ROCKY "Wow! Ang laki, ang ganda Papa. Sa inyo po ba ito?" Tanong ni Roxzelle sa akin habang nakatingin sa mataas na building. Sinama ko silang apat sa aking kompanya. Pagpasok namin manghang mangha sila sa nakita. Lahat ng mga empleyado ko parang nagulat sa nakita. Nauna si Rio, Raven at Raine na tumakbo papasok sa loob ng kompanya kasama ang kanilang mga bodyguard. Umikot-ikot sila at tumatakbo sa loob. Nakasunod naman kami ni Roxzelle. Ayaw ko pa siya kasing mapagod dahil dalawang linggo pa lang siya gumaling sa sakit. "Yes, baby, sa akin ito. Pero dahil nandito na kayo, kung ano ang sa akin, na sa inyo na rin. Kapag lumaki na kayong apat at makapag tapos ng pag-aaral sa inyo na ito." Paliwanag ko sa kanya. "Talaga, Papa? Ang yaman niyo po." Inosenti niyang sabi sa akin. Napangiti n

