Nabulabog ako sa sunod sunod na katok sa pinto. Kaya dali dali kong tinungo ito para pagbuksan ang bruha kong kaibigan haiisst, balak niya bang sirain ang pinto.
" beshy, bat ang tagal mong buksan ang pintoan, halika may ichichika ako sayo! " may pag mamadaling saad niya sakin. Kaya agad ko nalang sinara ang pintuan.
" Teka nga wag ka ngang atat. Tsaka bat ganon ka mag doorbell kulang nalang sirain mo ang pintuan. Para kang hinahabol ng mga adik sa labas. " saad ko sa kanya.
" haiiisst, kasi nga excited akong sabihin sayo yung nakita ko sa Mall kanina. " saad nito.
" At anu na naman yang chismis na nasagap mo. Namasyal lang kayo sumaydline kana naman sa pagiging Marites mo dyan. Tsaka paki ko jan sa sasabihin mo. Buti kong kay Daniel at Kathryn yan baka maging interesado pa ako. " saad ko sa kanya, idol ko kasi mga yun ehhh.
" Talaga lang hah hindi ka interesado?! " may panunudyo nitong saad sa akin kaya na curious tuloy ako.
" bakit anu ba yan hah? bakit parang nawindang ang mundo mo? " tanong ko sa kanya.
" kasi naman nakita ko lang naman yung matagal mo nang hinihintay! " saad nito.
" huh?! anung ibig mong sabihin? " naguguluhan kong tanong sa kanya.
" teka lang magbibihis muna pala ako. " tingnan mo tong babaeng to, kung kailan interesado na ako sa sasabihin niya kailan mang bibitin.
" Hoy!! bruha sinasabi ko sayo wag mong iinitin ulo ko! " inis kong saad sa kanya. Bago pa siya makapasok sa kanyang kwarto kaya napahinto siya, at hinarap ako.
" wag na baka mas mag init pa ang ulo mo kung sasabihin ko pa sayo. " saad nito na mas nagpagulo sa utak ko. Anu bang pinagsasa sabi nito? Tanong ko sa isip ko. Hindi na ako nakapagpigil, kaya nilapitan ko na ang bruha.
" Anu ba yang pinagsasa sabi mo? linawagin mo nga. " seryuso kong saad sa kanya.
" Anu kasi si ....." saad nito na hindi matuloy tuloy.
" Si... Sinu ? " pananlakihan ko na siya ng mata. Kainis to pabitin ehhh.
" Si Simon nakita ko kanina sa Mall ! " saad niya na ikinagulat ko. Bumalik na pala siya.
" Bumalik na siya. " pabulong kung saad na wari koy narinig din ni chona.
" Oo, bumalik na siya, kaso....... " putol na naman nitong saad.
" kaso anu ? " tanong ko uli.
" may kasama siya beshy. " mahina nitong saad. Anu naman ngayon kung may kasama tanong ko sa isip ko.
" Babae beshy, tsaka parang high class yung girl, I think jowa niya yun para kasing ahas makakapit sa braso yung babae ehh. " saad nito. Para namang nawalan ako ng gana sa nalaman ko. Kaya ba hindi siya pumunta dito para ipaalam na nakabalik na siya kasi busy na siya sa iba. May gusto na siyang iba. Malungkot kong saad sa isip ko na sa tingin ko na feel din ng kaibigan ko yung lungkot na nadarama ko. Kaya napayakap siya sa akin na sinuklian ko naman.
" Sige na magbihis ka na, at mag pahinga I'm sure napagod ka sa gala niyo kanina. " saad ko para maiba ang atmosphere na nakapalibot sa aming dalawa.
" okay ka lang ba beshy? " may pag aalalang tanong nito sa akin.
" tsskkk, ako pa! malakas yata to, tsaka bisaya to no baka nakakalimotan mo. " pabiro kong saad sa kanya. " cge na okay lang ako wag kang mag alala. " paninigurado ko pang saad muli sa kanya. Seryuso niya naman akong tinitigan. Kaya nginitian ko siya.
" okay sabi mo ehh, pahinga muna ako. " at yun lang pumasok na siya sa kanyang silid.
Hanggang sa pagtulog hindi parin maalis sa isipan ko si Simon. Haisst, wala man la bang closure? Anu yun ganon ganon nalang. Hanggang sa may eksinang bumalik sa isipan ko.
