Episode 8 Ang shaket beshhh !!

524 Words
Sa mga sumunod na araw na papadalas ang pag kikita namin ni Sai, mostly we always had dinner together, may work namin kasi kami sa umaga. Minsan kung busy naman siya nag papadala nalang siya nang mga gifts at foods, ayaw na ayaw niya kasing nalilipasan ako nang gutom. Sobrang maalalahanin. Kaya sxempre ang ending tuwang tuwa naman ang bruha Kong kaibigan siya kasi ang taga salo nang mga pagkain kong hindi na uubos. Minsan nga yung iba hindi ko pa nabubuksan ayon nandon na sa kanya nilalantakan na, ang saya diba. Minsan na iisip ko tuloy, patay gutom ata bestfriend ko hahaha joke lang .Sxempre kahit may pag ka lukaret tong kaibigan ko Mahal ko to, what friends are for ika nga diba kaya dapat nag bibigayan except sa jowa ahh, ibang usapan na yun noh. Balik tayo Kay Sai, minsan pag busy naman ako at may time siya . Siya na mismo pumupunta sa Mall para mag sabay kaming sa lunch. At ganon din naman ako sa kanya pag busy siya at may time naman ako. Hindi naman ibig sabihin na ako yung nililigawan hindi ko na siya pwedeng alagaan diba. Tsaka nakaugalian na din namin to dati pa. May mangilan ngilan na ding nakakakilala sa akin sa pinag tatrabahoan niya. Kaya ngayon dahil Day off ko naisipan kong magluto at dadalhin ko sa kanya. Para sabay na kaming mag lunch. Minsan nag babake din ako dependi sa mood ko hehehe. Tatawagan ko sana siya kaso na lowbat ako ehh, kasi naman habang nag luluto nag papamusic din ako. Hmmmp okay lang alam ko namang may pasok siya ngayon. Kaya nang matapos akong magluto nag handa nadin ako para sa sarili ko .. alangan naman pupunta tayo don na mamantika facelak natin haha. At nung matapos na ako sa pag aayos sa sarili ko at sa mga dadalhin umalis na ako. Nung makarating ako sa Building nila agad akong binati ni Manong Guard. " Good noon Ma'am. " ngiting ngiti bati niya sakin. Sxempre nakakahiya naman kung hindi ako babati pabalik kaya binati ko din siya. " Good noon din po Manong Guard. " ngiti kong sabi sa kanya. " Mukhang mabubusog na naman ng sobra ngayon si Sir Simon Ma'am, tiyak masarap yang dala mo naaamoy ko na kasi hehe. " sabay tawa pa nito. " ikaw talaga Manong Guard, Salamat hah ! cge hayaan mo sa susunod dadalhan na din kita para makatikim ka rin ng luto ko." " ayyy , salamat po ma'am." saad nitong nakangiti. " cge po mauna na po ako baka nagugutom na po pag dadalhan ko nito. " at yun lang tinungo ko na office ni Sai. Pag dating ko sa floor ng office niya nag tataka ako sa katahimikan wala kasing tao. Ayyy oo nga pala lunch break na. Kaya nag tuloy tuloy nalang ako sa office niya. Ngunit nasa tapat na ako nang pintoan at kakatok na sana napansin kong hindi pala eto naka lock kaya pumasok na ako kaagad kaso wrong timing ata pasok ko. Hindi ako makagalaw sa nakikita ko. "saiiii !!! " tawag ko sa pangalan niya sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD