DIANA "Ate, sabi mo okay. Diba tinanong pa kita kung sure ka? Sabi mo go ka? Kaya nag reply ako sa email mo. Ate baka ito na ang pagkakataon makapunta kami sa Manila. Saka mamasyal tayo sa ocean park kasama ang quadruplets. Continuation sa birthday celebration nila Ate. Saka hindi ka naman siguro makilala ng Tatay ng quadruplets kapag magkita kayo. Kasi nga iba na ang mukha mo at pangalan. Saka ang lawak-lawak ng Manila kaya hindi naman siguro mag tagpo ang landas niyong dalawa Ate. Saka isang linggo lang naman tayo duon dahil kailangan mo pang pumunta sa kasal. Pagkatapos ng kasal ni Ma'am Enna at Doktor Tom, babalik na rin naman tayo dito. Kaya gora na tayo Ate." Nakangiti na sabi ni Jen-jen. Nandito kami sa kusina habang naghahanda ng almusal. Nagising ako ng maaga dahil hindi talag

