DIANA "Ready na ang mag babies? Excited na ba kayo na sumakay ulit sa airplane?" Tanong ni Jen-jen sa apat. Ngayong araw ang alis namin patungo sa Manila. Naghihintay lang kami ng sasakyan para magpahatid kami kay Kuya Antonio sa Laguindingan airport. Susunduin naman kami ni Nanay Rosa at Tatay Berting sa Manila airport dahil duon muna kami sa kanilang bahay ng isang linggo. "Yes, Tita." Magkasabay na sagot ng quadruplets. Kahit apat na taon pa lang sila marunong na talaga sila magsalita. Minsan nabubulol lang sila sa letter R. "Wala na ba tayong nakalimutan?" Tanong ni Nanay. "Wala na po Nay. Kagabi pa namin inayos ang mga dadalhin natin." Sagot ni Let-let. Habang may hawak na isang luggage. Lumabas din si Ton-ton habang dala ang dalawang bagahe. Kunti lang naman ang dinala namin da