May babaeng nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. Sa tindig palang nito iisipin ko nang galing ito sa maranyang pamilya. Tsskkk, Sureness nakalamang lang to ng dalawang paligo sa akin. Gluta ata nilalaklak nito dahil sa kaputian. Hmmp mas maganda parin ang aking kotis morenang balat. Hayyy anu ba yan. Focus muna self.
" Sai, I still love you, I know misunderstanding lang nangyari sa atin before. Please give us another chance. " pagmamakaawang saad ng babae.
Naglakad siya kayat di ko na siya maaninag. Kaya kahit alam kung masasaktan ako tinulak ko pa ng kaonti ang pintuan. Hindi naman ata masamang maging Marites kahit ngayon lang. Nung sumilip ako wala naman akong taong nakita sa table ni Sai. Kaya sinundan ko ng tingin ang boses ng babaeng nagsasalita. At nakita ko siyang nakatayo malapit sa may sala ng opisina ni Sai, medyo kabisado ko na din kasi yung kabuuan ng opisina niya minsan din kasi akong tumatambay doon.
Nakatayo siya habang may lalaking nakatayo din patalikod sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali si Sai yon. Yung ganyang tindig kilalang kilala ko yun.
Nagulat ako ng bigla niyang yakapin sa likod si Sai. Pero mas hindi ko pala magugustohan ang response na nagagawin ni Sai. Hinawakan ni Sai ang kamay ng Babae. Akala ko tapos na ang mararamdaman kong sakit sa mga oras na yun, hindi pa pala dahil may sinabi pa si Sai na mas ikinadurog ko.
" Cathy, Yes I still love you...... " hindi ko na itinuloy ang pakikinig sa sasabihin ni Sai. Umalis na ako. Hindi na kaya nang puso ko. Durog na durog ako.
" Sai Bakit ? Wala na ba talaga tayo ? " hanggang sa makatulogan ko nalang ang pag iisip sa kanya.
" Beshy! okay kalang ba? bat banyan ang mukha mo? Medyo na mumutla ka ahh. " tanong ni chona sa akin. Nandito kami ngayon sa pinapasukan naming Mall.
" ahhh medyo masama kasi pakiramdam ko ehh. Pagod lang ata toh dahil sa pag lalaba ko kahapon. Plano ko ngang mag half day nalang. Masakit din kasi ulo ko ehh. " matamlay kong saad sa kanya.
" ayan kasi sinasabi ko, dapat nag papahinga ka. Kaya nga sinabing Day off para makapagpahinga hindi muling pagurin ang sarili. Tssskk samahan na kitang mag paalam. " panenermon na saad nito sa akin. Hindi na ako komontra sa sinasabi niya alam ko namang nag aalala lang siya sakin. Ganyan din kasi ako sa kanya pag siya naman ang may sakit.
" Salamat Beshy hah. " sa tingin ko nakulangan din ako ng tulog kaya masakit ulo ko. Sinamahan ako ni chona pumunta sa Office para mag paalam. At nung pinayagan na akong makauwi, dumeretso na kami sa Locker Room para kunin ang mga gamit ko.
" Beshy, mag half day na din kaya ako. Wala kasing mag aalaga sayo pag umuwi ka. Nag aalala ako baka anung mangyari sayo, wala kang kasama. " saad niya na puno ng pag aalala.
" Anu ka ba itutulog ko lang toh, okay lang ako. " paniniguradong saad ko sa kanya.
" Cge ikaw bahala basta kapag lumala yang nararamdaman mo, tawagan mo ako ka agad hah. " tanging tango nalang ang naisagot ko.
Hanggang sa may pintuan ng Mall ako sinamahan ni Chona. Pero nung akmang aalis na siya para iwan ako siya namang pagkapit ko ng mahigpit sa braso niya dahil medyo nahihilo na ako. Hanggang sa may narinig akong familiar na boses na tumawag sa pangalan ko, na mahihimigan mo ang pag aalala. Di ko na nakita kong sinu yon. Hindi na kaya ng Powers ko ehh.
" ANGEL, ANGEL !!!! "
At naramdaman ko nalang na may dalawang matitikas na braso ang sumalo at umakay sa akin hanggang sa nawalan na ako ng malay.