DIANA "Bye babies. Enjoy kayo. Bawi si Mama bukas. Kailangan lang ni Mama i-meet ngayon ang kaibigan niya." Kausap ko sa quadruplets. Aalis sila ngayon papunta sa Mall. Hinatid ko sila sa labas ng bahay. "Okay, Mama." Magkasabay na sagot ng apat. Hinalikan ko sila isa-isa sa labi. "Jen, Let, Ton kayo na muna ang bahala sa apat." Bilin ko sa mga kapatid ko. "Okay, Ate. Tatawagan ka nalang namin kapag nasa mall na kami. Kami na ang bahala sa apat." Sagot ni Jen-jen. Pagkatapos pumasok na sa loob ng van. "Ba-bye, Mama." Sigaw ng apat habang papalayo ang van. Nang hindi ko na makita ang van. Naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay ni Nanay Rosa. Mag-isa lang ako ngayon dahil pumunta din si Nanay Lydia, Nanay Rosa at Tatay Berting kasama si Met-met sa palengke upang mamili ng lulutuin n

