CHAPTER 7: HOUSE OF THE GOVERNOR

1306 Words
Papunta na kami ni kuya Eric patungo sa Bahay ng anak ni sir Arthur, gusto kung makita kung totoo nga ba Ang sinasabi ni Karyl na gwapo daw ang anak niya. " Oh Inday, kung may Hindi ka alam itanong mo sakin wag ka Basta bastang gagawa ng galaw pag Hindi mo alam " wika naman Niya sakin. Mukhang nadale na siguro itong si Kuya Eric dahil nahiya na Siya kanina sa mga pinang gagawa ko sa mall. " Opo Kuya Eric, pasensya na po kanina Masaya lang po ako na makita Yung Jollibee" wika ko Naman Kay kuya Eric. " Naiintindahan ko" wika naman Niya sakin. Naiintindahan daw pero mukhang napipilitan lamang si Kuya, naku Naman talaga! Dali dali naman siyang nag maneho at Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa Bahay ng anak ni sir Arthur, maganda din Ang Bahay Niya at Ang laki din nito. " Ganito po ba talaga Ang mga Bahay dito malalaki, tapos mag isa lang sila na naninirahan diyan." Wika ko Naman habang naka tingala sa bahay Niya. Bumukas Naman Ang gate at agad namang pinasok ni kuya Eric ang kotse. Agad Naman niyang pinarada Ang kotse at bumaba na din Siya. Binuksan Naman Niya Ang pintuan ng kotse saka ako lumabas. " Tulungan na po Kita kuya Eric" sambit ko Naman pagkababa ko at agad na kinuha ang mga binili namin kanina sa mall. Pumasok na kami sa loob habang bitbit Ang mga binili namin, nabuksan lang Kasi agad ni kuya Eric Yung pinto kaya namangha ako nag salita lamang siya pero agad bumukas yung pinto. " Kuya, ang galing mo naman napapasunod mo yung pintuan" manghang wika ko habang nag lalakad kami patungo sa kusina. " Wag mo subukan at wag mong gayahin ang ginawa ko kanina Hindi gagana Yan sayo" wika naman Niya sakin. Maya Maya pa ay nakarating na din kami sa kusina, Malaki din ito at maganda din kulay puti at itim Ang kulay nito. " Oh ilapag mo na diyan sa lamesa at tiyaka ilagay mo Ang mga Yan sa refrigerator, ito oh.. katukin mo lang tiyaka bubukas Yan" wika naman ni kuya Eric. Agad Naman akong lumapit at pinagmasdan Siya, namangha ako dahil totoo nga pag kakatukin mo ay umiilaw Makikita Yung mga inomin. " Teka, diyan ka lang muna may tumawag sakin" wika naman Niya at agad na umalis. Sinundan ko naman siya ng tingin paalis at ng Hindi ko na siya matanaw ay sinubukan ko namang katukin Ang refrigerator. " Aba! Gumagana sakin!" Masayang wika ko habang nakangiti. Katok lang ako ng katok at pinaglaruan ko Ang refrigerator. " Grabe Ang galing Naman nito!" Wika ko Naman at binuksan ang refrigerator ngunit sa pag bukas ko ay nag bagsakan Naman ang inumin at nabasag Ang iba. " Paktay!" Wika ko Naman at pupulutin ko na sana ngunit pinigilan Naman agad ako ni kuya Eric. " Naku!! Pambihira! Ano bang ginawa mo?" Sambit Naman ni kuya Eric habang nag aalala. "Wa-wala po binuksan ko lang po Yung ref pero nahulog po Kasi Yung mga inumin po" wika ko Naman habang nakatingin sa mga basag na inumin. " Sige, tumabi ka muna ako na muna Ang mag aayus ng pagkain sa refrigerator at manood ka lang tiyaka kailangan mo itong pag aralan dahil Ikaw ang matitira dito, Wala kang Kasama lagi at Wala akong mapagtatanungan." Wika naman ni kuya Eric sakin. Bumuntong hininga na lamang ako dahil Isa na namang palpak Ang ginawa ko , puro nalang ako kapalpakan ngayong araw na ito. Dali dali namang nilinis ni kuya Eric ang mga Kalat tiyaka Niya ito iniligay sa basurahan. " Siguro, Hindi inayus ni sir Yung pagkalagay kaya ganun" wika naman Niya. " H-hindi ko po Yun kasalanan Kasi bigla pong nag bagsakan e " wika ko Naman habang nakatingin sakaniya. " Alam ko, Basta pag may gagalawin ka mag Sabi ka sakin!" Wika naman sakin ni kuya Eric. Tango lamang Ang sinagot ko sakaniya. Maya Maya pa ay natapos na din Siya sa pag ayus ng mga pagkain ng anak ni sir Arthur. " Ano nakuha mo ba kung paano buksan ang mga ito at kung anong dapat mong gawin?" Tanong Naman Niya sakin. "O-oo, opo" wika ko Naman sakaniya. " Mabuti naman kung ganun, dito Naman Tayo sa heater" wika naman Niya at pinakita sakin kung anong gagawin. Sunod Naman niyang ipinakita sakin Ang oven, washing machine, Dishwasher atyaka Yung Blender. " Okay na ba?" Tanong Naman Niya sakin. Tatango tango naman ako bilang tugon. " Sige, nakuha mo na pala Ang lahat aalis na muna ako dahil may pinapakuha sakin si sir. Iiwan na muna Kita dito at tawagan mo nalang ako mamaya pag uuwi kana" wika naman niya sakin. Tumango Naman ako bilang tugon, may cellphone Naman ako dito na keypad regalo sakin ni papa Nung birthday ko. Nang makaalis na si Kuya Eric ay nag simula Naman akong mag linis, maraming hugasin kaya Naman sinubukan ko ng paandarin Ang dishwasher. " Ganito siguro ito" wika ko Naman at agad na ginalaw Ang iba't ibang parte ng dishwasher. Nang okay na ay napangiti Naman ako. Lumabas na muna ako dahil kampante naman ako, nag tungo na muna ako sa taas ng Bahay ni sir para kunin lahat ng damit Niya. Agad agad ko naman itong inilagay sa washing machine at nilagyan ng maraming sabon. " Parang Amoy chlorine ah" sambit ko Naman habang inaamoy Amoy. Binasa ko Naman Ang nakalagay sa lalagyan ng sabon. "Zon..rox?" Wika ko Naman habang nakakunot ang noo. Bigla namang bumilog Ang mata ko ng mapagtanto ko na nakakasira pala ito ng damit. " Paktay, de color pa Naman Lahat ng Yun!" Wika ko habang natataranta. Binanlawan ko nalang mabuti Ang damit at binabad ko sa malinis na tubig kahit walang kasiguraduhan na eepekto Ang ginagawa ko. Nag tungo naman ako agad sa baba ng matapos ko Ang ginagawa ko Nanlaki Naman Ang mata ko ng makita ko ang Bula na nang gagaling sa dishwasher na Lumalabas na at nagkalat na sa sahig dali dali ko Naman itong pinatay. " Nakakapagod Naman ito! Bakit pa Kasi ganito Ang binibili nila kung pwede namang kamayin nalang lahat!" Inis ko namang wika at nilinis Ang ginawa kung Kalat. Palpak na Naman ako, naku!! Ano bang gagawin ko para Hindi mahalata ng amo ko Ang mga palpak na nangyayari dito. Dali dali ko namang pinunasan ang sahig at kinuha ang Plato tiyaka ito inilagay sa lagayan tiyaka inayus ko ito. Ilang minuto Bago ako natapos sa pag lilinis halos manakit Ang likuran ko sa sobrang pagod. " Grabe Ang sakit ng katawan ko, para Naman akong binugbog ng Sampong tao" wika ko Naman at nag unat unat pa ako ng buto. Umupo naman agad ako sa sofa at humiga. " Ganito pala Ang Bahay ng mayayaman, sobrang tahimik walang katao tao ano bang silbi nito? Ang ganda sobrang mamahalin ng mga gamit pero Wala namang kasiyahan" sambit ko Naman habang inilibot Ang paningin ko. Agad ko namang naalala Ang bilin sakin ni kuya Eric, agad ko namang kinuha ang cp ko pero bigla ko namang naalala na Wala pala akong load. Nag smart alert na lamang ako Kay auntie. Habang nag hihintay ako Kay Kuya Eric ay nilibot ko muna Ang mansion na ito, may mga litrato dito at nakita ko Naman Ang litrato ni sir Arthur may Kasama siyang batang lalaki na sa tingin ko ay anak niya at may Kasama din silang babae. " Baka ito nga Ang ex wife " wika ko Naman habang nakatingin sa litrato. Binalik ko na ito at humiga ulit sa sofa. Mahigit Isang oras na akong nag aantay pero Hindi parin dumadating si Kuya Eric, bumigat na Ang mga talukap ko dahil inaantok na din ako dahil sa sobrang pagod. Napapikit na lamang ako at natulog ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD