Maia look around to examine everyone. Marami sila at tila ang iba sa kanila ay mag-couple. Sa kakalibot niya ng tingin, nakita niya ang lalaking highblood kanina sa helipad, nakaupo ito sa gilid sa may bench ng plaza.
The plaza looks like a monument na may statue of a girl and a boy standing cuddling each other. There's a little stage up front and the plaza filled with flowers and trees.
"Okay, everyone, listen up," pangunang bati ng nasa stage ngayon na malamang siya ang nagmamay-ari ng Island na 'to.
"To those someone na nakaka-alam tungkol sa islang ito, you know already what you're dealing here. Sa 'di pa nakaka-alam, let me tell you everything. But first, I am Shaira Gonzales, the very owner of this place," ani nito. "You registered in this course na kusa sa loob niyo at walang halong sama ng loob. All of you paid for one-year course kaya dito kayo maninirahan for a year," inform nito.
Napasimangot si Maia sa sinabi ni Shaira, One year? Akala ko ba six months lang? tanong niya sa sarili.
"As you can see, we have no fancy buildings around here, it's just a simple cabin. For a total of six cabins, this means, we have total of 12 persons who registered in our course; 3 couples and 6 random persons," inform ulit ni Shaira.
"So, this is how our course works, Sarah, can you explain?" ani ni Shaira sabay pasa ng microphone kay Sarah.
"The course you registered is a mastering marriage matter," saad ni Sarah.
Nanlaki ang mga mata ni Maia hearing those information. Mastering marriage course?! What kind of course was that?! inis niyang tanong sa sarili. Matalim ang mga tingin niya kay Sarah.
"That means, you're going to learn everything about having relationships and about marriage," patuloy niyang pag-inform. Shaira opening a box na hawak-hawak niya.
"So, this is what you're going to do. Since, we already have 3 couples, obviously they're going to pair up and live under one roof. While the 6 random persons will be paired up randomly at kailangang magkasundo to gain intimacy points," paliwanag ni Sarah.
"What does that mean?!" sigaw ng isang lalaki na nsa unahan.
"How to gain intimacy points? Easy. Do everything we consider as a couple would do. Little things you do is a point, if you're doing just great, the greater and the higher points you'll get which means the higher chance to graduate after six months. But if you fail to gain points, you have no choice but to stay up here until to end of the one-year course," patuloy niyang paliwanag.
"You mean, kailangan naming magpanggap na mag-couple to gain points?" tanong ng babae na maikli ang buhok.
"Yes, we have hidden cameras around your cabin, except bathrooms, so we'll know everything you guys would do," sagot agad ni Shaira.
"You idiots are actually a Peeping Toms, don't you think?" sabat ng lalaking highblood sa helipad kanina.
"I don't mind doing live porn, anyway," sabat naman ng isang lalaking medyo mataba sa lalaking highblood.
"Wala kaming masamang intensyon sa activity na ito. Inaprubahan ito ng gobyerno. This place is to help couples grow their relationship to each other before their marriage. Not just for couple but to those other people who wants to learn," sagot ni Shaira.
"I'm excited to see what you guys would do to learn something intriguing, I know, now let's start with the three couples?" excited na sabat ni Sarah.
"Anyway, the points you gain are equals to currency. We don't have restaurants here, we don't have any instant for any problems here. We have organic foods, we have grocery store for any necessary stuff you need. We also don't have vehicles but bikes will do pero dapat rentahan. We don't have signals also for cellphones and TVs. The Island is quite limited for it's electricity," paliwanag ni Shaira.
Agad na napatingin si Maia sa cellphone at wala nga siyang signal.
"What do you mean the points converts to currency?" tanong ng isang babaeng mataba.
"It means every month, we collect your points to record them and change them to currency. For example, this month you had 1,200 intimacy points, that means you have one thousand two hundred as your allowance," sagot naman agad ni Shaira.
"Bakit ganoon kababa ang currency?" tanong ng lalaki.
"Because it will depend on your intimacy points. So you should really do your best for your partners," sagot ni Shaira.
"This is absurd," sagot ng lalaking supladong highblood.
"Don't worry, ang bilihin sa market dito is napakamura," sabat naman ni Sarah. "It will depends on the budget holder of each couple," dagdag pa nito.
"What's the maximum points to graduate?" tanong ng isang lalaki na may kaakbay na babae na marahil nobya nito.
"We don't have a maximum points, pataasan ng total points ang labanan dito. Kung sino ang first three couples na mataas ang points ang siyang makaka-alis ng Island na 'to pagdating ng six months," sagot ni Sarah.
"Let's start for our first couple, Jenna and Franklyn," tawag ni Shaira, lumapit ang mag-couple sa stage para tanggapin ang susi ng cabin nila.
"Next, Gary and Clarisse." tawag ni Sarah.
"Sunod naman sina Jeff and Hannah," sunod na tawag ni Shaira.
Nagsilapit naman ang mga natawag sa stage.
"May number ang bawat susi, so, find your corresponding cabin," saad ni Shaira. "That first three couples are actual couples," inform niya. "The non-couples should pair up. So please, get up here, Travis and Jamaica,"
Iyon ay ang medyo matabang lalaki at ang babaeng maikli ang buhok.
"Hindi mo ba pinili ito sa sarili mong kagustuhan?" tanong ni Jamaica kay Shaira.
"No, nagbunut-bunot ako para d'yan," sagot naman ni Shaira habang nakangiti.
"Next, Maia and Drake," tawag ni Sarah.
Nanlaki ang mga mata ni Maia habang nakatitig sa stage. It's my name! Who's Drake?
Nilibot ni Maia ang tingin sa tatlong taong naiwan sa field, nakita niyang tumayo ang lalaking highblood sa helipad kanina. The tall one at suplado, that's Drake. Napanganga siya pagkakita sa lalaki.
"Please, Maia and Drake, pumunta na kayo rito," dahan-dahan na lumakad si Maia papuntang stage kasabay ng lalaki na malamang ay si Drake, masama ang titig sa kaniya ng lalaki.
Binigay ni Shaira ang number 5 na susi kay Maia. "Have fun," bati niya pa. Kinakabahan siyang umalis ng stage.
"And at last, Karina and Jason," tawag ni Sarah para sa last couple.
Lumakad na ang lalaking Drake papunta doon sa maleta at bag nito while Maia stands there stunned.
Just who is this guy? Why am I here? Ano bang klaseng lugar 'to?! I- I want to go back! Nagpapanic na sabi ni Maia sa sarili.
"Hey, ah- Sarah! Hindi- hindi ba ako pwedeng bumalik sa'min, I want to back out!" nagpapanic na bulalas ni Maia.
"Sorry, ma'am Maia, pero wala pong back-out sa policy po namin at lalo na pong walang refund," sagot ni Shaira. "Pasensya na po," dagdag niya pa.
"Wala akong pakialam sa refund basta maka-alis ako dito!" sagot ni Maia desperately.
"Please ma'am, hindi po talaga pwede ang gusto niyo, every 6 months po bumibisita ang private helicopters po namin dito at kadalasan puro dropship po ang pumupunta sa isla na 'to, sana maintindihan po ninyo," sagot ni Shaira.
"Kung gusto mong tumayo dito hanggang six months, suit yourself," supladong sabi ni Drake sabay agaw ng susi mula sa kamay ni Maia tapos umalis na ito hatak-hatak ang maleta nito.
Teary eyes na walang magawa si Maia na sumunod sa lalaking nauna nang maglakad sa kaniya.
Todo ang simangot ni Drake while looking madly at the key.
How desperate are you to put me in this place, Dad?
May kalakihan ang isla, nasa unahan ang mga cabins kaya madali niyang malaman kung saan ang magiging tirahan niya.
Now I'm going to stuck in here for freaking year?! With a random woman I never met!
Binuksan niya ang pinto ng cabin it's quite big pero hindi spacy, kumpleto naman aa gamit except sa wala nga silang TV, wala ring aircon. Napansin ni Drake na may counting device sa dingding, ibabaw ng pintuan.
I guess, this is where the point counts.
He lay down the bag tapos hinubad ang sapatos na suot niya. Biglang pumasok sa loob ang babae. Drake can see the doubt and depressed in her eyes.
Lumapit si Drake sa babae as he lean forward to her para maabot niya ang handle ng pinto at isara.
Maia looks so red, blushing dahil napakalapit ng mukha ng lalaki sa kaniya, "Wh-what are you doing?"
Narinig ni Maia ang pagsara ng pinto, Drake steps back while looking at her expressionless. Then his eyes rolled up kaya napatingin din siya sa tinititigan ni Drake.
Nakita niyang mayroon silang 50 points.
"That's what I thought," nakangising sabi ni Drake sabay kuha niya sa maleta at bag nito para dalhin sa kwarto.
Napansin ni Maia na pabalik-balik si Drake sa iisang area, then he walks across the room to examine the cabin. Nagtataka naman siya.
"Are we going to share one room?!" bulalas ni Drake kay Maia.
Nanlaki ang mga mata ni Maia sa tinanong ni Drake. "Why are you asking me?!" sagot niya kay Drake.
Sumimangot si Drake, napatigil siya nang may narinig siyang mahinang beep, napatingin silang dalawa sa counting device, now the 50 points dropped into 40 points.
Drake sighs in frustration, padabog na binuksan ang pinto ng kwarto to get in, "Unbelievable!" bulalas niya.
Panibagong beep ang narinig ni Maia so she look up and see na naging 20 ang points. She gasps, so the gaining points starting at this time.
We should get along to each other, I guess. sabi ni Maia sa sarili.
Sumunod si Maia sa loob ng kwarto, it's quite big even for the bed. It's king sized. Nanlalaki ang mga mata niya to be in this kind of situation. Stress na nakaupo doon si Drake na napatingin sa kaniya.
"Look- If we don't get along to each other, tatagal tayo dito for one year," paalala ni Maia. "And I don't want that to happen! I want to go home as soon as possible!" dagdag niya pa. "May possible din na hindi tayo magkakaroon ng allowance base on our points. How will you manage to survive for that?" paglilinaw pa ni Maia.
"I don't mind playing someone's feelings or body, you rather ask yourself if you're prepared for it," diretsong sabat ni Drake.
Bigla yatang nautal si Maia sa sinagot sa kaniya ng lalaki. Tumayo si Drake, dahan-dahang lumapit kay Maia.
"You're right, gaining points is one thing. It's possible that our points are depends on everything we do," Drake stops in front of her, "How will you manage to survive for that?" pagsusubok na tanong ni Drake.
"I- I didn't-" nauutal na sambit ni Maia.
He's a guy after all. He can do everything easily as he please. What will I do? Mom! You said this place is to help me unwind my mind and my feelings, but what the hell is this crap!?
"If I do this, what will you do?" Drake nibble her ear. She suddenly felt the sudden shivers. Nanlalaki ang mga mata niya realizing the guy is in front of her nibbling her ear.
They can hear a beeping sound. Drake suddenly stops as he peep sa may pinto to look na mayroon silang 120 points. He disgustedly smirks at himself.
"So, here's the deal, lady," sabay tingin sa babae na nanlalaki pa rin ang mata sa ginawa niya. "We gain our points until 6 months so we can both go home as soon as possible," saad ni Drake.
Maia looks up to him teary, bigla namang nagtaka si Drake kung bakit. "Just let me do everything I have in mind para makapag-gain tayo ng points, okay? I swear, I'll be gentle," he said tapos pumasok na sa kwarto at naghubad ng damit.
Tumili si Maia sabay talikod nito, "What are you doing?!" tanong nito.
"Hello, this is my room too? I'll do whatever I want to do," sagot ni Drake while he's half naked, kumalkal siya saglit sa maleta para maghanap ng ipapalit na damit.
"Pwede ka namang magpalit sa bathroom, ah?" pagrarason pa ni Maia.
"Para namang 'di ka nakakita ng katawan ng lalaki," sagot ni Drake.
"Ikaw ba nakakita na ng katawan ng babae?" balik na tanong ni Maia while facing her face through the wall.
"I've seen plenty pero hindi 'yung walang saplot," sagot niya. Then he wears t-shirt. "Pwede ka nang humarap sa'kin, relax," inform ni Drake sa kaniya.
Dahan-dahang lumingon si Maia, may damit na nga si Drake at naka-upo ito sa kama.
"I'm hungry," tapos tumayo ang lalaki at lumabas ng kwarto.
Naiwanan si Maia sa kwarto, nanghihinang napaluhod sa sahig.
Bakit ba humantong sa ganito ang sitwasyon? I know I want to move on too, pero hindi sana sa ganitong paraan.
Gusto na sanang umiyak ni Maia nang marinig niya ang boses ni Drake.
"Hey!" sigaw nito.
Agad na napatayo si Maia at lumabas ng kwarto, pumunta siya sa kusina. Nakita niyang nakayuko si Drake sa mini fridge at lumingon sa kaniya na parang worried.
"Do you know how to cook?" tanong ng lalaki sa kaniya.
Nag-alangan si Maia sa tanong ni Drake. Lumapit siya sa fridge at sumilip doon, one dozen of eggs and some vegetables, tulad ng repolyo, kalabasa, broccoli, carrots, potatoes at kung ano pa. Sa ibabaw naman ng fridge, binuksan ni Maia, she saw a few slices of meat and fishes.
At least for our few days, may panimula kaming mabuhay sa isla. Said Maia sa sarili.
"Adobo lang alam ko," sagot ni Maia kay Drake na halatang gutom na.
"Okay," simpleng sagot ng lalaki kay Maia sabay alis ng kusina at umupo sa salas.
"If we're going to live here within six months, ayoko namang mabuhay ng puro adobo lang. We should learn something new," saad ni Drake habang tulalang nakatingin sa counter device.
Natuwa naman si Maia dahil may stove naman silang magagamit kaya mapapadali ang pagluto niya. Sinilip na niya rin kung may bigas sila para makapag-saing siya.
Well, taking care of someone makes me happy, I guess. Kahit papano, natutuwa ako't nalilimutan ko 'yung about kay Oliver.
Maia started to cut onions and garlics. Then she prepared the rice.
"Maybe it's time to know each other," biglang sambit ni Maia.
"You go first," sabat ni Drake na bored na nakaupo sa sofa.
"My name's Maia Blaine. I'm twenty seven years old," pangunang pakilala ni Maia.
"Drake Enderson, thirty two," sagot naman ni Drake.
"Drake? You mean, the celebrity Drake Enderson na anak ng billionaire?" nagulat na sambit ni Maia na napahinto sa ginagawa niya.
"Ikaw lang dapat makaka-alam nito," sagot ni Drake.
Napanganga siya. Alam ba niyang hinahangaan siya ni Oliver? Once niya lang nakita ang Drake na iyon sa isang commercial, she thought that the guy's impressive pero hindi naman niya nai-consider na isa siyang fan ng lalaking 'to.
Pero feeling ni Maia parang malaking karangalan yata na maging partner niya ang pinakasikat na celebrity sa islang ito, na-awkward tuloy siya.
"Ba't ka naman napunta dito?" curious na tanong ni Maia.
"Long story and quite complicated. Ikaw ba't ka nandito?" balik na tanong ni Drake.
"Long and very complicated story," balik niya ring sagot.
Lumingon sa kaniya si Drake, smirking. "Looks like we're going to have some fun here, miss Maia," nakangising saad ni Drake sa babae trying to insult her.
"Mukhang ikaw lang yata ang mag-eenjoy, Mr. Enderson," balik na sagot ni Maia.
"Don't start with that phrase, Maia, you don't know what I can do with you," pang-aasar na sagot ni Drake.
"I dare you not to go that far!" inis na sabat ni Maia.
Tumayo si Drake, lumapit sa kusina and lean forward sa may lamesa, looking at Maia nang napakalagkit.
