Episode 9 Ignoring Sai

1026 Words
Dali-dali akong umalis ayaw nang mga mata ko sa nakikita ko. Bat ang shakeett beshh !! Mabilis kong tinahak ang elevator pababa. At nung malapit na ako sa pintuan palabas siya namang pagsalita ni Manong Guard na may halong pagtataka. " ohhh, ma'am wala po ba si Sir Simon sa Office niya? tanong niya sabay tingin sa bitbit ko paring pagkain na dapat para sana sa aming dalawa ni Sai. " Manong Guard, kumain ka na ba? sayo nalang ohh. " pang iiba ko nang topic sabay abot ko ng pagkain sa kanya. " Masasayang lang kasi itong pagkain ehh!!! " saad ko sa kanya na may pilit na ngiti. " ahhh...ehhh...Ma'am para kay Sir po to diba? tsaka panu po kayo? " saad niya na napapakamot pa sa ulo. " ahhh....No I'm just okay Manong Guard, tsaka hindi ko din kasi nakita si Simon ehh, tsaka naparami din yang niluto ko kaya meron pa niyan sa bahay. " pag sisinungaling ko nalang sa kanya. " Okay po Ma'am sabi mo ehh , salamat po dito hah. " " walang anu man po Manong Guard, cge Alis na po ako ,tsaka pag nakita niyo po pala si Simon wag niyo nalang sabihin na padaan ako, baka mag alala pa yun. " " ahh okay po Ma'am. " " thank you po. " at yun lang umalis na ako . Pagkatapos nung araw na naabotan at nakita ko sa Office si Sai, iniwasan ko na siya. Broken ako nuh , yung tipong andon kana ehh, konting push nalang, umaasa kana na mag kakajowa kana sa wakas. Tapos bigla nalang binawi ni Kopido yung Pana. Haiiisstt wag lang talaga magpapakita sakin yang batang nakadiaper na may dalang pana. Tssskkk. PAASA!!! Naka ilang tawag at text siya pero ni isa hindi ko sinasagot. Minsan dumadalaw siya sa Apartment namin sa gabi kaso hindi ko din siya nilalabas. Sa umaga naman para di niya ako maabutan, maaga pa akong umaalis nang apartment para pumasok sa Mall. Ngayong Gabi nandidito na naman siya, kaya ang bruha kong best friend na naman ang humaharap sa kanya. " Beshy !! nandidito na naman siya di mo parin ba siya kakausapin? " " Sabihin mo natutulog na ako....araayyyy! bat nang babato ka ng unan? " reklamo ko sa kanyang ginawa. Nakatalikod na nakahiga kasi ako mula sa kinatatayuan niya. Kaya napalingon tuloy ako. " bakit may natutulog ba na nagsasalita? " sabay taas pa ng kilay ang bruha with cross arms. Kaya bahagya akong bumangon. " Ayaw ko nga siyang makausap, mahirap bang intindihin yon? " saad ko sa kanya. " Oo, mahirap kasi hindi niya daw alam anung ginawa niya para magkaganyan ka! kahit nga ako na best friend mo di ko alam bakit nagkaganyan kayo wala ka manlang balak sabihin sa akin. Tsaka sa pag kakaalam ko last week sweet sweetan pa pig niyong dalawa. "saad nitong may halong pag tatampo, hindi ko kasi sinabi sa kanya yung nakita at mga narinig ko, gusto ko nalang kasing sarilinin toh. " Kausapin mo na siya, sa ilang araw niyang pabalik balik dito na kikita kong sincere siya sa pag suyo sayo. Ayusin niyo problema niyo. Hindi masusulusyunan yan sa pag emote emote mo dito. " sabay erap pa nito sa akin. Napapaisip tuloy ako sa mga pinagsasa sabi nang bruhang ito. Tama ba talagang iniwasan ko siya sa halip na kausapin. " beshy !! kausapin mo na siya ayaw kitang nakikitang nagkakaganyan, naiinlove din pala isang katulad mo hehe. " tawa nito habang nakayakap sa akin. " anung inlove ? sinung inlove? " naiirita kong tanong sa kanya habang humihiwalay sa yakap niya. " edi Sinu pa ba ? anu deny deny pa ba tayo ?.. anung ibig sabihin ng pag mokmok mo dito ,yang di mo pag ligo ewww , tsaka yang pasabi sabi mong diet ka kaya di ka masyadong kumakain .!! ohhh bat di ka makasagot? " saad pa nito, bruha talaga tong babaeng to binabantayan pala mga kilos ko, saad ko nalang sa isipan ko. " edi maraming salamat sa pagbabantay nang mga kilos ko Nanay.! hahaha." natatawa kong saad sa kanya. " Nanay ka dyan. " sabay bato nang unan sa akin. " cge na harapin mo na siya, kawawa naman yung tao, tsaka wag mong sayangin mga pinagsasa sabi ko sayo , minsan lang yan haha" sabay tawa nito. " aba akala ko puro kalukuhan lang laman niyang utak mo, may pag kamatino ka din pala beshy, hahaha " saad ko sa kanya na sinabayan ko ng tawa. " akala mo lang wala, matino kaya parents ko, hindi ko lang masyadong na aadopt. hehehe." tawa niya na ikinatawa ko na din. " ohhh siya puntahan mo na siya don, kawawa naman yung tao parang nawalan na ng ganang mabuhay yung itsura. " saad nito. " cge, kausapin ko lang. " at yun lang lumabas na ako sa kwarto. Nakita ko siya sa sala na nakayukong nakaupo kaya naman hindi niya ako agad nakitang papalapit. At nung nakalapit na ako ay siya namang pag tikhim ko para ipaalam sa kanya ang aking presensiya. Nung nakita niya naman ako at siya namang agad niyang pagtayo. " Angel " tawag niya sa pangalan ko na mararamdaman mo ang kasiyahang may kalungkutang kalakip. Tinitigan ko siya saglit. Bat parang nangayayat ang taong ito. Pati ang kanyang mukha na dati ay hindi ko nakikitaan ng bigote ay meron na ngayon. Pinababayan niya ba ang kanyang sarili. Ako ba ang dahilan bat siya nag kaganyan? Nakakakonsensiya tuloy. Hmmmpp! Anu ka ba self dapat hindi ka makonsensiya, sinaktan ka niya, nag sinungaling siya diba, niloloko ka lang niya. Oo hindi pa kami pero diba nanliligaw na siya dapat maging tapat na siya sakin pag ganon. Gusto ko siyang sumbatan, gusto ko siyang komprontahin kong totoo ba yung mga narinig at nakita ko nung araw na yun. Pero bakit iba ang nararamdaman ko, bakit hindi mag tugma ang Utak at Puso ko. Bakit gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon. Tanungin anung ginawa niya sa sarili niya. Kumakain ba siya ng tama sa oras. Ayos lang ba siya.? Anu ba ang dapat kong gawin? SAI.....BAKIT??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD