DIANA Ang sarap ng tulog ko sa malambot na kama. Ayaw ko pa nga sanang magising dahil parang ngayon lang naging maayos ang tulog ko. Ngunit nagtataka ako kung bakit may matigas na bagay na nakadantay sa tiyan sa tiyan ko. Nakayakap din ako sa mainit at matigas na bagay. Nang kinapa ko parang may bago-bato pa sa gitna. Kaya dahan-dahan ko'ng minulat ang aking mata. Namilog ang mata ko nang nakaunan pala ako sa braso ni Rocky habang nakadantay ang kamay ko sa kanyang matigas na tiyan. Nakayakap din siya sa akin saka naka sik-sik pa ang kanyang ulo sa aking leeg. Nakapikit siya na parang ang himbing pa rin ng tulog niya. Hindi ako kaagad naka kilos sa gulat at hiya. Saka ko lang napansin na kami nalang ni Rocky ang nasa ibabaw ng kama. Saka parang tanghali na. Usually kasi kada alas singko

