Episode 1 Synopsis
Synopsis
Ako si Angel Bernardo , panganay sa tatlong mag kakapatid. Bread Winner nang pamilya .Dalagang maraming pangarap sa buhay , at isa na don ay maiahon ang aking pamilya sa kahirapan. Sa edad na 28 years old di pa din ako nag kakajowa hehe charot lang pero totoo hindi naman ako pangit katunayan sabi nga nila cute daw ako! hehe busy kasi akong tao ,raket dito raket doon, marami akong ganap sa buhay nitong huli nga ay nag desisyon akong mag abroad, nag babakasakali na ito na ang Simula nang aking pag yaman haha opppss joke lang mga pangarap pala. Kaya wala na akong oras sa mga pogi sa paligid ko ,tsaka wala naman talagang ka attract attract na lalaki sa paligid ko hehe. Haba ng hair ko nuh, pero totoo di niyo lang makita haha.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon makakatagpo ako nang isang lalaking mag tsatsaga na suyuin at mahalin ako. Unang lalaking mamahalin ko. Pero panu kung ang mga masasayang sandali, ay bigla nalang maglalaho dahil sa isang pangyayari. Paglalayuin kami ng pagkakataon. At paano kung sa susunod naming pagkikita ay nahuhulog na ang loob ko sa taong may kaugnayan sa kanyang pagkatao.
Bakit kung sinu pa ang pinili ko sa kanilang dalawa ay siya pa ang dudurog at wawasak sa pagkatao ko!!
Hindi ko alam kung makakabangon pa ako sa pighating dinulot nito sa akin. Ngayong alam ko na may nabubuhay sa loob nang aking katawan.
Abangan ninyo ang kwento ng aking buhay.