"Zumi, bilisan mo nagagalit na 'yung babae sa labas. Ang tagal mo raw sa banyo." Aniya.
"Teka lang naman! Last na 'to." balik na sagot ko.
Nang matapos ay pinikit ko muna ang mata ko tsaka dahan-dahan na dinilat ito. Nakita ko naman na nagkaroon ng isang linya kaya naman napalunok ako.
Pinagdarasal ko na sana ay wala ngunit ganon nalang ang panghihinayang ko ng gumihit uli iyon ng pangalawa.
Lanta tuloy akong lumabas sa cubicle at tsaka lumapit kay Angel na bestfriend ko. Nakita ko naman na kahit sya ay kinakabahan rin sa magiging resulta. Tanging kami lang dalawa ang nakakaalam na may nangyari sa amin ni Tristan. Sakan'ya ko lang sinabi at hindi iyon alam ng mga parents ko.
Ang alam lang ng parents ko ay hiwalay na kami ni Daniel. Hindi naman sila na nagtanong kung bakit dahil halata rin naman sa mukha ko no'n na ayoko rin i-open topic. Mabuti nalang at nirespeto nila ang kagustuhan ko.
"Ano positive ba?" Kinakabahan nyang tanong. Hindi ko naman sinagot ang tanong niya, pinakita ko nalang 'yung pt na may dalawang guhit.
"Jusmiyo!" Hindi makapaniwalang wika nya. "So.. ano na? Paano mo sasabihin iyan sa magulang mo?" pagtanong nya. Halata rin sa boses nito ang pag-alala sa akin.
"H-hindi ko alam." Nanghihina kong wika.
Pagkatapos naman ng nangyari ay nawalan na ako ng gana kaya naman nagpaalam na ako kay Angel na uuwi na dahil gusto ko muna magpahinga. Mas'yadong maraming nangyari ngayon.
Nagpresinta pa sya na ihatid ako ngunit tumanggi lang ako. Gusto ko muna mapag-isa ngayon. Marami na akong problema ngayon at hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Si Kuya Kenji na nasa japan ay nasa hospital dahil sa car accident, hindi parin sya nagigising kaya nag-aalala na ako, medyo malala ang natamo nya kaya kailangan sya operahan. Kagahapon pa 'yon nangyari at hindi ako makapaniwala. Bumili na rin nga ako ng ticket para next week ay pupunta ako sa japan ang kaso naman ay nitong nakaraan ang daming weird na bagay na nangyari sa akin. Katulad nalang nung kanina.
Nang makarating sa apartment ko ay agad akong dumiretso sa kama at humiga ro'n. Ang bilis kong mapagod at feeling ko malapit ng bumigay ang aking katawan.
I let out a sigh. I took my cell phone and opened my social media account. Gusto ko lang muna ilibang ang sarili ko at makibalita na rin kung ano ang nangyayari ngayon.
Nagtataka ako dahil puro congratulation ang nakikita ko sa newsfeed ko.
"What's happening?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko.
Pinindot ko naman 'yung isang link na nakita ko. Nakalagay ro'n ang mga hot trending topics ngayon.
At hindi ko naman inaasahan ang bubungad sa akin.
???????? ??? !
1# ??????? ?? ??? ?????
???? ??? ?? ??????? ???????'? ??????? ???́??? ??? ????????? ???? ?? ???? ????? ?????? ?????????.
-?????? ??? ????? ?????? ?? ????? ????????? ??? ??????? ?? ???????? ????-???????? ?? ?????????? ?? ??? ?? ???????? ?? ??? ????? ????? ?? ???????? ?? ?????? ????????? ?? ????? ???? ??? ?? ??????? ??????????? ?? ?? ??????? ???́???.
????? ?? ????? ?? ?????????? ??? ??? ??? ??????? ??? ???????.
Marami-rami pa ang nakasulat sa article ngunit hindi ko na iyon binasa pa. Parang sumikip ang dibdib ko nang mabasa ko ang nasa balita ngayon.
Hindi ko kinaya. Ang sakit.
Sunod ko naman tinignan ang mga komento nito.
Alexis Reyes: ????????!!! ?? ????? ?? ????? ?? ??? ???? ?????? ????? ?? ????? ? ???? ???? ???????.
Belle Agosto: ???????? ??! ?????? ??? ??? ??? ?? ??? ?????? ???? ?? ??? ???? ??. ????? ?? ????? ?? ???? ??????? ?? ??????? ?? ?????. ???????????!!!
Makita ko lang lahat ng tao na suportado sakanilang dalawa ay parang hindi ko na kakayanin. Halos lahat ng tao ay masaya na ikakasal sila.
Mapait akong napangiti.