Iyak ng iyak si auntie habang Ako naman ay nag tataka dahil hindi na Siya tumigil. Tahimik lang lahat ng Kasama niya habang nag aalala silang lahat na nakatitig sakaniya. " Grace, wag kang mag alala kakalma din naman yan sila" wika naman ni Ate Malou Kay auntie at hinahaplos haplos pa ang likod nito. " H-hindi e, jusko ano ba naman itong pinasok ko." Wika naman niya habang iiyak iyak. " Alam mo naman pala na mali nag eenjoy kapa! Kaya Ayan, deserve mo din yan" wika naman ni jusan habang tinatawanan si auntie. Dali dali namang hinawakan ni ate Malou si jusan at sinandal sa pader. " Ikaw kung Hindi ka tahimik, baka lilipad ka ng Wala sa oras!" Inis na wika ni ate Malou sakaniya. Inawat ko Naman siya at inilayo Kay ate jusan. " Che!! Malaki lang yang katawan mo kaya nasisindak mo ako!"

