha sa hawak na baso ni Drake.
Humigop si Maia ng kape at to her surprise, hindi naman ito matapang para sa panlasa niya. Kaya malawak ang ngiti niya kay Drake.
Pareho nilang narinig ang pagtunog ng counting device.
Eighty points. Nawala ang hundred points nila dahil hindi sila magkatabing matulog kagabi.
"Let's do our best starting today," pag-eencourage ni Drake kay Maia.
Maia look at him, admiringly, "Para maka-alis tayo agad!" masaya niyang sagot sa lalaki.
"Right," simpleng sagot ni Drake, "Let's start with our cooking lessons, let's study that book together," suggest ni Drake.
Malapad ang ngiti ni Maia, "Sige!"
Nilapag ni Maia ang libro sa coffee table, saka sila parehong nag-lean forward para mabasa ang mga nakasulat na instructions sa libro.
Drake focused on every instructions at dahil may good memory siya, madali niya lang itong matandaan. "Simulan natin sa madaling lutuin, saka na natin pag-aralan 'yung mahirap na putahe," suggest ni Drake.
"Good idea!" sagot naman ni Maia.
"We have to do this both, kung pwede magsalitan tayo sa gawain, okay lang. I'll try to cook first at dapat pag-aralan mo, okay?" sabi ni Drake, seryosong nakatingin sa babae.
"As if namang mape-perfect mo agad ang dish sa isang try?" pa-supladang sagot ni Maia.
"Oh, don't underestimate me, sweetheart," nakangising sagot sa kaniya ni Drake. Agad namang nag-blush si Maia at mabilis na umiwas ng tingin.
Tumayo si Drake from the couch dala niya ang kapeng tinimpla niya, Maia followed him, pareho na silang papunta ng kusina.
The points from the wall just turned ninety.
Sinimulan muna ni Drake sa bigas, dahil dalawa lamang sila, kumuha lamang siya ng isang takal nito.
"This one's should wash first, right?" tanong ni Drake kay Maia.
"Yeah," sagot naman agad ni Maia.
Hinugasan nga ni Drake ang bigas then he drained the water after washing it.
Kung ilang takal ang bigas, ganoon din dapat sa tubig pero may sobra ng kaunti. Okay.
Kinuha ni Drake ang pinantakal niya sa bigas at kumuha ng tubig from it, ginamit niya iyong pantakal sa tubig at dumagdag ng kaunting amount ng water.
Hindi dapat malakas o mahina ang apoy, so we should put this fire in the middle state.
Drake stops nang mapansin maman niyang sakta ang apoy niya at tapos na siya sa sinaing.
Maia is amazed by what he's doing. Sinusundan niya lamang ito ng tingin.
Yumuko si Drake to get some meat of chicken saka niya nilagay sa lababo para mabawasan ang pagka-frozen nito.
What am I even doing in the first place?
Matalim ang mga tingin niya sa bawat matitigan niya. Kinuha niya ang siling haba at onion chives, kumuha na rin siya ng luya, bawang at sibuyas.
'Wag sanang pumalpak, practice pa naman 'to.
Drake started to peel and chops the ingredients, kinuha niya rin ang karne ng manok after making sure na hindi na ito frozen at hiniwa nang saktong liit.
Maia examines everything he does, Adobo ba lulutuin niya? Napangiti siya watching the guy doing stuff na siya dapat ang gumagawa.
After slicing everything, Drake prepared the pan to start the cooking. He even breathe deeply while puting the oil on it.
Right, when it's heat, fried the chicken first, when they're all golden, sauté ginger, garlic then onion. Easy. Then put an exact amout of soy sauce, sa alat nito malamang 'di na kailangan ng asin o kaya ng kahit anong seasonings. Paminta na lang siguro. Pakuluan hanggang ma-absorb ng chicken ang soy sauce, then voila, lastly 'yung mga sili and the onion chives.
Drake closes his eyes as he frustratedly lift his head to the ceiling, I can smell the real dish today. Never thought I can cook this good.
Sinilip ni Maia ang sinaing ni Drake at nagulat siya sa perfect niyong pag-saing. "Patayin ko na 'yung apoy sa sinaing mo, Drake!" paalam ni Maia.
"Please," sagot agad ni Drake habang nakatingin sa niluluto nito. Natuyo na nga ang toyo, saka niya tinikman ang lasa nito. Hindi naman masyadong maalat and quite spicy for my throat, but it's perfect kaysa sa natikman kong adobo ni Maia kahapon. What if kung lagyan ko ng konting sugar?
Maia look at Drake na nilagyan ng asukal ang adobo. Nagtaka naman siya kung bakit niya ginawa 'yun. Tinikman ni Drake ang luto nito and his eyes widened. Nagtaka lalo si Maia sa reactiong nakita niya kay Drake kaya kumuha siya ng sarili niyang kutsara para tikman ang luto ni Drake.
Same sa reaction ni Drake, nagulat si Maia sa lasa ng adobo. Aaah, ang sarap! Pwede palang lagyan ng asukal ang adobo para tumamis ng kaunti?
Drake look at Maia na animo'y may kumikinang sa mga mata nito. Natuwa din siya sa sarili nang makita niyang maganda ang resulta ng pag-saing niya.
"Kain na tayo?!" excited na anyaya ni Maia sabay punta sa lamesa.
"So, ngayon bilib ka na?" nanliliit ang mga matang tanong ni Drake sa babae.
"Eh, malay ko bang may hidden talent kang tinatago d'yan? Ako na magpi-prepare ng pagkakainan natin!" masayang sagot ni Maia as she grabs two plates, excited na itong kumain.
They didn't even noticed the points they shared and they gained points into one hundred ninety five.
Drake look at Maia na masayang kumakain ngayon sa dining table with him. Sana lang talaga at natandaan niya lahat ng mga nagawa ko kanina. 'Pag hindi malamang ako ang magiging housewife sa larong 'to.
"Natatandaan mo naman siguro ang ginawa ko kanina?" tanong ni Drake habang kumakain.
Napahinto si Maia, umiwas siya ng tingin kay Drake, "Totoo ngang mas masarap magluto ang mga lalaki. Pero syempre para sa kinabukasan ko rin naman 'to at para sa magiging future family ko, kailangan kong matuto. Natatandaan ko naman lahat ng mga nakita ko kanina," sagot naman ni Maia.
"Maniniwala ako kapag nagawa mo 'to bukas. Mamayang gabi, ako muna ulit ang magpa-practice magluto, we'll take turns para dalawa tayong magkaroon ng knowledge," inform ni Drake kay Maia na tumangu-tango na lang bilang sagot niya, halatang busy ito sa pagkain.
***
Nakaupo si Shaira sa tapat ng mga security cameras, pero mas nakatutok siya kina Maia at Drake. Pumasok sa loob ng kwartong iyon si Sarah.
"Nagawa na namin ang pinag-utos mo na ibigay ni manang kay Maia ang cooking book at sabihin sa kanila ang ilang tips para sa pagluluto," pag-inform ni Sarah.
"Alam ko, look at them now," sagot ni Shaira.
Tumingin naman si Sarah sa screen kung saan sina Drake at Maia na nasa Dining room, masayang kumakain.
"Looks like the guy can learn to cook in an instant. Kapag natuto na sila sa basic survival, malamang mas magpo-focus na sila sa pamumuhay na ganito and at the same time, makakapag-focus silang pangalagaan ang bawat isa," saad ni Shaira.
"That's good news," sagot ni Sarah.
"Wala tayong problema sa tatlong actual couples, except may mga bagay din sila na may kahinaan. We will figure out kung magkakaroon ng fall out or kung magkakaroon ng improvements," inform ni Shaira.
"What about Travis and Jamaica?" tanong ni Sarah while looking at the screen where Jamaica sits on the couch reading a book, while Travis is on the dining table, kumakain mag-isa.
"'Pag nagpatuloy ang ganitong sistema nila sa isa't isa, posibleng makatanggap sila ng negative points," inis na sagot ni Shaira.
"So, hindi sila nagkakasundo?" ani ni Sarah.
"No," sagot agad ni Shaira.
"Alam mo ba kung bakit at anong dahilan?" curious na tanong ni Sarah.
"Malamang hindi type ni Jamaica si Travis since he's chubby at medyo may pagka-pervert," sagot ni Shaira.
"Anong gagawin natin sa kanila?" tanong ni Sarah.
"For now, wala pa akong maisip na ideya, hahanap muna ako ng ilang pointers sa mga 'to," sagot ni Shaira.
***
Lumapit si Dana kay Danilo na nakatingin sa bintana, watching the sun.
"Agad na naming na-track kung sino ang nag-upload ng video, my Lord," inform ni Dana.
"Good, kailangan nating makipag-usap sa kaniya ng masinsinan, we need to clear Drake's reputation," sabi ni Danilo.
"Kahit na nasolusyunan na po ang problema, Sir Drake should wait for six months or a year bago pa siya makaka-uwi," pagpapa-alam ni Dana.
"Mas okay na 'yon para makapag-isip siya para sa sarili niya," simpleng sagot ni Danilo.
"You think magbabago si Sir Drake sa isla na 'yon?" Dana asks.
"Hope so," nag-aalalang sagot ni Danilo.
"What if kung hindi nga siya makapag-hanap ng asawa at... bakla nga siya, my Lord?" curious na tanong ni Dana.
"I don't have any objections to that matter kahit saan mang anggulo ko tingnan. It's his own life and body, hindi ko naman mababago kung talagang ganoon na siya," sagot naman ni Danilo sabay kuha sa kape nitong kanina niya pa palang hawak.
"So, you care for your son after all," nakangising saad ni Dana.
"What can I say, anak ko pa rin siya," helplessly Danilo answers. "But this time, we need to help him know himself, makakampante akong mag-stay muna siya sa isla na 'yon. Ang issue ay 'di basta-basta nawawala 'yan lalo na't gagamitin 'yang way para masira ang negosyo at pangalan ko," mahabang paliwanag ni Danilo.
"Naiintindihan ko," magalang na sagot sa kaniya ni Dana.
"I wonder what he is doing now on that island?" Danilo looked at Dana, concerned. "You say they don't have a signal there and the island isn't modern either? So, that means para silang mga tribo, ganoon? Survive on their own knowledge?" pagko-korek ni Danilo kay Dana.
"Quite, my Lord, parang ganoon na nga. Base sa sinabi ni Shaira may-ari ng isla, tinutulungan nilang ang bawat isa na magpahalaga sa mga bagay sa paligid nila not only for their partners. But to the how will they live their own life, sabay na din doon syempre kung paano gampanan ang buhay may asawa," explain ni Dana kay Danilo na tumatangu-tango sa sinagot niya.
"I just hope he can handle it," concern na sabi ni Danilo looking at the picture frame of his family.
"Sir Drake is a real smart person. I know he have survival skills, I can see that he can adopt depends on his environment, kaya rest assured, my Lord, he will be fine," pagpapakalma ni Dana sa matanda.
Danilo smiles at Dana, "Yeah," sagot nito. "I almost forgot kung ilang achievements na ba nakamit ng batang 'yun compared to his two brothers," proud na banggit ni Danilo.
"Kaya ba ganoon na lang ang ka-disappointed mo 'yung time na nakita mo ang eksenang 'yun, my Lord?" tanong ni Dana while she sits down on a couch malapit sa pintuan ng office ni Danilo.
"Mataas ang tingin ko sa batang 'yun. He will achieve many successions on his way. That's why I planned to give and pass on to him the biggest company I have. I am confident that he will serve the company well," proud na sagot ni Danilo.
"Someday he will, my Lord," pag-eencourage ni Dana sa matanda.
"Someday..." he said looking back at the window watching the sun.
***
Maia washes the plates, habang si Drake nasa sofa, nakahiga at binabasa ang cooking book.
"Napaka-boring naman kapag walang internet o kaya kahit TV," reklamo ni Maia habang naghuhugas ng pinggan.
Drake sighs deeply, saka niya nilapag ang libro sa coffee table, "Don't even start with that complaint," inis niyang sabi.
"Eh, kasi, ano namang gagawin natin? Tulad niyan, tapos na tayong kumain-" putol na reklamo ni Maia nang sumabat si Drake na nakatingin sa kaniya, nakangisi.
"Malamang, we'll gain points," Drake said smirking at her widely.
Nanlaki ang mga mata ni Maia, agad siyang umiwas ng tingin at pinatuyo ang mga pinggan, "But-" ninenerbyos niyang sagot.
"Baka nakakalimutan mo kung ano talaga ang role natin dito?" Drake said reminding Maia as he walks papalapit kay Maia.
He intentionally touches Maia's hand para maagaw sa kaniya ang towel at siya na nagpatuyo ng pinggan. Maia blushes, looking at him awkwardly.
Natawa si Drake sa reaction niya, "Aww come on, don't try to act like you're still a virgin," prangka niyang sabi kay Drake.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Maia, umatras siya ng kaunti para makaiwas kay Drake.
"But- ahm..." ninenerbyos na utal ni Maia.
I am virgin. Hindi normal sa'kin ang ganitong flirting lalo na sa lalaking bago ko lang nakilala.
Ngumiti si Drake mag-isa hanggang sa natapos siyang magpunas. He turns around and tried to cornered Maia sa may lamesa.
He notices Maia's, awkward reaction and her blushes is a real obvious.
This reactions only means for two, it's either she's uncomfortable with me, or she's still a virgin.
Drake grabs her arm pero nagpumiglas ito ng kaunti.
I nibbled her ear yesterday, pero wala akong naramdamang kakaiba or even a simple moan or gasp. Then she's trying to get her arm back as if I'm not allowed to touch her. Duda ko na baka virgin pa nga o talagang hindi lang siya komportable dahil kahapon lang kami nagkakilala? Pero kahit na ganoon, am I taking advantage too much? Kapag sumobra ako malamang masisira ang tiwala niya sa'kin at mahihirapan kaming makapag-gain ng points. I should take this slow.
Drake gently let go Maia's arm saka ngumiti sa kaniya ng malapad, "Punta tayo sa baybay-dagat?" anyaya niya.
Maia blinks a few, saka nag-sink in sa kaniya ang sinambit ni Drake, she smiles at him back, "Sige!" sagot niya agad with excitement in her voice.
Right, first I have to gain her trust at siguraduhing komportable siya sa'kin, kung pwede lang na paibigin ko siya, mas okay. I can easily flirt with her, and gain points na mas mataas pa dapat sa tatlong actual couple para madali kaming maka-alis sa islang 'to. Kapag 'di nangyari iyon, malamang, isang taon kami dito, I can't afford that.
Drake steps back a little para bigyan ng space si Maia, agad itong lumakad papalayo sa kaniya.
Yeah, she's uncomfortable with me.
"Ngayon na ba?" excited na tanong ni Maia na naka-pwesto na sa pintuan.
"Sure, gusto ko ring magpahangin," sagot agad ni Drake, he walks to the sofa para kunin ang cook book.
Maia opens the door, waiting for Drake, as soon as he gets the book, sabay na silang lumabas ng cabin.
***
INTIMACY COUNTS:
Three hundred ninety
***
Sabay na tinahak nina Drake at Maia ang mabuhanging baybay-dagat, tinali na ni Maia ang buhok niya sa sobrang lakas ng hangin. Tinuro ni Drake ang dalawang puno na may duyan.
"Doon tayo," turo ni Drake.
"Tara!" nauna nang lumakad papunta doon si Maia, sumunod na lamang si Drake sa kaniya.
Buti na lang at dalawa ang duyan na nandoon. Tig-iisa silang umupo para magpahangin.
"Aaah, para lang tuloy akong nagbabakasayon," masayang sambit ni Maia while looking at the sea.
Drake rest his back sa duyan habang binabasa ang cook book, "Matagal na rin akong 'di nakapunta ng beach," sambit din ni Drake.
"Malamang mahirap lagi ang schedule mo araw-araw, sikat ka pa naman," said Maia.
"Well, hindi naman talaga ako pumirma ng kahit anong kontrata sa showbiz, sila lang talaga itong ini-include ako na celebrity," sagot naman ni Drake.
Maia look at him, wondering, "So, anong profession mo kung hindi pala artists ang pinagkaka-abalahan mo?" tanong ni Maia.
"Actually, gusto kong mag-photographer, pero dahil ayaw ng Dad ko, napilitan akong mag-aral ng business," sagot naman ni Drake habang nakatutok ang mata nito sa libro. "Ikaw ba?" balik na tanong ni Drake sa babae.
Maia look away sa may ulap, nakangiwi ang mga labi.
Sasabihin ko ba sa kaniya 'yung about sa naudlot kong kasal? Hindi ba't parang napaka-aga pa para malaman niya agad. Pero mukha namang wala siyang pakialam kung may malaman man siya sa'kin. As if namang magkikita pa kami after ng course na 'to.
"Buhay prinsesa ako sa'min. Gusto ng mga parents ko na tumulong akong palaguin ang business nila kasi iyon lang din naman daw ang maiiwan sa'kin someday," sagot naman ni Maia, smiling.
Biglang napahinto si Drake at saglit na sumulyap sa babae.
Now she sound like my Dad.
"Pwede ko bang matanong kung naka-ilang boyfriend ka na?" personal na tanong ni Drake.
Maia stops as she looks at the guy na nakatingin pa rin sa libro.
"Dalawa," sagot naman niya.
Drake quickly turns his head to look at her. "Seriously?" 'di yatang mapaniwalang tanong nito.
"Seriously," sagot naman ni Maia.
"'Di ko nahalata sa ganda mong 'yan," compliment ni Drake.
Maia looks away as she blushes, "Thanks, I guess," nahihiyang sabi ni Maia.
"Yeah, so sino doon ang mas tumagal?" tanong ulit ni Drake.
Nagtataka na si Maia sa mga tanong ni Drake,
His questions are quite personal, ano kayang nasa isip ng lalaking 'to? Bigla siyang nagkaroon ng interes na kilalanin ako.
"'Yung pangalawa, tumagal kami ng apat na taon," sagot naman ni Maia while her eyes having doubt kay Drake.
"Matagal nga," compliment muli ni Drake. "Malamang nagtataka ka kung ba't kakaiba ang tanong ko," biglang sambit ni Drake na ikinagulat ni Maia.
Nababasa niya ba ang iniisip ko? Maia asks herself as she looks away from Drake's eyes.
"Para just in case na magpataas tayo ng points, hindi ako mahihirapang mag-adjust para sa'yo. Look, I want to get out of here, at iyon din ang gusto mong mangyari. Para magawa natin 'yan, kailangan nating masapawan ang posibleng points ng tatlong actual couple na kasama natin dito," explain ni Drake.
Hindi kaya dahil sa kanina? Nahalata niya bang nag-aalangan ako sa mga flirting na ginagawa niya? Wala lang nga sa kaniya ang makipag-flirt sa ibang tao, pero bakit kailangan pa niyang mag-alangan? Teka? Ibig sabihin ba nito concern siya sa mga nararamdaman ko?
"Ayokong basta-basta na lang akong may gawin sa taong labag sa loob at hindi prepared. Gusto kong humingi ng permiso sa'yo sa mga bagay na consider mong adultery or flirting, para naman kasi akong nana-namantala kapag may ginawa akong bagay na hindi mo pala gusto," explain ni Drake.
Maia stunned looking at him. So, concern nga siya sa nararamdaman ko. This guy sure know how to respect woman. Sana lang talaga at ganitong klaseng lalaki ang makatuluyan ko habang buhay.
"Just so you know, I'm a virgin." pag-oopen ni Maia.
Napahinto si Drake sa pagbabasa.
Sabi ko na nga ba.
He sighs tapos sinara niya ang libro at tumingin kay Maia.
"So am I," sagot ni Drake.
Maia stunned even more sa narinig. Tapos tumawa siya ng malakas.
"'Wag ka ngang magpatawa!" tumatawang sambit ni Maia.
Ngumunot ng noo si Drake, "I have no proper girlfriend simula tumuntong ako ng teen, if I ever have knowledge about flirting, 'yun ay dahil sa mga na-experience kong mga papansin na babaeng nakikipag-flirt sa'kin," explain naman ni Drake.
"But- you sure na wala kang nasipingan isa sa kanila?" dahan-dahang tanong ni Maia.
"Wala," mabilis na sagot ni Drake.
"'Di kapani-paniwala," naka-pout na sagot ni Maia.
"Malay nating dalawa at baka ikaw pala ang una?" pang-aasar ni Drake kay Maia.
Agad namang nag-blush si Maia sa sinambit ni Drake sa kaniya.
Umiwas ng tingin si Maia to avoid eye contact with Drake,
Thirty two years old pero hindi naranasang sumiping sa babae? That's impossible. Pero kung sakaling magkaroon nga siya ng asawa, anong ideya niya sa pagse-s*x? Ayoko namang tanungin siya kung may alam siya sa ganoong bagay, nakakahiya.
"Being a virgin's not a big deal, anyway, lalo na sa generation ngayon. I can make love to whoever I want at gumawa ng bata kapag ginusto ko," dagdag pang sabi ni Drake as he continues to read the cook book.
Awkward na ngumiti si Maia sa sarili,
So, may ideya nga siya sa ganoong bagay. I wonder kung iyon ba ang dahilan kung bakit humanap ng iba si Oliver dahil hindi ko magawang makipagtalik sa kaniya? Hanggang hugs and kisses lang kami ni Oliver, at ilang beses niya rin akong inaayang makipag-s*x sa kaniya, pero ako talaga itong hindi handa sa ganoong bagay. Tama nga sigurong may limitasyon ang pagtitiis nila sa p*********i nila.
Tumingin muli si Maia sa baybay-dagat, napangiti siya sa sarili niya remembering something,
Bigla ko tuloy naalala ang tito ko na matandang binata ngayon. Ang sabi ni Daddy kaya daw siya nauwi sa ganoon kasi pihikan daw ito sa babae at napaka-torpe.
Maia suddenly look at Drake na nagbabasa ng cook book,
Hindi kaya pihikan din si Drake?! Thirty two years old pero walang naisiping na babae? O baka naman, torpe siya pagdating sa babae? Pero hindi naman halata since nakikipag-flirt siya sa'kin. Hindi kaya dahil nakasalalay dito ang points kaya no choice siya? One way to find that out.
Ngumisi si Maia, bumaba siya ng duyan at lumapit kay Drake. She touches his arm kaya napatingin sa kaniya ang lalaki. She smiles widely.
"Pwede bang sabay tayong maligo?" tanong niya.
Drake looks at her, stunned. His eyes are quite widened at namumula ang dalawa nitong tainga.
All of the sudden, I felt my heart raced like this. Ano 'tong pinagsasabi niya ngayon?! Is she testing me?
Mas lalong napangiti si Maia sa sarili, looking at Drake waiting for his answer.
I'm sure na nagtataka siya sa sinabi ko ngayon. His reaction is really priceless halatang torpe nga ito sa babae. Kapag nag-back out siya, tama ang hinala ko. Kapag pinatulan naman niya, bilib na ako sa kanya saka na lang ako gagawa ng rason para 'di mangyari ang sinabi ko kanina.
Sinara ni Drake ang libro at bumaba ng duyan, tumayo ito ng diretso at tumingin kay Maia ng seryoso, "Sasabay akong maligo sa'yo kapag pumayag ka nang katabi akong matulog," pagsusupladong sagot niya sabay lakad paalis. "Uwi na tayo," utos pa nito.
Ngayon ay si Maia naman ang natulala sa sinagot sa kanila ni Drake,
May punto ang sinabi niya, ang lakas ng loob kong magyaya maligo samantalang takot akong matulog kasama siya sa iisang kama. Nakakahiya!
Napangiwi siya sa nangyari at sumunod siya kay Drake pauwi. "Hoy! Joke lang 'yun!" sigaw pa ni Maia.
Pumasok na sa loob ng cabin sina Drake at Maia. Drake put down the cook book sa coffee table as he yawns.
"Ako naman magbabasa niyan," sabay kuha ni Maia sa libro.
Humiga naman si Drake sa mahabang sofa as he put his arm on his head para makatulog.
"Anong lulutuin mo mamaya?" tanong ni Maia.
"Fish?" sagot ni Drake while his eyes closed.
"Okay," maikling sagot din ni Maia. "I wonder kung nakailang points na 'yung ibang couples?" biglang sambit ni Maia.
"Right," sagot ni Drake, "Pero para sa'kin ayoko nang alamin pa," sabat nito.
Nag-pout na lamang si Maia habang tumitingin sa libro, resting her back on the couch.
My visions getting blurry.
Maia slowly closing her eyes hanggang sa 'di niya namalayang nakatulog siya.
***
Maia open her eyes abruptly. Nilibot niya ang tingin to examine the room at mukhang nasa kwarto siya.
Nakatulog ako sa salas, right? Ibig sabihin dinala ako ni Drake dito?
Agad na tinakluban ni Maia ang sarili ng kumot, panicking. Then look at herself,
Kumpleto naman ang suot ko. Nag-ooverthink na naman yata ako.
Maia gets up saka saka pumasok sa bathroom nila to wash her face. Matapos ay sumilip siya sa orasan na nakasabit sa wall nila, nakita niyang mag-aalas kwatro pa lang ng hapon.
Lumabas siya ng kwarto pero hindi niya nakita si Drake.
Malamang lumabas siya saglit.
Lumakad si Maia papunta sa likod-bahay, she notices the neighbor number six na babae na kinukuha ang sinampay na nilabhan nitong kumot.
Lumapit sa bakuran then the girl notices her.
"Kumusta?" bati ni Maia sa babae.
"Ayos naman," sagot naman nito agad sa kaniya.
"Ako si Maia," pakilala niya agad.
"Karina pangalan ko, nice to meet you," sagot sa kaniya ng babaeng si Karina na natapos din sa pagkuha ng sinampay nito.
"Mukha namang malinis ang mga gamit noong lumipat tayo dito," pangunang topic ni Maia.
"Ah, oo naman. Nadumihan kasi kagabi kaya no choice ako kundi labhan agad," nakangiting sagot sa kaniya ni Karina.
Napakagat si Maia ng labi,
Buti pa siya marunong maglaba. Ako? Hindi na nga marunong magluto, wala pang idea about sa paglalaba.
"Ahh, buti naman. Kahit ako hindi ako makakatulog ng marumi ang ginagamit ko," pagsang-ayon ni Maia habang nakangiti.
"Mismo," sagot agad sa kaniya ni Karina.
Tumingin ng maigi si Maia sa labahan ni Karina,
Mukha ring malilinis ang kumot na nilabhan niya, it will not hurt my pride kung magtatanong ako sa kaniya kung paano maglaba?
Tumapik-tapik si Maia ng daliri sa bakuran, habang 'di mapakaling umiiwas ng tingin kay Karina.
"Ahm... Pwede bang- magtanong sa'yo kung paano maglaba?" mahinang sabi niya.
Tumagal ang titig ni Karina kay Maia, pero sa huli ay ngumiti ito sa kaniya ng malapad at napaka-tamis.
"Sure! Una, 'wag mong ipagsasama ang colored clothes sa puti, baka mahawaan ang puti ng mga kulay from colored clothes, magiging pangit 'yun," pangunang turo ni Karina.
"Tatandaan ko 'yan!" masayang sagot ni Maia.
"Pangalawa, baliktarin mo ang mga damit para 'di rin basta kumukupas 'yung front ng damit. Siguraduhin mo munang banlawan ang mga damit bago mo ibabad sa sabon to make sure na maalis ang ibang dumi sa damit at 'di ka mahirapan sa pagkusot," pangalawang turo ni Karina.
"Kusot? Wala bang washing machine dito?" concern ni Maia.
"Kung walang rice cooker, mas lalong walang washing machine," sagot ni Karina. "Kaya kailangan mong maglaba gamit kamay mo," dagdag niya pa.
Maia started to look worried.
"Pagkatapos, kapag babanlawan mo na, kailangan mga dalawa o tatlong beses hanggang sa mawala ang bula," sunod pang turo ni Karina.
"Tatlong banlaw?" nagulat na tanong ni Maia.
"Makati kaya sa katawan kapag 'di nabanlawan ng maayos 'yung damit," sagot naman agad ni Karina.
Tumangu-tango si Maia sa nalaman niya today,
Ngayon alam ko na kung paano nahihirapan at napapagod ang mga maid tuwing linggo. Grabe pala ang paglalaba.
"Natatandaan mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ni Karina habang nakangiti sa kanya.
Ngumiti ng malapad si Maia, nodding her head, "Oo! Maraming salamat sa turo mo sa'kin, tatandaan ko 'yun lahat!" masayang sagot ni Maia.
"Buti naman at nakatulong ako," sabi ni Karina na aakma nang papasok pabalik sa cabin nito.
Pero tinawag siya ni Maia.
"Ah, Karina?" tawag niya. "Pwede bang malaman kung nakailang points na kayo ng partners mo ngayon?" tanong ni Maia.
Karina smiles at her, "Seven hundred and twenty five, kayo ba?" sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ni Maia sa laking points nina Karina sa loob lamang ng dalawang araw.
Amazing! Agad ba sila nagkasundo para magkaroon ng ganoong kalaking points?!
Napansin ni Maia ang matagal na titig sa kaniya ni Karina na naghihintay para sa sagot niya.
Sasabihin ko ba ang points namin? Hindi ba parang nakakahiya kung sasabihin ko sa kaniya at isipin niyang hindi kami comfortable ni Drake sa isa't-isa.
Pilit na ngumiti si Maia, napakamot siya ng ulo sabay sagot ng, "Hala, halos magkaparehas na tayo ng points!" pagsisinungaling niya.
Biglang lumapad ang ngiti ni Karina. "Talaga?! So, nag-s*x na rin kayo kagabi?!" excited na tanong ni Karina.
Para yatang nabuhusan ng malamig na tubig si Maia pagkarinig niya ng ganoon kay Karina.
Kaya ba mataas ang points nila dahil nag s*x sila ng kapartner niya? Ilang points ba kapag nagsiping ang mag-couple?
Nautal si Maia kung ano pa bang dapat isagot niya, bigla siyang nakaramdam ng kaba. "Ah," simpleng sagot ni Maia na nag-iisip pa kung anong sasabihin niya.
"Hindi na dapat pag-usapan ang tungkol d'yan," sabat ni Drake na nasa likuran na pala ni Maia.
Nagulat si Maia sa biglaang pagsulpot ni Drake sa likod, looking at Karina sabay akbay sa kaniya nito.
"Sabagay," sagot naman ni Karina kay Drake. "Oh, siya! Nice to meet you two," saad nito sabay pasok sa loobng cabin.
Agad na inalis ni Drake ang braso niya sa pagkaka-akbay niya kay Maia. Lumakad sila paplayo sa bakuran.
"Sinabi ko namang 'wag na magtanong sa iba kung ilang points na sila," inis na sambit ni Drake sabay bukas ng pinto.
"Curious ako, eh," pagrarasong sagot naman ni Maia.
Sabay muli silang pumasok sa loob ng kanilang tirahan.
"Ba't ka nga ba nandoon nakikipag-chikahan sa kapitbahay?" nagtatakang tanong ni Drake, lumakad siya sa kusina para asikasuhin niya ang bigas para magsaing.
"Nagtanong ako sa kaniya kung paano ba maglaba," isa pang rason ni Maia.
"Wala ba tayong washing machine?" inis na tanong ni Drake.
"Wala," sagot agad ni Maia.
"Nakapaglaba ka na ba dati?" tanong ni Drake agad habang nasa lababo siya hinuhugasan ang bigas.
Maia sits down sa may dining table at nagsaluk-baba. "Wala akong experience maglaba," sagot niya.
"Well, it's time for you to learn," said Drake habang nilalagay ang kaldero sa stove
"Dami pala gawain ng mga babae sa loob ng bahay, parang naiintindihan ko na tuloy 'yung mga katulong sa bahay," tulalang sambit ni Maia.
They're housewives too sa kanila, how tired are they after ng work and fill their role as a mother and a wife?