Nagulat ako nang yakapin nalang ako bigla ni Sai. Hindi ako nakakilos agad.
" Angel ! mabuti at nakita na rin kita. Miss na miss na kita. Ilang araw din kitang hindi nakita. Sobrang nag alala ako sayo, hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko. " saad niyang mahihimigan mo ang pag aalala.
" Sai......" tawag ko sa pangalan niya na siya namang pagbitiw niya sa pag yakap sa akin. Hinawakan niya kamay ko at pinakatitigan ako sa mata.
" Sai, please itigil mo na to. Itigil na natin ito. " saad kong nakayuko sa kanya. Hindi kasi ako makatitig sa kanyang mata. Marupok here.
" Angel, anung sinasabi mo. Anung itigil nalang? " tanong niyang may pagtataka.
" Ibig kong sabihin, itigil mo na tong panliligaw mo. Please....! " sabay bitaw ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.
" Angel, please wag namang ganito. May nagawa ba akong mali. Please sabihin mo para maitama ko. And I'm sorry kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan. Angel please. " saad niyang mangiyak ngiyak na sa harapan ko.
" Sai, please! " pilit niyang hinahawakan ang kamay ko.
" Angel please anu bang nagawa ko. Okay naman tayo dati ahh. "
" Sai cge na umuwi kana, gabi na rin matutulog na ako. " pang iiba ko nang usapan. Insaktong nakatalikod na ako siya namang bigla niyang pag yakap sa aking likuran.
" Angel, please kung anu mang nagawa ko patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. At hindi ako titigil hanggat hindi tayo nagkakaayos. " pigil ang hininga ko habang nagsasalita siya. Na bigla ako ng may butil ng tubig na tumulo sa braso ko. Hanggang naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa batok ko. Paghalik na nakasanayan niyang ginagawa kahit nung magkaibigan palang kami.
" Aalis na ako, para makapagpahinga ka na. Hindi ako titigil Angel kahit sabihin mo pang tumigil nalang ako. MAHAL KITA ANGEL. " at yun lang narinig ko na ang pagtunog ng pintuan patunay na nakaalis na siya. Kasunod nun ang pag bagsakan na ng aking mga luha.
" MAHAL KITA ANGEL "
" MAHAL KITA ANGEL "
" MAHAL KITA ANGEL "
Parang sirang plaka na paulit ulit sa pandinig ko.
Pagkatapos nang gabing yun. Hindi na siya nag paramdam sa akin. Walang tawag kahit text. Ilang araw na siyang walang paramdam. Ilang araw ko na ding hinahanap hanap ang presensiya niya. Hanggang isang gabi, insaktong kauuwi lang namin ni chona galing sa trabaho. May biglang nag doorbell.
" Chon ako na ! " pigil ko kay chona para ako na ang magbukas ng pintuan. Hindi naman halatang hinihitay ko siya diba hehe. Kaso nung buksan kona ang pintuan. Ganon nalang ang pagkadismaya ko ng hindi siya ang nakaharap ko kundi ang kaibigan niyang si Daniel.
" ohhh Daniel bat nandito ka, anung atin ? " palihim pa akong sumusulyap sa likuran niya baka nandon siya kaso wala ehh.
" Goodevening Gel, napadaan lang ako para ibigay to sayo. " paglahad niya ng isang maliit na envelope sakin.
" Anu yan? " pagtataka kung tanong.
" ahhh , pinabibigay ni Simon bago siya umalis. Pasexcia kana ahh nung isang araw pa dapat niya pinabibigay yan, mismo nung araw ng pag alis niya. Kaso na busy din ako ehh. " ewan ko ba, bat parang sobrang lungkot ko sa nalaman ko. Hindi ko kailangan ng papel gusto ko tao.
" Bakit san ba siya nag punta? " tanong ko sa kanya.
" Umuwi kasi siya ng Pilipinas. " saad niya.
" ANU ?! " gulat kong saad " BAKIT ?! " pahabol ko pa.
" Nag karon daw kasi ng Emergency family niya don, kaya napasugod siya. " saad niya.
" ahhh ganon ba, alam mo ba kailan ang balik niya? " malungkot kong tanung sa kanya di naman kaila sa kanya namamagitan samin ni Sai. Medyo matagal ko ba din siyang kilala. Tsaka halos kambal toko sila ni Sai, kanya nakilala ko siya.
" ahhh hindi Gel ehh, pero I think matatagalan on leave nga siya ngayon. At tsaka diba pandemic ngayon pahirapan ng proseso pa balik. "
" ahhh ganon ba. Salamat pala sa pagbigay dito. " pagtutukoy ko sa binigay niyang envelope.
" walang anu man Gel, cge mauna na ako. "
" cge ingat ka."
" thank you, ikaw din."saad niyang balik.
Nung maisira kona ang pintuan. Agad kong tinungo ang aking kwarto para tingnan ang envelope na binigay ni Sai. Isa itong sulat.
" Angel ko baka pag na basa mo na to, nakaalis na ako ng bansa. Pasensya na kung di na ako nakapag paalam sayo ng personal. Nagkaron kasi ng Emergency Family ko sa Pilipinas. And my family needs me right now so I need to be there as soon as possible. Sana maging okay kalang palage. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Hintayin mo pagbabalik ko hah. "
Love: Simon
Kaya pala wala siyang paramdam ng ilang araw kasi wala na siya rito. Bat ganon, feeling ko sobrang lungkot ko ngayon. Inakala ko dati na nagsawa at sumuko na siya kaya wala nang paramdam. O di naman kaya may nangyaring masama sa kanya. Tapos di ko alam umuwi na pala siya ng Pilipinas. Panu kung hindi na siya bumalik, pandemic pa naman ngayon. Baka hindi na kami magkaroon ng chance sa isat isa. Haissst g*g* ka kasi self. Sana hindi kana nag pakipot kipot pa dati, yan tuloy umalis siya na di pa kayo okay. " malungkot kong saad sa aking isipan.
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng umalis si Sai. At hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya.
" beshy, hindi ka ba talaga sasama samin? " tanong ni chona sa akin. Day off kasi namin ngayon, kaya na pag kasunduan ng iba naming kaibigan na mamasyal.
" Okay lang beshy, dito nalang ako tsaka maglalaba pa ako ehh. " saad ko sa kanya.
" haiissstt parati kana lang nandito pag Day off natin. Tsaka di ka ba na bobored dito trabaho at bahay kana lang parati. " saad ng bruha kong kaibigan, ito na naman kami. Pinipilit niya na naman akong sumama. Ehh sa wala nga ako sa mood gumala.
" tssskkk, if I know sa Mall lang din kayo gagala.Tsaka wag mo na nga akong alalahanin okay lang ako. " saad ko
" hmmmp, binubulok mo lang ang Beauty mo dito sa bahay. Sayang hindi mo binibigyan ng chance, ibang boylet dito sa Dubai para masilayan yang Facelak mo. "
" tigilan mo nga ako chona, wala akong panahon sa mga boylet boylet na yan. Kaya cge na Go na. Umalis kana. " makatingin ba ako sa iba kung may ibang laman ang puso ko. KUMUSTA NA KAYA SIYA ?? tanong ko sa isipan.
" Aba, pinagtatabuyan na ba ako ng bestfriend ko ? " saad niyang kunwaring nag tatampo.
" Oo" pabiro kong tugon sa tanong niya.
" hmmmp, makaalis na nga. " inis na sabi ng bruha.
" Oyy, wag mong kakalimutang mag chat kung what time kayo uuwi hah. " pahabol kong saad sa kanya bago siya makalabas ng pintuan. Kaya napahinto siya.
" Ayy, ang sweet naman ng beshy ko, sabi na nga ba Love mo ko ehh. " sabay balik sa pwesto ko at yumakap sa akin.
" Haiiisst, cge na baka gabihin ka pa. Mag ingat kayo. " saad kong muli sa kanya baka saan pa mapunta kadramahang ito.
" okay cge bye beshy, ingat ka din dito. " sabay halik sa pisngi ko at umalis na. Kaya nung ako nalang sa bahay ginawa ko na ang mga dapat kung gawin assual mag lilinis ako ng bahay at mag lalaba.