MAAGA pa lang ay nagising na ako para mag-ayos ng sarili. Hindi pa nga ako nakatulog ng maayos dahil naninibago ang katawan ko. Bibisitahin ko rin sila Daddy kaya nagising ako ng maaga.
“Sigurado ka na ba talaga d’yan?”
Nilingon ko si Daisy. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakapameywang. Tumango ako at inayos ang short ko. Kusa kasi itong umaangat.
Napakurap siya ng ilang beses. “Pupunta ka talaga?”
Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay pagkatapos ay naupo kami sa kama.
“Daisy, nakakailang tanong kana,” natatawa kong wika.
“I'm just protecting you. Pinoprotektahan lang kita kasi alam kong sasaktan ka na naman nila kapag pumunta ka roon,” tugon nito sa akin at nanatiling nakahalukipkip. Lumawak ang ngiti ko. Kaya mahal na mahal ko ‘to, eh.
“I know, Daisy. Sigurado na talaga ako na bibisitahin ko sila.”
Bumuntong hininga siya. “I don’t have a choice. It’s your decision, Catt. Mag-iingat ka, ah.”
“Thank you, Daisy. Ikaw na bahala rito,” masaya kong tugon.
Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse sa ibabaw ng vanity table pagkatapos ay kinuha ko ang bag. Tinanguan niya lang ako.
“Hmm. Bye.”
Lumabas na ako at dumiretso sa parking lot. Ngayon ko na lang magagamit ang kotse ko, sa tutuusin ay sobrang tagal na niya sa akin. Ito ang una kong naipundar nung nakapagipon ng pera dahil sa unang pag-momodel ko. Kaya rin siguro hindi ako makabili ng bagong kotse dahil may sentimental value na sa akin nito. Panatag naman ang loob ko na gamitin ito dahil buwan buwan ko ‘tong pinapatignan sa talyer.
Dumaan muna ako sa Red Ribbon para bumili ng cake para sa kanila. Pagkatapos ay dumiretso na ako kaila Daddy. Napakastrikto ng subdivision nila, hindi ka papapasukin kung hindi ka taga rito, walang ID, o wala kang kamag-anak. Kung taga roon ka naman kailangan parin ng proweba.
Buti nga at hindi nila pinatanggal ang pangalan ko sa listahan na p’wedeng makapasok doon. ‘Yon na lang ang pinanghahawakan ko na may chance na matanggap nila ako. Nagpakita parin ako ng ID para kahit papaano ay makilala nila ako. Sobrang tagal ko na rin kasi na hindi nakapunta rito.
Atsaka imposible rin na hindi nila ako makilala sa tagal ko rito. Tinabi ko sa gilid ang kotse ko at hindi na pinasok sa loob ng mansyon. Saglit lang naman ako roon, eh. Pinakatitigan ko ang mansyon bago magtungo sa gate. . . Ang bahay na ito. . . Saksi niya lahat ng saya, takot, lungkot, excitement, na nangyayari sa buhay ko. Mapait akong ngumiti at naglakad na. Sa bawat paghakbang ko papalapit sa gate lalong lumalakas ang t***k ng puso ko parang gusto nilang kumawala sa rib cage ko sa sobrang kaba at halo halong emosyon.
Pinindot ko ang doorbell at naghintay ng ilang minuto bago ako pag-buksan. Kusa akong napangiti ng makita si Manang rina na naglalakad papunta sa akin.
“Manang Rina,” I greeted, smiling.
Natulala siya ng makita ako. Mahina akong natawa ng tumagal pa ‘yon ng ilang segundo.
“Diyos ko po! Catt?” nanlalaki nitong matang tanong. Tumango lang ako at ningitian siya. “Ikaw nga! Pasok ka!”
Binuksan niya ang gate at pinapasok ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos pa ang buhok ko.
“Ikaw na bata ka! Ang tagal mong hindi na bisita rito! Sobra kitang namiss,” nakangiti nitong anas at may bahid na lungkot sa kanyang mata. Muli niya aking niyakap. “Ang laki na ng alaga ko.”
Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. “A-at ang payat mo. . . Bakit ang payat mo! Kumakain ka pa ba ng maayos!?” natataranta nitong wika.
Humaba ang nguso ko sa sinabi nito. “Manang Rina naman, eh. Nag-momodel po ako kaya ganyan.”
Napailing ito sa akin at nagusot pa ang mukha dahil sa naging tugon ko. “Anong klaseng pag-momodel ba ‘yang ginagawa mo? Mukhang isang kutsarang kanin lang kinakain mo, eh.”
Natawa na lang ako sa sinabi nito.
“Aba tumawa ka pang bata ka.”
“Huwag kana pong mag-alala Manang nag-pahinga muna ako sa pagmomodel kaya makakakain ako ng marami ngayon,” tugon ko rito at hinawakan ang kamay niya.
Nakahinga ito ng maluwag. Bahagya akong sumilip sa loob ng bahay kung nandoon ba sila sa sala.
“Nasaan po pala sila Mommy at Daddy,” tanong ko.
“Ay, si Ma’am Monriesa lang ang nandito. Hindi namin alam kung nasaan pumunta si Sir Dinoques at Ma’am Carrilyn. Maaga kasi silang umalis,” tugon nito sa akin.
Malungkot na ngumiti ako. “Sayang naman po. May dala po kasi akong cake para sa kanila,” tinaas ko pa ito para makita niya.
“Pasensya kana rin, Hija. Tara pumasok ka muna nandoon ang ate mo sa sala nanonood ng pelikula sa netlix ba ‘yon?"
“Netflix po,” pagtatama ko.
“Ganyan ba? Hindi ko maintindihan ang ganyan. Tara pumasok na tayo.”
Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Iniwan lang ako ni Manang Rina sa sala dahil may aasikasuhin pa ito sa kusina. Sinalubong ko ng ngiti si ate Monriesa. Nakatalikod ito at mukhang may kausap sa cellphone.
“Ate.”
Humarap ito ng marinig ang boses nito. Naglaho ang ngiti niya sa kanyang labi at napalitan ng seryosong emosyon. Saglit siyang nagpaalam sa kausap niya at binaba ang tawag.
“Anong ginagawa mo rito?” masungit nitong tanong.
“Bibisitahin ko sana sila Mommy at Daddy. . .”
Kumunot ang noo nito. “Ang binibisita mo rito wala ngayon.”
Nilapitan niya ako at bumaba ang tingin sa dala kong cake. Kumunot ang noo nito at tinuro ‘yon.
“Para kanino ‘yan?” kunot noo nitong tanong.
Ngumiti ako at inabot ‘yon sa kanya. “Para sa inyo ‘yan. Binili ko.”
Umismid ito at tinawanan ako. “Kahit anong suhol mo sa amin Cattalina ‘di ka parin namin tatanggapin. Isuksok mo ‘yan sa utak mo.”
Napabuntong hininga ako. “Ate naman. . . Tanggapin mo na ‘to.”
Ang hilig niyang makipagtalo sa akin kapag pumupunta ako rito. Ako na lang napapagod sa ginagawa niya sa totoo lang.
“Hindi kita kapatid,” mariin nitong wika.
“We’re half-sister, Ate—”
“You’re not real Mendoza, Catt. Ano ba! Bumalik ka na nga sa tunay mong ama!” gigil nitong sigaw sa akin.
Maharas niyang binalik sa akin ang cake. “Iuwi mo na ‘yan sa inyo. Napaka-cheao mong tao. Cake? Ibibigay mo sa ‘min? Nakakatawa ka.”
Huminga ako ng malalim. Uuwi na lang ako. Walang patutunguhan ‘tong sagutan namin baka mas lalo pang lumala kung sasagutin ko pa siya.
“Pakisabi na lang kay Mom at Dad bumisita ako rito. Aalis na ako.”
Bago pa ako tuluyang makaalis humabol pa ito ng sigaw.
“Kahit anong gawin mo Cattalina hindi ka parin namin tatanggapin, tandaan mo ‘yan. Umalis kana! Huwag ka ng babalik dito!”
Hindi ko ito pinansin at lumabas na ako sa mansyon. Pinatong ko sa shotgun seat ang cake at pinaandar palabas sa subdivision. Hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos kay Manang Rina.
Hindi ko na mabilang kulang ilang beses akong huminga ng malalim hanggang sa makarating ako sa condo. Muntikan pa ako mapasigaw sa gulat ng makitang nanood ng porn sa TV si Daisy. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kaya napalingon siya sa akin.
“Oh, nandito kana pala,” bigla nitong anas at nilapitan ako.
Ningitian ko siya at hindi pinahalata malungkot ako. Alam ko namang mapapansin niya ‘yon kahit baguhin ko ang emosyon ko.
“Nakausap mo ba sila? Anong nangyari?” curious nitong tanong.
“Hindi ko naabutan si Mommy at Daddy pero si Ate Monriesa nakausap ko,” tugon ko at kinamot ang ulo ko.
Napangiwi ito at napairap sa akin.
“Pustahan tayo kung ano ano na naman pinagsasabi ng kapatid mo sa ‘yo,” wika nito sa akin at tinignan ako. “Tama ‘di ba?”
Humalakhak ako. “Tama ka nga.”
Kahit naman masakit sa loob ko lahat ng sinasabi niya ay hindi ko maiwasan na hindi humalakhak. Masyado kasi siyang galit sa akin at hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Baliw na yata ako.
“Kanino ‘yan?” tanong ni Daisy ng makita ang dala kong cake.
“Dapat kaila Mom at Dad ‘yan ang kaso wala sila kaya dinala ko na lang pauwi. Binibigay ko kay ate kaso ayaw niya tanggapin. Sinabihan pa ako ng cheap kasi cake lang daw binili ko,” natatawa kong kuwento sa kanya.
Tumawa rin siya. “Ang choosy, ah. Anong gusto niya? Mabilhan ng barko para hindi ka masabihan ng cheap?”
Napailing na lang ako. Ang sarcastic kasi ng tono ng boses ni Daisy. Parang baliw lang.
“Hayaan mo na siya. Kainin na lang natin ‘to mas nakakabusog pa kaysa sa mga chismis!”
Natatawang tumango ito at kumuha ng platito sa kusina. Habang ako ay binuksan ko na ang box ng cake. Saglit na natulala ng makita ang nakasulat doon.
‘I love you Mom & Dad.’
Hiniwa ko kaagad ’yon nilagay na sa platito na dala ni Daisy. Nagaagawan pa kami dahil sa chocolate ganache. Kumuha na rin sya ng softdrinks sa ref. Ngayon pa lang kami makakainom ng softdrinks dahil bawal ‘yon sa ‘min pag nag-momodel kami. Nakakataba raw ‘yon.
Inaamin ko na ang payat ko talaga pero para sa akin sexy ako. Sabay kaming naupo sa sofa at inayos ang mga pagkain sa center table. Inabot ko ang remote.
“Anong panonoorin natin?” tulala kong tanong.
Naramdaman ko ang pagtingin nito sa akin kaya nilingon ko siya.
“Naiisip mo ba ang naiisip ko?” tanong nito at unti unting tumaas ang gilid ng labi.
Pag-ngisi pa lang nito ay alam ko na.
I rolled my eyes. “Of course.”
We laughed.
“Pornhub marathon!”