ROCKY "Babies happy ba kayo na kasama niyo ang Papa niyo? Hindi ba kayo galit kay Mama dahil matagal bago niyo nalaman na may Papa kayo?" Narinig ko'ng tanong ni Diana sa apat naming anak. Nasa loob sila ng kwarto ko, gusto nila na magkatabi kami sa pagtulog. Nang malaman ko na ako nga ang Tatay ng quadruplets. Kaagad na tumawag ako sa secretary ko upang palitan ng malaking kama ang kwarto. Dahil gusto ko na makatabi silang apat. Kaya malawak ang kama ko, na kasya kaming anim. Lumabas lang ako dahil kumuha ako ng tubig. Alas otso na ng gabi kaya kailangan na daw matulog ng quadruplets lalo ni Roxzelle dahil kakalabas niya lang ng ospital. Maghapon silang naglaro kaya tiyak na sobrang pagod nilang tatlo. Nakatingin lang kanina si Roxzelle sa kanila dahil hindi pa siya pwedi mapagod baka