"It's like you're not going to get married after this?" Nakangising saad niya, "You will surely learn everything you want to know here with me, so you should thank me a lot." sabay lakad nito pabalik sa sofa.
Makapagsalita naman siya parang ang dami niyang alam sa ganitong bagay. I wonder kung naka-ilang girlfriend na ba siya? O baka naman ikakasal na siya? O kaya naman may dati na itong asawa?
Maia look at Drake secretly, observing his body and his movements.
I can't seem to understand his moves kung mayroon nga ba siyang experience o wala. He seems comfortable to be with.
Sinimulan na ni Maia ang paggisa sa mga ingredients dahil nga sa magluluto siya ng adobo.
Drake tilt his head up, hum a little, "Hmm... That smell so good," compliment nito sa babae.
Napangiti si Maia kay Drake, imagining herself that it would be great if it was Oliver.
"You sure know how to cook?" tanong muli ni Drake while resting his head on the sofa.
"Not really," honest na sagot ni Maia. "How about you?" balik niyang tanong kay Drake.
"I don't know, I was raised by my nanny. Wala akong alam sa pagluluto," honest ding sagot ni Drake.
"It's funny that we both don't know how to cook," nakangiting pansin ni Maia.
Drake close his eyes, answered, "That's because we're not prepared for marriage yet."
Maia blinks her eyes for Drake's answer. Maybe he was right.
"Pero sabi mo, thirty two ka na. Wala ka pang balak mag-asawa sa ganoong edad?" tanong ni Maia carefully.
"I can't just force myself to marry someone lalo na kung hindi pa talaga ako interesado," sagot agad ni Drake.
Sana lang at ganiyan ang mindset ni Oliver bago man lang sana niya ako inaya magpakasal. Wala sana ako sa lugar na 'to. Sabi ni Maia while looking down sa niluluto niya.
Drake madly looking at the ceiling while tapping his feet on the floor, thinking.
Why is it that every time I meet someone, they always ask about my status? It's annoying.
Kinuha ni Drake ang phone mula sa bulsa niya but it's useless dahil no signal ito, binalik na lamang niya ang phone sa bulsa.
I have a issue, now I'm here into this crap island with this woman.
Sinulyapan ni Drake si Maia na nakatalikod mula sa kaniya at busy sa pagluluto. She's not bad for a girlfriend type. But she seems to be shy and conservative so it will hard for me to have a relationship with someone like her even if our relationship will be fake.
"May naging girlfriend ka na ba, Mr. Enderson?" biglaang tanong ni Maia.
Agad na napabangon ang ulo ni Drake at napatingin kay Maia na nakatalikod pa rin mula sa kaniya.
"I had but it didn't last," sagot ni Drake.
"Pareho lang pala tayo," sagot ni Maia.
"Hindi tayo pareho," inis namang sabat agad ni Drake sa babae.
Drake looks at the counter device, napapansin niyang nadadagdagan ng tagli-limang puntos ang paguusap nila ng dalawa ni Maia.
"Our points raised into one sixty five points," inform ni Drake kay Maia.
"Really?" agad namang lumapit si Maia sa likod ng pintuan, nakatingala na sila to look at the counter device at totoo ngang umakyat ang points nila.
"May points din pala kapag nag-uusap tayo ng maayos," ani ni Maia smiling at Drake. "Pwede naman siguro tayong makapag-gain ng points kung magke-kwentuhan na lang pala tayo," dagdag pa nito.
Hindi na sumagot si Drake sa sinabi Maia. Kahit anong games pa 'yan, wala talagang hindi dadaan sa mahirap na level. Imposible lang na makapag-gain kami ng points sa paguusap lang.
Biglang nangibabaw ang sunog na amoy ng sinaing, "Hoy, 'yung kanin!" bulalas ni Drake.
"Hala!" dali-daling tumakbo papuntang kusina si Maia at pinatay ang stove. "Pasensya na, nawindang kasi ako doon sa counter," Maia said habang naka-sad face ito kay Drake.
Drake sighs as he looks at Maia, Haaays, mukha ngang mahihirapan kami nito.
Tumayo si Drake para lumapit sa kusina at binuksan ang sinaing. Nanlaki ang mga mata niya na may part pa ng kanin na may hilaw at 'yung iba ay may luto.
Hindi makapaniwalang lumingon si Drake sa babae, "May alam ka ba sa pagsa-saing?!" tanong niya.
"Ah- eh..." Maia nervously crosses and playing with her fingers. "Mas nasanay kasi ako sa rice cooker since iyon ang pinaka-madaling way para makapag-saing," pagrarason namang sagot ni Maia.
Sinilip din ni Drake ang niluluto nitong adobo at napaka-itim na nito na halatang naparami sa toyo. He tried to taste it at parang hindi matanggal sa dila niya ang sobrang alat nito.
Madaling ngumunot ang mga noo ni Drake as he madly looks at Maia, "Napaka-alat ng adobo mo!"
Maia surprisingly shocked sa sinabi ni Drake. His face is obviously disappointed.
Mangiyak-ngiyak siyang yumuko at umiwas sa tingin ni Drake.
They both heard the sound of the counting device. Their points that were at one sixty five became just one forty five.
Drake frustratedly sighs deeply para pakalmahin ang sarili. "Look, hindi talaga tayo masu-survive kapag ganitong pareho tayong walang alam sa gawaing bahay," he said seriously.
Agad na napatingin si Maia kay Drake na tila handa siyang makinig. "Then what are we gonna do?" tanong niya.
"We can get out of here kapag ginawa natin lahat ng mga bagay na dapat gawin ng may buhay-asawa, let's gain our points sa paraang alam natin," pangunang inform ni Drake. "But for the meantime, we should gather information to others para sa mga bagay na 'di natin alam. If we can ask especially the older ones, it'll be great," dagdag niya pa.
Mukhang inosenteng tumangu-tango si Maia sa mga advices na sinabi ni Drake. "Gagawin kong makakaya ko," desidido niyang sagot kay Drake.
"Good," simpleng sagot ni Drake. "Sa ngayon, paano tayo kakain nito?" disappointed pa ring banggit ni Drake habang nakatingin sa sayang na pagkain.
***
Pumasok sa loob ng office ni Shaira si Sarah, dala-dala ang mga folders. "Nagsisimula na ba silang magkasundu-sundo?" tanong ni Sarah habang naglalakad papalapit sa lamesa.
"Base sa mga security cameras natin, maayos naman ang pakikisama nila except kina Drake at Maia, pati na rin kina Travis at Jamaica," sagot ni Shaira habang may binabasa itong papel.
"Unang araw pa lang naman nila ito, Madam. May ilang araw at buwan pa para magbago ang pananaw nila sa bawat isa," sagot ni Sarah as he put down the folders on Shaira's table. "Anong binabasa mo?" curious niyang tanong.
"Parehong nagpadala ng sulat ang parents nina Maia at Drake, binabasa ko ang sulat from Maia's family ngayon," sagot naman ni Shaira.
"Mukha ngang pareho silang may hidden issue, sa palagay mo ba makakatulong tayo para sa kanila?" concern na tanong ni Sarah.
"We can. Basta tutulungan natin sila," mabilis na sagot ni Shaira. "Maia is a broken hearted girl na naudlot ang kasal dahil sa third party. While Drake's father requests to assist his son for his further needs. At ang sabi sa pahuling sabi ng ama niya, kailangan daw na may isang babaeng makatuluyan niya hanggang sa paalis ng isla," dagdag pa ni Shaira.
Tumingin si Shaira kay Sarah na nakatitig lamang sa kaniya, nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.
"Bantayan mo ang kilos nina Maia at Drake, kung ano man ang kailangan nila, kailangan nating agapan," utos ni Shaira.
"Pero parang unfair po iyon sa ibang couple?" concern ni Sarah.
"We will play fair, kung sakali ngang may kailangan sila for themselves, tuturuan natin sila, we'll just have to guide them, nothing else," sagot agad ni Shaira.
"Yes, Madam," sagot agad ni Sarah sabay alis ng kwartong iyon.
Shaira sighs to herself. Rich people sure don't know how to live on their own.
Saka niya inopen ang folder na unang nakapatong, it's the files of their participants.
Siguro mas mabuti munang pag-aralan ko ang mga participants ko before I make my first step for them.
***
Naglalakad sina Drake at Maia sa labas papunta sa sentro ng isla. Dalawang metro ang layo sa pagitan ng dalawa, at medyo nararamdaman na nila ang init ng araw.
Nakangunot ang mga noo ni Drake habang nakatingin sa malayo. Base sa mapang nakita namin kanina sa plaza, dito sa central and grocery store at market.
Naka-pout na nakayuko si Maia habang tinititigan ang sarili niyang tiyan. Gutom na ako.
Narating nila ang central, tuwang-tuwa si Maia nang makitang isang tindera ng mga gulay at ingredients. Dali-daling pumasok sa maliit na grocery store si Drake pero ang paninda sa loob nito ay puro necessities. Shampoos, toothpaste, toothbrush, Napkins at kung ano pa.
Nilibot ni Drake ang grocery store, napansin niya sa pinakadulo ang mala-botika kaya lumapit siya.
"Excuse me?" tawag ni Drake.
Pumasok sa loob ng grocery si Maia at lumapit kay Drake.
Madali ring lumabas ang may katandaang babae mula sa likod ng isang kurtina.
"Maitutulong ko?" tanong ng matandang babae kay Drake.
"Wala ba kayong instant noodles dito?" tanong ni Drake sa matanda.
"Walang tinitindang instant foods dito sa isla, iho," sagot ng matanda. "Hindi ba kayo nakapag-luto?" tanong agad ng matanda kay Drake.
Agad na umiwas ng tingin si Drake at tumalikod sa matanda.
Nahihiyang ngumiti si Maia sa matanda, "H-hindi po ako marunong magluto," nahihiyang sagot ni Maia sa matanda.
"Ganoon ba?" sagot ng matanda sa kaniya. "Aba, eh, mamamatay kayo sa gutom niyan," saad nito.
Napapikit si Drake sa narinig.
"Ikaw, iha, iho? Makinig kayo sa'kin. Kung magsasaing kayo ng bigas, siguraduhing pantay ang takal ng tubig sa tinakal niyong bigas, mas maganda kung sosobrahan niyo ng kaunti ang tubig dahil may ibang bigas na matakaw sa tubig. At sa apoy naman, 'wag masyadong malakas at 'wag din namang masyadong mahina, 'yung sakto lang," advice ng matanda sa kanila.
Nakangiting tumangu-tango si Maia sa sinabi ng matanda, "Tatandaan ko po 'yan!" masayang sagot niya sa matanda.
"Aba, dapat lang, iha. Ikaw pa naman ang babae at dapat may alam ka talaga sa ganitong bagay," sagot ng matanda. Agad namang napayuko si Maia sa sinabi ng matanda sa kaniya.
May punto si nanay, paano nga ba ako matatawag na mabuting asawa kung sa gawaing bahay wala naman akong alam?
"Oh, siya, hintayin niyo ako dito," saad ng matanda tapos agad itong pumasok sa loob, sa likod ng kurtina.
Nagkatinginan naman sina Drake at Maia. Agad na umiwas si Maia ng tingin kay Drake dahil sa hiya.
Narinig pa naman niya ang sinabi ni nanay, malamang isip niya ngayon, wala akong kwentang babae. Buti na lang at 'di natuloy ang kasal namin ni Oliver, naisip ko tuloy na hindi pa nga ako prepared mag-asawa.
"D-drake?" nahihiyang tawag ni Maia.
Tumingin naman sa kaniya si Drake, nagtataka kung anong sasabihin niya.
"Magpa-practice akong mag-saing," dedicated niyang sabi kay Drake.
"Kung ipampa-practice mo lang ang bigas, 'wag na. Alalahanin mo hanggang isang buwan ang worth ng bigas natin," aware na sagot ni Drake.
Naka-ilang blink ng mata si Maia kay Drake. Aware siya sa consumption at waste ng resources, mas bagay kay Drake ang magbudget ng pera at magplano sa panggastos at sa pangangailan ng bahay. Pero- 'di ba parang dapat ako ang magma-manage ng ganoon? Or maybe it's because natural na sa mga Enderson ang ganitong mindset dahil lumaki silang business ang nasa utak?
"Siguraduhin na lang na tama ang gagawin natin sa pag-saing at sundin na lang advice sa'tin ni manang," sabi pa ni Drake.
"Heto..." ani ng matanda sabay lapag sa counter ang paper bag .
"Ano po ito?" tanong ni Maia, habang hawak niya ang paper bag.
"Pagkain," sagot ng matanda.
Nanlaki ang mga mata ni Drake sa narinig. Si Maia ay ngumiti ng pilit sa matanda para hindi mahalatang nahihiya siya.
"Nako po, nag-abala pa po kayo, nanay. Hindi po namin 'to matatanggap," pa-humble pang sambit ni Maia.
Ngumunot ang noo ni Drake, Tatanggihan pa ba niya ang grasya? Pero nakakahiya para sa matanda. Hindi ako makakampanteng kumain sa ganitong paraan. Feeling ko parang labis akong kinakaawaan.
Dinukot ni Drake ang pitaka nito sa bulsa.
Samantala ang matanda ay naglapag ng maliit na libro. Sinilip ni Maia kung ano iyon
and she saw that it was a cooking book.
"Para sa'yo 'yan, iha. Pag-aralan mo ang mga ingredients at kung paano magluto sa libro na 'yan. Basta kapag desidido at interesado ka, madali kang matuto. Tandaan mo, ang pagluluto, hindi 'yan minamadali at binabasta-basta lang, ha? Magluto ka ng bukal sa loob para masarap ang putahe," advice muli ni nanay.
Natutuwang kinuha ni Maia ang cooking book at ngumiti ng malapad kay Drake. "Magpa-practice ako," saad niya.
"Babayaran ko po ang pagkain pati na rin 'yung libro, manang," sabat ni Drake sabay lapag ng pera sa counter nito.
Tinitigan ng matanda ang papel na pera. "Kay laking halaga nito para sa pagkain at sa libro, iho. Hindi ko matatanggap ito." saad ng matanda habang umiiling-iling.
"Hindi ko po 'yan binibigay sa inyo ng buo. Suklian niyo po ako," prangkang sagot ni Drake.
Awkward na natawa ang matanda at kinuha ang pera, "Kung 'yan ang gusto mo, iho, sige," sabi pa nito habang kumukuha ng panukli para kay Drake.
Natawa naman si Maia sa matanda at kay Drake.
Pagkabigay ng matanda sa sukli agadna kinuha ni Drake ang paper bag na may lamang pagkain at lumakad na papaalis ng grocery.
"Mauna na po kami, nanay. Salamat po sa tulong ninyo," magalang na paalam ni Maia sa matanda.
"Walang anuman, iha," sagot ng matanda.
Sumunod naman si Maia palabas ng grocery store. Tahimik silang naglakas papalayo, pabalik sa kanilang cabin.
"Matatawag bang grocery store ang ganoong klaseng tindahan?! Hindi na lang nila tinawag na Necessities store, mas specific pa," inis na sabi ni Drake habang naglalakad.
"Okay lang, Drake. At least, may nakuha naman tayong importante doon sa matanda. Pag-aaralan ko 'tong cooking book," masayang sagot ni Maia na nililipat bawat pages.
Madali lang ang makipag-landian kung pataasan lang naman ng points, pero ang mabuhay sa araw-araw ang mas priority sa lugar na 'to. Dito yata ako makakaranas ng paghihirap sa buhay. Sabi ni Drake sa sarili habang malayo ang tingin niya. Sana nga at may matutunan ang babeng 'to. Sabay sulyap kay Maia.