CHAPTER 4: SIYUDAD

1290 Words
Halos masuka ako dahil sa sinasakyan namin ni auntie. " Okay ka lang ba Inday? Parang namumutla ka ata?" Wika naman Niya habang nag aalala sakin. Tumingin Naman ako at sumenyas na nasusuka na ako. " Ano?? Hindi ko maintindihan" wika naman Niya sakin. Hindi ko na talaga kaya para na akong sinasakal at kung Hindi ko ito ilalabas baka ay tuluyan na nga akong mawalan ng Malay. Isinuka ko na Ang mga dapat kung isuka, nataranta naman si auntie at Yung lalaking amo namin. Talaga Naman, napahiya pa ako sa magiging amo namin. " Susmaryusep Naman Inday!" Wika naman ni auntie at inaabutan ako ng tissue pang punas at cellophane. " P-pasensya na po Hindi ko na po Kasi kayang pigilan pa" wika ko Naman habang nakayuko at Hindi makatingin sakanila. Bahagya Naman natawa yung amo namin na nag ngangalang Eric. " Okay lang yan, malapit Naman Tayo sa Bahay malilinis mo na yang damit mo" wika naman Niya sakin. Tumango Naman ako bilang tugon sa sinabi niya sakin, nakakahiya Naman talaga Ang pag susuka ko. Ilang minuto lamang Ang nakalipas at nakarating na din kami sa Bahay na sinasabi ng amo namin, halos lumuwa Ang mata ko sa pagka mangha parang umurong ata yung mga bituka sa tiyan ko dahil sa pagkamangha sa Bahay nila. " Ang laki at ganda" sambit ko habang nakangaga at Hindi makapaniwala sa nakita ko. Mukhang tama nga si auntie na maraming magagandang lugar na makikita dito sa maynila. " Yan ang mansion na tutuluyan natin" wika naman ni auntie sakin. Hindi na ako tumingin sa gawi Niya dahil ayukong alisin Ang tingin ko sa Bahay na ito. Bumukas Naman Ang malaking gate, namangha ako dahil kulay ginto ito. " Sa tv ko lang ito nakikita ah" wika ko Naman habang Hindi makapaniwala. Narinig ko naman Ang bahagyang pag tawa ni auntie Grace at ni sir Eric. " Ganiyan din ako noong una kung dating dito" wika naman ni Auntie. " Ang ganda po Kasi ng mansion, parang palasyo na po ito" wika ko Naman habang namamangha parin. " Andito na tayo, bumaba na kayo para malinis yang damit mo Inday" wika naman ni sir Eric sakin. Bumalik Naman Ang ulirat ko at tumingin Kay sir eric. " O-opo" wika ko Naman habang nakangiti. Ngumiti Naman Siya pabalik sakin at binuksan na Ang pinto nakalabas na din si auntie Grace at kinukuha na Ang mga gamit namin na nasa likuran ng sasakiyan. Pag kababa ko ay agad ko namang hinanap Ang sapatos ko,pa ikot-ikot ako at dumapa na din ako para silipin sa ibabang bahagi ng sasakiyan. "Hoy Inday!! Nakuuu namang bata ka!! Anong sinisilip mo diyan sa ibaba" wika naman ni auntie Grace. "Y-yung sapatos ko iniwan ko lang po Yun sa labas ng kotse para po Hindi malagyan ng alikabok Yung sasakiyan" wika ko Naman at nag ikot-ikot pa ako para hanapin Ang sapatos ko. Bigla namang humalakhak si sir Eric nakahawak pa ito sa tiyan Niya habang tumatawa. Napakunot naman Ang noo ko dahil sa inasta Niya, Ako ata Ang tinatawanan Niya. " B-bakit?" Sambit ko Naman habang nakatingin Kay sir Eric at Kay auntie. " Nakuu Inday jusko!! Hindi mo dapat iniwan Yun dahil Hindi Yan madaldala dito kung iniwan mo sa labas! Halika na nga may tsenilas ako dun bibili nalang Tayo ng bagong sapatos mo! Pambihira ka talagang bata ka kung ano anong ginagawa mo" wika naman ni auntie at agad naman Niya akong kinaladkad papasok sa mansion. Hindi na ako makaangal dahil tuloy tuloy lang si auntie sa pag Hila sakin patungo sa loob ng mansion. Walang katao tao dito pero sobrang linis at ganda. " Grace!" Napatigil Naman si auntie at Dahan dahang lumingon sa kinaroroonan ng taong tumawag sakaniya. "S-sir" wika nito at yumuko. Nakatingin lang ako kay auntie habang nakayuko at Hindi ko alam bakit Niya niyuyukuan Ang lalaking nasa harapan namin, mag kasing edad lang siguro silang dalawa pareho lang Kasi Yung katandaan nila. " Yumuko ka" pabulong na wika ni auntie Grace sakin. Dali dali naman akong yumuko sa lalaking nasa harapan namin. " Umupo muna kayo dito" wika naman Ng lalaki habang nakatingin samin. "O-opo sir" wika naman ni auntie Grace. Hindi ko alam kung bakit sir Ang tawag ni auntie Grace sa lalaking ito, Diba si Eric Yung sir namin. Maraming katanungan Ang isip ko Ngayon pero winaglit ko muna gusto kung malaman kung sino ang lalaking ito. " Aleciaa!! Ikuha mo ng pagkain Sila grace tiyaka bigyan mo na din ng tissue Yung Kasama Niya pang punas" wika naman Ng lalaki habang nakatingin sa damit kung may suka. Nahihiya man ay Wala na akong nagawa dahil nakita na niya. " So iha anong pangalan mo?" Tanong Naman Ng lalaki sakin. Agad Naman akong tumingala at tumingin sakaniya ng diretso. " Inday" wika ko Naman habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya. Napangiti Naman Siya sakin habang iiling iling. " Gusto ko itong pamangkin mo grace, mukhang matapang siya" wika naman Niya sakin. Hindi Naman sumagot si auntie, kanina pa Yan sobrang tahimik. " Auntie bat di kayo umimik?" Bulong ko Naman Kay Auntie Grace pero sinipa Niya lang ako ng bahagya. " Inday Ang palayaw mo, Ang gusto kung malaman ay Ang full name mo" wika naman Niya sakin. Nangangapa pa ako kung anong isasagot ko dahil Hindi ko Naman alam kung anong ibig sabihin ng full name. " Buong pangalan mo daw" Sabi Naman ni Auntie sakin habang bumubulong. "Ah-eh Dianna Isabella Matatag Po sir at your serbis" wika ko Naman habang nakangiti sakaniya. " Maganda Naman pala Ang pangalan mo" wika naman Niya habang nakangiti sakin. " Ang magiging trabaho mo ay alagaan Ang anak ko" wika naman Niya. Ngumiti Naman ako dahil medyo mahilig din Naman ako sa bata. " Ayy walang problema po, Ilang taon na po ba siya?" Tanong ko Naman habang nakangiti. " 25 na iha " wika naman Niya. Agad Naman kumunot ang noo ko matanda na pala Siya bakit Niya ipapaalaga sakin , Hindi ba Yun marunong mag timpla ng gatas. " Matanda Naman po pala siya, mas matanda pa sakin " wika ko Naman habang natatawa. " Ano bang gagawin ko papatulugin ko po ba, papakainin, ihehele ko po ba Siya" wika ko Naman. Agad Naman ako kinurot ng bahagya ni auntie kaya natahimik ako, tumawa Naman ng malakas Yung matanda na nasa harapan namin. " I like you ha, pinapatawa mo ako." Wika naman Niya habang maluha luha sa kakatawa. Namangha Naman si auntie dahil sa tawa ng matanda , ewan ko ba pero naka bukas Kasi Ang bibig niya na parang Hindi makapaniwala. " Ipagluluto mo Siya iha, labhan mo Ang damit Niya tiyaka alagaan mo Siya na para mong anak " wika naman Niya sakin. " Naging nanay pa tuloy ako" wika ko Naman. Natawa ulit Ang matanda ng dahil sa sinabi ko. " Hay naku, Sige na pwede na kayong umakyat sa taas. Nice to meet you Inday. Welcome home grace" wika naman ng matanda Kay auntie Grace. " Salamat sir" wika naman Niya at agad na tumayo. Kinaladkad na Naman ako ni auntie paakyat sa itaas, mahaba Ang hagdanan nila kaya talagang hirap na kaming huminga pagkarating sa taas. " Auntie bakit po kayo natahimik kanina, at tiyaka Hindi po ba si sir Eric Ang amo natin?" Tanong ko Naman. Tumingin Naman Siya sakin at bumuntong hininga. " Hindi iha, driver si Eric Yung matanda na Yun si sir Arthur Elizalde Davis yun, Siya Ang amo natin" wika naman Niya sakin. Tatango tango na lamang ako at nag tungo na kami ni auntie sa kwarto namin. Sana Naman maging mabuti ang buhay ko dito , Kasi kung Hindi uuwi talaga ako sa probinsya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD