NANDITO kami ngayon sa hideout namin. Ako at ang team werewolf—Hylo, Steven, Kristoff, and Dominic. Ang team namin ang pinaka mataas na Gorqyieds sa Mafia world. We're selling drugs, everything about drugs. Lastly, pumapatay din kami.
Ngayon ang misyon namin ay hanapin ang isa naming kalaban. Isa lang ‘yon pero ang hirap mahanap. Ang pinaka leader ng Yroctyis Organization. We need to kill the leader. Marami ng nalagas na Team sa Gorqyieds. Kailangan namin pigilan ‘yon dahil nababalita na sa nakakataas na maraming team na nakasabayan namin ay wala na.
Pasalamat na lang at nandito ang kasamahan ko. Hindi kami lalakas kung hindi makikipagcooperate ang isa’t isa.
“Wala parin na p’wedeng may koneksyon sa kanya?” tanong ko.
Hindi sumagot si Hylo. Nanatiling nakapokus ang mata nito sa kanyang laptop at walang tigil sa pagtipa ng codes sa high-tech nitong laptop. Wala si Dominic at Kristoff dahil sila ngayon namimili ng groceries habang si Steven ay siguro nasa rooftop gamit ang sniper nito. Nagiging libangan niya na ‘yon ang tignan ang mga tao gamit ang scope ng sniper nito.
“Here. . . But it’s just a little,” tugon nito at may tinuro sa screen ng laptop.
Dumukwang ako at tinignan ng mabuti ang litratong ‘yon. Meron siyang dalawa anak na babae.
“We can use one of his daughters there,” usal nito at muli akong nilingon.
“Wala na ba?” tanong ko ulit.
Umiling ito. “Wala pa, eh. P’wede naman na shoot to kill sila kay Steven. That his weakness. . . His daughters,” salita nito at sumandal sa kanyang kinauupuan.
I shook my head. “Dig some more information about him. Hindi pa natin alam kung anong meron sa kanya kaya dapat hindi tayo magpadalos dalos.”
“Okay,” tipid niyang tugon sa akin. “It’s so hard, huh. I wanna punch his face right now,” bulong nito.
I chuckled.
Hindi namin p’wedeng takasan ang misyon na ‘to dahil ang kabayaran ng hindi pagsunod sa utos ng leader namin sa Gorqyieds Org ay pagkitil ng buhay. Dahil kami na lang ang natira sa ilalim ng Gorqyieds napunta sa amin ang pinakamataas na rango. Kapag nagawa namin ang misyon papalayain na kami.
We can live peacefully.
SINANDAL ko ang aking likod sa napakalambot kong sofa. This night is very tiring! Katatapos lang namin na rumampa sa stage kaya ramdam na ramdam ko na ngayon ang sakit ng katawan ko.
Pinapaayos ko na lang ngayon sa isa kong personal assistant ang mga gamit ko dahil aalis na kami ni Daisy.
We're going to the Philippines! Ang saya ‘di ba?
At ngayong gabi ay huli ko ng rampa. Kailangan ko na rin kasi magpahinga. Masyado na akong nastress sa pag-momodel pero nag-e-enjoy ako. Halos araw araw ang pag-rampa namin at okay lang sa akin dahil ginusto ko ‘to. Pinatong ko sa vanity table ang paa ko at binuksan ang cellphone para maglibang.
“Hey b***h, let's go.”
Umangat ang tingin ko sa nagsalita at kusang ngumiti ang aking labi ng makilala kung sino ‘yon. Si Daisy.
“Will you wait? Hindi pa siya tapos sa paglagay ng gamit ko. Huwag kang magmadali,” tugon ko at pasimple siyang inirapan.
Bumaba ang tingin ko sa personal assistant ko. Tumayo na siya ng masarado ang aking bag. “Ma’am Cattalina, okay na po yung mga gamit niyo,” wika nito at nilagay sa gilid ko ang maleta.
I nodded. “Thank you.”
Lumabas na ito sa kwarto ko kaya kaming dalawa lang ni Daisy ang natira rito sa kwarto. Naglakad ako papunta sa salamin at tinignan ang sarili.
“Ilang araw tayo sa Philippines?” I asked.
She shrugged. “I don't know. Ikaw? Wala ka na bang balak bumalik dito?” tanong nito.
“I don’t know,” I whispered. Kinuha ko ang lip gloss ko sa makeup bag at naglagay sa labi.
“Gusto ko lang magpahinga. Nakakapagod din pa lang maging full-time model,” wika ko at ng masatisfied na ‘ko sa aking labi ay binalik ko na ‘yon sa makeup bag.
Tinanggal ko ang bra ko at pinalitan ‘yon ng n****e tape. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko na malaya ang aking dibdib. Nang okay na ang lahat ay nilingon ko siya.
“Nasa labas na ba yung van?” tanong ko.
Tumango si Daisy. “Oo. Ikaw na lang talaga hinihintay.”
Napangiti ako sa sinabi nito. “Dapat lang ‘no! Ayaw kong mag-hintay sa labas baka maistress yung mukha ko mahirap na,” maarte kong tugon na ikinailang niya.
Tinalikuran niya ako at lumabas na sa dressing room. Sumunod na lang ako sa kanya. Natigilan ako ng makitang maraming tao at ang sikip!
“Move,” wika ko. Ang iba ay narinig ang sinabi ko kaya gumilid sila. Pero masikip parin. “I said move!” malakas kong sigaw.
Doon ay narinig nila ang sigaw ko kaya gumilid sila. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Inayos ko ang buhok ko ng madaanan ko sila. Naglakad na ako palabas ng studio. Nang makarating ako sa van ay tinulungan ako ng isang guard para maipasok sa likod ng van ang dala kong maleta.
Hindi ko kasi kayang buhatin iyon. Hello? Sexy ako not macho.
Kinuha ko ang LV sunglasses ko at napangiti ako. I know i'm weird. I’m wearing a sunglasses in the middle of the night. I chuckled. Cattalina Luna Mendoza lang ang makakagawa n‘yan.
Naupo ako sa tabi ni Daisy at kumunot ang noo ng makita ang pinapanood nito. Dumukwang ako at tinignan ‘yon ng mabuti. Napangiwi ako at inayos ang pag-upo ko.
She’s watching a porn.
Hindi naman bago sa akin iyon dahil siya ang pinakawild sa aming dalawa. Akala mo laging horny! Eh ako naman sa pagsasalita lang ganoon pero virgin parin ako. Si Daisy? She's not a virgin anymore. And It's okay with me.
Mahina kong kinurot ang kanyang tagiliran. “Nanood ka na naman n’yan.”
Nilingon niya ako at ngumisi sa akin. Hindi man lang ito naka earphone or something na hindi namin maririnig ang mga moans ng pornstars?
She's very weird but I love it!
Kinwento niya pa sa akin na kung hindi siya nag-model baka naging pornstar na raw siya. She's even practicing her moans in front of me.
Parang baliw lang ‘di ba?
Ako naman ay hindi makapaniwala sa kanya. Pinagtatawanan niya ako. Nilabas ko ang earphone ko at binigay sa kanya.
“Wear this. Baka mamaya mahorny ang driver natin, ayaw kong marape ‘no,” mahina kong bulong.
Inirapan niya ako at basta na lang hinablot ang earphone ko. Pagkatapos ay sinuot niya ‘yon. Napalingon lang ako ng bigla siyang dumukwang.
“Why not? Matagal na rin akong hindi nakapagthreesome—”
“What the hell, Daisy!?” nanlalaki kong matang wika. “I’m not into that t-threesome!” mariin kong bulong sa kanya. “Yuck!”
Humalakhak lang ito at tinuon ang pansin sa pinapanood nito. Kinuha ko ang cellphone at sinubukang tawagan si Daddy.
“Hello?” mahina kong bungad ng masagot ang aking tawag.
“Who’s this?”
Natigilan ako ng marinig kung sino ‘yon. Hindi si Daddy ang nakasagot sa tawag. . . Si Ate Monriesa ‘yon.
“A-ate. . .” I whispered. “Where’s daddy?”
“May inaasikaso. Bakit ka napatawag?” masungit nitong tugon.
Tumikhim muna ako bago magsalita. “Gusto ko lang sabihin na babalik na ako d’yan.”
Narinig ko ang pagak nitong tawa sa kabilang tenga. “Cattalina, wala naman kaming pake kung umuwi ka rito o hindi. Saan ka ba nakakakuha ng kapal ng mukha para sa bagay na ‘yan? Huwag mong matawag na Daddy si Daddy, huh? Anak ka lang ni Mommy sa pagkadalaga at kahit kailan hindi ka ituturing tunay na anak ni Daddy! Ako lang ang tunay na Mendoza at hindi ikaw!”
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbing gustong kumawala. Hindi ko na pala namamalayan na umiiyak na ako.
“A-ate naman. . . Alam ko naman ‘yon. Kahit saglit lang iturong niyo naman akong pamilya. Gusto ko lang maranasan ‘yon—”
Tumawa ito. “Nagpapatawa ka ba? Mamatay ka muna bago ka namin tratuhing pamilya.”
Bumuntong hininga ako. I want to talk to her in a calm and good way. Ang kaso laging nauuwi sa ganito.
“Kapag ba nawala na ako ipapakita niyo na yung hinihingi ko sa inyo? Ipaparamdam niyo na ba sa akin ‘yon.”
Mas lalo lumakas ang tawa nito. “Tanga ka talaga. Mabuti na lang at maganda ka. Kailan pa nagkakaroon ng pakiramdam kapag patay na? Sayang lang pera na pampaaral sa ‘yo. Gaga ka!” nanggigil nitong wika.
“Pakisabi na lang kay Daddy na mahal ko siya at miss ko na rin siya.”
“Whatever.”
Hinayaan ko na lang na ibaba nito ang tawag. Kumuha ako ng tissue at maingat na pinunasan ang aking luha. Baka masira ang makeup ko! I took a deep breath and started to retouch my makeup. ‘Yon lang naman lagi kong iniisip. Kung kailan nila ako tatanggapin sa pamilya nila. Tanggap ko ang masasaki nilang salita laban sa akin. . . Nasanay na rin kasi ako.
Sa totoo lang ay matagal ko na rin hinahanap ang tunay kong Papa. Pero sumuko na rin ako dahil napapagod na ako. Ilang taon na rin ‘yon.
Ang sabi nga nila mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Kaya bakit ko pa pipilitin ang sarili ko na hanapin siya, eh ayaw nga niyang magpakita.