SINADYA ni William na sa upper deck siya matagpuan ni Mario bandang alas dies. Hindi niya alam ang totoong pangalan ng babae. At hindi naman niya iyon maitatanong na hindi nito malalaman na alam niyang bistado na niya ito. Hindi niya alam kung may hinala na sina Rod at Caloy tungkol kay Mario. Pero palagay niya ay wala pa sapagkat maririnig niyang tiyak sa kuwentuhan iyon. O kaya naman ay tiyak na sasabihin mismo sa kanya. At bigla na lang ay naramdaman niyang hindi na dapat malaman ng dalawa na babae pala si Mario. Natigil ang daloy ng isip niya nang makita sa sulok ng mga mata na papaakyat na ang babae. Hindi niya alam kung matatawa o magagalit sa nakikita. Bitbit nito sa isang kamay ang mug ng kanyang kape habang ang isang kamay naman ay salit sa p

