Episode 7 Sai Confession

565 Words
"Sai ,anu bang pinagsasabi mo? anung like like ka diyan, tsaka anung ligaw!!? " naguguluhan kong saad sa kanya. Hinawakan niya naman bigla ang isa kung kamay gamit ang isa niyang kamay na walang hawak na bulaklak. "Matagal na kitang gusto Angel, humahanap lang talaga ako nang tiempo kung kailan ko masasabi sayo. " saad nito na makikita mo ang kaseryusuhan sa mga mata. Ayan na naman yang mga titig niyang pamatay. Self tulungan mo ako wag kang bibigay di tayo marupok diba ? saad ko sa sarili ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. " Sai alam ko nalilito ka lang, naguguluhan ka lang. " saad kung balik sa kanya. " Angel, please let me court you hayaan mo akong mas maipakita pa sayo kung gaano kita ka gusto. Gusto kitang alagaan hindi bilang kaibigan mo kundi mas higit pa don. " At nang dahil sa mga sinabi niyang yun di na ako makapagsalita. Totoo ba to? Hindi ba ako na nanaginip ? kasi kung panaginip lang to parang ayaw ko nang magising hehehe. Panu kung hindi kami mag click na dalawa ,para kasing wala kaming Chemistry , di ko ma feel ehh. Anu ba ang tama at dapat kong gawin ? Lord patulong naman ohh !! Tsskk nasali tuloy si Lord sa Love life ko. Teka balik tayo sa mundo haha. "Angel, alam ko nabibigla ka, hindi mo naman kailangan sagutin agad ang tanong ko sayo, makakapag hintay naman ako." pinaka titigan niya akong mabuti , ganon din ako. Pagiging marupok ba ang tawag sa akin kung papayag na ako sa alok niya ahhhh ...bahala na nga. " Sai, pumapayag na ako." slow motion kong sagot. " Yes !! Yes !! " nabigla ako sa biglaan niyang pag yakap sakin. Gosh bat iba ang feeling sa yakap niya sakin before at ngayon ! " sabi ko na nga ba di mo matatanggihan ang ka pogian ko. " bulong nito sa likod ko na sinabayan pa ng tawa. " Opppss, teka nga hindi ako makahinga Sai. At proud na proud ka pa talaga sa kapogian mo. Tsaka maka react ka para kang na nanalo sa lotto ahh !! haha tawa ko pa sa kanya. " Sxempre, masayang masaya lang ako Angel, matagal ko na kasing gustong sabihin sayo to kaso parati lang talaga akong nauunahan ng takot. " tssskk, alalahanin mo hindi pa kita sinasagot Mr. Simon at kung iniisip mo na magiging madali nalang ang pag sagot ko sayo pwes nag kakamali ka. " sabay cross arms ko pa sa harap niya. " tsskk, ako pa ba." sabay angat pa nito ng braso sa harapan ko. Kung hindi lang talaga to pogi baka nilayasan ko na to sa kahambogan ngayon . " Ang hangin grabe....!! " pang babara kong saad sa kanya sabay taas ng kilay. " May ipag mamayabang naman talaga ako, diba Angel ko." sabay akbay sakin. " hmmp! Angel ko ka dyan, tsaka bat naka akbay ka hah..alam mo kanina pa kita napapansin ehhh na nananching ka noh !! baka nakakalimutan mo hindi pa kita sinasagot. " sabay erap ko sa kanya. " hindi ahh ." sabay kiliti nito sa tagiliran ko, sinabayan niya pa ng tawa , aba ang mokong tuwang tuwa. Kaya ang ending embes na mainis sa lalaking to ,natatawa tuloy ako .. Sxempre papatalo ba naman ako , edi kiniliti ko din siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD