Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Partekular Puting kesami and aking naaaninag. Pinilit kong imulat ng maayos ang aking mga mata, kayat nakompirma kong nasa Hospital ako. Akmang babangon na sana ako kaso naramdaman kong may nakahawak pala sa kaliwang kamay ko.
Ang kanyang buhok at kilay na medyo makapal. Ang kanyang matangos na ilong pati na ang kanyang manipis na labi. Parang animoy batang natutulog sa tabi ko. Sobrang na miss ko ang mukhang to. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Dahan dahan kong kinuha ang aking kamay sa pagkakahawak niya at maingat ko itong inangat at dinampi sa kanyang buhok. Kay tagal kitang hinintay.
" Sai..... " mahinang naibulalas ng aking bibig. Na siya namang dahan dahan niyang pagdilat.
" Angel, gising kana? teka tatawag lang ako ng Doctor. " natataranta niyang wika. Pero hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay dahilan para mapahinto siya.
" Please...... dito ka lang. " ewan ko ba parang may ibig sabihin ang sinabi ko, basta yun ang gusto kong sabihin sa kanya. Tiningnan niya ako ng may pag aalala.
" Angel, kumusta pakiramdam mo? Gusto mo bang kumain? tanong niya nalang sakin. Lumapit pa siya sa akin at dahan dahang hinawakan ang pisngi ko. Choosy pa ba ako mga Mars. Sxempre dinama ko na ang pagdampi ng kanyang kamay sa malambot kong pisngi haha. Ohhh God, how many months I've been longing for his touch. Hindi ko tuloy mapigilang mapapikit. Napamulat ako ng mag salita siyang muli.
" I miss you so much Angel. " madamdaming saad niya na sinagot ko naman. Mars ang rupok ko grabeh.
" I miss you too Sai. " mga Mars sulitin ko na tong moment na to wag nang kumontra. Para naman akong yelo na matutunaw ng nginitian niya ako pabalik.
" are you hungry? anung gusto mong kainin? " tanong niya. Gusto ko IKAW hehehe charot lang.
" Sai, gusto ko nang tubig. " saad ko na agad naman niyang tinalima. Bahagya akong bumangon para makainom ng tubig.
" You need something else? Ayaw mo bang kumain? " tanong niyang muli.
" mamaya na hindi pa naman ako nagugutom. " saad ko
" Bat ka pala nandito? Ikaw ba yung nagdala sakin dito? Tsaka nasaan si Chona? " mga tanong ko sa kanya at siya namang pag bukas ng pinto. At niluwa nito ang kaibigan ko.
" Ohhh buti gising ka na. " may pag aalalang saad niya, habang papalapit sakin.
" sorry hah naabala ko pa tuloy kayong dalawa. "
" tsssk... wala yun importante okay kana. Akala ko mawawalan na ako ng best friend." nag iinarte nitong saad sa akin.Mangiyak ngiyak pa ang bruha, haha.
" asa ka ! marami pang umaasa sa akin, hindi pa ako pweding mawala. " saad ko sa kanya.
" Dapat lang, kung hindi baka mag iiyak tong kasama natin dito. " saad niya habang nakatingin kay Sai. Kaya napatikhim tuloy yung isa.
" ahhmm, kumusta pala anung sabi ng Doctor? " tanong niya Sai kay Chona.
" ahh okay lang naman, Over fatigue daw. Tsaka sabi ng Doctor niya pwede na daw siyang makalabas as soon as magkamalay na siya. " saad nito kay Sai.
" ahhh mabuti kong ganon. " pag sang ayon ni Sai.
" beshy sabi ng Doctor need mo daw kumain ng mga masustansiyang pagkain at makapag pahinga ng sapat para bumalik ang lakas mo. Tsaka ipinag paalam na din kita sa Manager natin na may sakit ka kaya hindi tayo makakapasok bukas. " pahayag nito sa akin.
" hah ! Anu ? anu ka ba okay lang ako hindi mo na kailangang umabsent para lang sa akin. " naiinis kong saad sa kanya.
" Anu ka ba kung hindi ako aabsent walang mag aalaga sayo, baka mahimatay kana naman. " saad nito sakin.
" AKO NALANG! " sabat ni Sai sa usapan namin kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.
" ako na lang, hindi naman busy sa Office bukas ehh. Wala namang masyadong gagawin. Kaya ako na muna mag aalaga sayo. " seryusong pahayag nito.
" Naku hindi, okay lang ako sobrang abala na kung gagawin mo pa yun. " saad ko kay Sai.
