PROLOGUE
“Kumusta na yung plano niyo? Akala ko ba gagamitin niyo siya para madaling mapalabas yung pinakaleader ng Yroctyis?”
“Yeah. . . Okay naman yung plano. Hindi pa naman niya alam na gagamitin namin siya.”
Biglang nanikip ang aking dibdib sa narinig ko. Ako? Ginagamit lang nila ako?! Sa sobrang galit ay tinulak ko ng malakas ang pintuan at tinapunan sila ng masamang tingin.
“Mga manggagamit kayo!” galit kong sigaw sa kanila. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang dinuro sila.
Pareho silang natigilan ng makita ako. Akmang lalapit sa akin si Levin pero umatras kaagad ako. Hindi ko na makontrol ang pag iyak ko pati ang paghikbi. Napahawak ako sa gilid ng pintuan habang patuloy parin sa pag iyak.
“Catt. . . Don’t c-cry.”
I glared at him and raised my middle finger. “f**k you!”
Tinalikuran ko siya at tumakbo papasok sa loob ng aking kwarto. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang damit ko, sinunod ko ang mahahalagang gamit.
--
“Ngayon ko lang narealize na mali ang nagawa namin sa ‘yo. Please forgive me anak, Daddy will give you everything, huwag ka lang umalis dito sa mansyon.”
I smiled. “Gusto ko lang ang mahalin niyo ako, Daddy, hindi ko po hinihiling na bigyan niyo ako ng mga materyal na bagay. Pagmamahal niyo lang po ang kailangan ko.”
–
“Daddy saan po tayo pupunta?”
Nakita ko siyang may dalang malaking bag sumunod din sila Mommy at Ate Monriesa na dala ang kanilang gamit.
“Pupunta tayo sa private island natin. Doon na tayo maninirahan, gusto mo roon ‘di ba? Makakarelax kayo ng maayos ng Mommy at Ate mo.”
I nodded. Inalalayan ako ng isang bodyguard ni Daddy paakyat sa yacht. Nagpasalamat ako bago maglakad papunta sa pwesto nila mommy.
–
“Where are we going, Levin?”
“Palawan. We need to get out of here.”
My eyes widened. “Dito tayo sasakay sa malaking yacht!?”
He nodded. Mukhang nakaka excite ito! This is my second time na sumakay sa yacht and super big pa!
–
Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng malakas na pagsabog na nanggagaling sa labas ng aking kwarto. Napatalon ako sa gulat ng biglang sinipa ni Levin ang pintuan ng kwarto ko. Hinihingal ito at may hawak na baril sa kanyang kanan na kamay.
“Get out! Bilisan mo! May speed boat na naka-abang sa baba.”
“What? Ano bang nangyayari!”
“Lulubog itong sinasakyan natin! Sumakay ka sa speed boat nandoon sila Hylo naka-abang sa ‘yo.”
I nodded immediately and run faster. Dumungaw ako sa railing at hinanap ang sinasabing speed boat ni Levin. Agad ko naman din nakita sila Hylo at isang lalaking nasa middle age, medyo malayo sila sa yacht.
“Jump, Catt!” Hylo shouted.
Napaatras ako at nagsimulang manginig ang aking katawan. Napatili ako ng biglang gumalaw ang yacht patagilid kaya na-out of balance ako. Humigpit ang kapit ko sa railings na akala mo ay roon nakasalalay ang aking buhay.
“f*****g jump, Luna!”
I heard Levin shout. Abala siya sa pakikipaglaban kasama sila Dom, Kristoff, at Steven. Muling tumulo ang aking luha dahil sa takot.
“I can't swim!” I cried.
–
I'm happy now. I had two dads! My real daddy and my daddy uncle.