" Hindi naman daw siya busy bukas beshy kaya wala akong nakikitang problema. Tsaka wag kanang choosy. Yung tao na nga nag aalok na alagaan ka mag iinarte ka pa ba dyan. " saad ng bruha na hinaluan niya pa ng makahulugang tingin. Bruha talaga as if naman hindi ko alam ang pinupunto niya. Gusto niya lang magkasama kami ehh. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
" Cge usap na muna kayo. Asikasohin ko lang muna yung Discharge Papers. Tsaka Sai pakainin mo na din siya para mas makuha mo loob ni Beshy. " pahayag nito na patawa tawa pa. Naging Awkward tuloy yung atmosphere naming dalawa ni Sai dahil sa kalukuhan niya.
" ahhmm kumain ka muna, teka lang ihanda ko lang yung pagkain. " natatarantang saad nito.
" okay sige. " tanging saad ko nalang. Wala akong ginawa kundi tingnan bawat kilos na ginagawa niya. Hindi ko tuloy mapigilan mapatingin sa likod niya, nakatalikod kasi siya sakin. Magandang tindig, katamtamang height. Yung likod at braso naman swak na swak ang dating. At Tsaka yung pwet.... sana all may pwet hahaha napunta na pala ako sa baba.
" Angel eyes on me baby! " nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita. Ayan dahil sa makasalanang mata at isip mo self napag hahalata tuloy ako. Kaya hindi tuloy ako makatingin ng deritso sa kanya. May dala dala na pala siyang pagkain sa harapan ko haha ngayon ko lang napansin. Kaya na upo na ako ng mabuti. Akmang kukunin ko na sana sa kanya yung pagkain, nilayo naman niya na pinag taka ko.
" ako na subuan na kita baka mabinat ka pa. " saad nito.
" naku hindi na kakain lang naman ako. Tsaka di naman ako lumpo. Kaya ko na yan, kaya akin na. " saad ko
" No I insists, ako na, anu namang silbi ko dito kong hindi kita maaalagaan. " pahayag nitong muli. Tsssk ... mapilit talaga kaya pinabayaan ko na.
" okay sige. " tanging sagot ko nalang. Pero promise sobrang awkward na sinusubuan pa niya ako, para tuloy akong baby. BABY NIYA hahaha. Habang sinusubuan niya ako bigla siyang nagsalita.
" I'm wondering, why your smiling awhile ago? " tanong niya kaya nabilaokan ako. Nahalata ba niya na tinitingnan ko pwet niya.
" Ohh My Goodness! " bigla niyang bulalas. Agaran niya naman akong binigyan ng tubig. Na tinanggap ko naman kaagad.
" I'm sorry, are you okay? " nag aalalang tanong niya. Baliw ba to kitang nabilaokan ako, tatanungin kong okay lang ako tsssk.
" Yes! " maluha luha kong sagot sa kanya. Nung naging okay na ako tsaka niya naman pinagpatuloy pag papakain sa akin. Hanggang sa natapos na akong kumain. Hindi naman nag tagal dumating na din si Beshy, dala dala yung Discharged Papers. Kaya inasikaso na namin ang pag liligpit ng mga gamit para makauwi. Hinatid kami ni Sai pauwi ng Apartment. Sxempre naki hits narin kami sa sasakyan niya. Tsaka nag presenta din kasi siyang ihatid kami.
Bukas ng umaga babalik siya para tingnan tingnan ako dahil papasok na si beshy sa trabaho. Ohhh diba ang ganda ko.
" Sige Angel, Chona alis na ako mag ingat kayo rito hah. " pagpapaalam niya samin na tinangohan naman ni chona at pumasok na sa loob. Kaya ako nalang yung naiwan sa may pintuan. Akala ko aalis na siya pero hindi pa pala.
" ahhh Angel.... " saad nito na parang may gusto pang sabihin.
" what ? may nakalimotan ka ba? " tanong kong saad sa kanya.
" ahhh Oo ehh . " at dahan dahang lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisngi. Seconds lang mga Mars pero parang huminto na yung Earth. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya. Hindi mag sink in Mars. Charrr one word HEAVEN ! makatulog pa kaya ako nito mamayang gabi.
" sige alis na ako, balik nalang ako bukas. " saad nitong nakahawak pa sa kamay ko. Ohhh kitam kahit yung pag hawak sa kamay hindi ko na napansin, nakafocus na kasi utak ko don sa cheek kiss niya hehe.
" sige ,ingat ka hah! " pabebe kong saad sa kanya
" I WILL, ALWAYS........FOR YOU. " sinabayan pa niya ng kindat. Haissst sa tingin ko mag kakalagnat ulit ako dahil sa pinag gagagawa nito ngayon. At yun lang umalis na siya.
" O M G , pwede bang tumambling kahit isa lang. " tili ko ng maisira ko ang pintuan.