Ilang linggo na ang lumipas. Nakalaya na ako sa kulungan pero may kaba pa ring bumabagabag sa aking isipan. Simula noon, hindi na ako pumasok pa sa eskwela. Hindi na rin ako kinakausap pa ni Jasser. Si Ian ang laging nasa tabi ko, si Ian ang palaging nandyan sa tabi ko para ako ay alalayan. Nitong nakaraang linggo kasi palagi lang akong nakatulala sa preso. Muntikan pa akong ma depress sa loob, mabuti na lang at nailabas din agad ako pero hindi ko pa alam kung bakit. Ang mahalaga ngayon ay nakalabas na rin ako at nakalaya sa masikip na presong iyon.
Simula noong mamatay si Wilson, hindi ko na nakikita pa si Ninong. Wala na siya dito sa bahay. Ako, si Ian at si Dad na lang ang kasama ko rito sa bahay. Malaking palaisipan pa rin sa isipan ko kung bakit ako agad na nakalaya sa presong iyon.
"Ian? Bakit nga ba ako nakalaya agad doon?" tanong ko habang nakahiga kaming dalawa sa kama.
"Hindi ko rin alam, pero siguro... Wag mo na lang alamin kung bakit." malamig niyang tugon.
"Paano ba ako nakalaya? May sapat ba kaming pera para mailabas ako agad sa kulungan?" muli kong tanong pero hindi niya pa rin sinabi sa akin ang kasagutan.
Sinubukan kong magbalat ng buto matapos ang nangyaring hindi ko malimutan. Kahit papano'y nakakapag move on ako kay Wilson pati kay Nasser. Ilang araw akong hindi makatulog noon dahil sa konsesnya. Natatakot ako na baka sa panaginip ko ay doon nila ako patayin at gambalain kaya takot na takot akong ipikit ang aking mga mata. Graveyard ang pinili kong shift sa pagiging crew. Medyo nasasanay na ako sa trabahong ito dahil sanay naman ako sa puyatan at nasanay na ako sa ganitong oras.
"So... Kumusta naman ang lagay mo Fred?" tanong ng isa kong kasama sa crew.
"Heto... Medyo nakaka move on na."
"Balita ko ikaw ang laman ng mga usapan doon sa school niyo noong mga nakaraang buwan. Siguro naman ay nakapag move on na rin sila sayo."
"Sana nga. Kaya nga hindi na ako pumasok pa, baka kasi kung ano ang isipin nila sa akin." kinuha ko ang mop at nilinis ang parte ng lobby.
"Hindi naman siguro sila mag-iisip ng masama sa'yo, Fred. Isipin mo, paano ka naman makakapasok dito kung may kaso ka." kinuha niya ang mop at siya naman ang naglinis.
"Anong ibig mong sabihin?" kumunot ang noo ko sa kaiisip.
"Brad, walang matatakot sa'yo pero manchichismis oo madame. Pero malinis ang pangalan mo. Nailabas ka agad sa kulungan dahil wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan, Fred." napahawak siya sa balikat ko.
"Papanong wala? May napatay ako. May nabaril ako."
"Nabaril, oo pero napatay wala. Buhay ang isang suspect sa pag kidnap sa inyo. Kaya wala kang kasalanan." tinapik-tapik pa niya ang mukha ko nang mapansin niyang nakatulala ako.
Pagkauwi, ilang beses kong iniisip sa daan kung paanong hindi ko napatay si Nasser. Iniyakan pa nga ito ni Wilson nang makitang duguan. Lahat ng iyon ay nalaman ng ka-crew ko sa dyaryo. Ako ang laman ng mga balita noong nakaraang buwan.
"Alfred, patay siya. Imposible namang hindi. Binurol pa nga siya." pagkwento ni Ian. "Kumain ka na nga lang diyan, gutom lang yan at pagod sa trabaho."
"Si Jasser kumusta? Diba nag-aaral na siya?Nakakausap mo ba siya sa school?"
"Ang totoo niyan... Matapos ang nangyari hindi na nakita si Jasser. Nagsinungaling ako sa'yo, Alfred. Hindi na siya pumapasok at hindi ko rin alam kung nasaan siya. Sinabi ko lang 'yun sa'yo dahil ayaw kong mag-alala ka pa sa kanya noong nasa kulungan ka."
"A-Ano? Hindi na naman siya makita? Hindi pa rin ba siya nakikita hanggang ngayon?" natataranta kong tanong.
"Relaks lang, Alfred. Patuloy pa rin siyang hinahanap ng mga pulisya. Pati ang pamilya niya nag-aalala na rin pero wala tayong magagawa. Pero alam kong mahahanap at mahahanap pa rin siya kung saan man siya naroon. H'wag kang mag-alala, mahahanap din siya." niyakap niya ako nang mahigpit. Bumuhos ang mga luha ko dahil sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari.
"Kung wala ka dito sa tabi ko, paano na kaya ako? Baka mabaliw na ako, baka mapatay ko na rin ang sarili ko." sobra na akong naiiyak. Ang akala ko maayos na ang lahat. Pero kelan ba naging maayos ang buhay ko? Lagi naman itong magulo.
Naging magulo na ang buhay ko simula pagkabata. Naging broken family kami, naapektuhan ang pag-aaral ko pero sinubukan kong bumangon. Nakilala ko si Tricia pero naging magulo ang relasyon namin. Ang tahimik kong buhay naging magulo simula noong makidnap ako noong gabing iyon. Pinanganak akong magulo at mamamatay din siguro akong magulo ang buhay.
"Ang gulo-gulo na ng buhay ko, Ian. Wala na siguro ako ngayon kung hindi ka dumating sa'kin." niyakap ko rin siya nang mahigpit.
"Kung laging magulo ang buhay mo, pwes nandito lang ako. Sabay nating aayusin ang lahat-lahat." aniya sabay halik sa aking labi. Akala ko dadampian niya lang ang mga ito ngunit bigla niya akong binigyan ng maririin at nakakalasing na halik.
Hinubad niya ang suot niyang shirt at muli niya akong hinalikan. Itinapon niya ang damit sa sahig at itinulak ako sa kama. Dinaganan niya ako at pinadama sa akin ang init ng kanyang katawan. Sobrang bilis ng t***k ng mga puso namin. Parang gusto nilang kumawala.
Tinanggal niya rin ang uniporme ko at pinasadahan ng kanyang dila ang aking katawan. Hinalik-halikan niya rin ang aking dibdib at ang aking tyan. Napalitan ng pananabik ang kalungkutan ko kanina. Kung wala siguro si Ian sa tabi ko, nababalot na ako ngayon ng kalungkutan.
"Mahal na mahal kita Fred." hinubad niya ang ibaba ko at saka niya pinatungan ang naninigas kong churiso. Pinapaligaya ako ni Alfred sa bawat pagtaas baba niya sa aking kaligayahan. Lumapit siya sa mukha ko at saka ako muling binigyang ng maiinit na halik. Damang-dama ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.
Jasser? Bakit ka nandiyan sa maliwanag na parte? Bakit ka nakaputi? Jasser?
Kinain na siya ng puting liwanag.
Sinubukan ko siyang habulin. Nagpapa-alam na siya sa'kin. Kumakaway siya habang umiiyak.
Jasser? Bakit mo ako iniwan? Mahal na mahal kita.
Napalingon ako sa likuran ko. Itim na liwanag naman ang lumalamon sa akin ngayon.
N-Nasser? Posible kayang si Nasser ang nakikita ko?
Masama ang tingin niya sa'kin. Hinahabol niya ako. Tuloooonggg!
"Tanghali na, ang sarap ng tulog mo."
Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Isang masamang panaginip lang pala. Panaginip pero parang totoo.
"Bakit hingal na hingal ka? Binangungot ka ba?"
"Ah, wala. Nanaginip lang ako, hinahabol daw ako ng aso." tumayo ako saka nagpunta sa kusina para kumuha ng baso. Agad akong natulala, posible kayang binabagabag ako ni Nasser dahil hindi ko pa nadadalaw ang kanyang puntod?
Nagpunta ako mag-isa sa sementeryo na walang kaalam-alam si Ian. Ang paalam ko lang ay magpupunta ako sa trabaho dahil may meeting kami kasama ang manager.
Kinakabahan ako, natatakot. Hindi ko alam kung bakit pero nanginginig ang tuhod ko. Nagtanong-tanong ako sa mga tao kung nasaan ang puntod ni Wilson at heto na, nasa harapan ko. Naglagay ako ng kandila at kaunting alay sa kanya.
Wilson, mali 'yung ginawa mo eh. Pero mas mali ako, hindi kita napagbigyan sa mga gusto mo. Pasensya ka na pero hindi ko gustong mangyari iyon kay Nasser. Bakit ba kasi umabot pa ang lahat sa puntong papipiliin mo ako sa kanilang dalawa. Mahal na mahal kita, Wilson. Sana napatawad mo na ako, kayo ni Nasser
Malayo si Wilson sa puntod ni Nasser. Kinailangan ko pang akyatin ang puntod niya gamit ang hagdan.
Nasser, hindi ko alam ang sasabihin sa'yo pero sana napatawad mo na ako. Pangako, hahanapin ko si Jasser para sa'yo. Babawi ako basta mapatawad mo lang ako, kayo ni Wilson.
Naglagay rin ako ng kandila at alay at saka bumaba ng hagdan.
"Hindi mo na mahahanap 'yon."
Agad akong napalingon sa likuran ko. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko si Nasser na nakatayo sa harapan ko.
"Nagulat ka ano? Para kang nakakita ng multo pero easy, hindi ako multo." nakangiti pa ito na parang may masamang binabalak.
"Papanong? Eto 'yung- Bakit nandyan-"
"Bakit ka nauutal ha. Kung akala mong napatay mo ako, nagkakamali ka. Noong gabing iyon, marami akong tama. Napuruhan ang isang bahagi ng katawan ko, bumagsak ako at nahimatay. Parehas kaming dinala sa ospital ni Wilson. Sobra ang galit ko sayo noong nagpakamatay siya. Wala na ang buhay ni Wilson, grabe ang naging tama niya. Wala kang kaalam-alam noon dahil dinala ka agad sa kulungan, ang buong akala nila pareho mo kaming pinatay. Si Jasser na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka, matigas ang ulo. Inabutan ko siya ng baril para ipaghiganti si Wilson laban sa'yo. Pinairal niya ang pag-ibig kahit na alam niyang walang siyang pag-asa sayo dahil may Ian ka na. Narealize kong magkamukha kami ni Jasser at dahil ayaw niya kong sundin ako na lang ang gumawa ng mga plano ko. Akala ng iba patay na ako, ipapaubaya ko na sana ang katawan ko kapag sinunod ako ng kapatid ko pero binaliktad ko ang lahat. Pinatay ko ang kapatid ko at siya ang pumalit sa bangkay ko. Katawan niya ang nasa loob ng puntod ko. Mind blown ba, Tisoy?" humalakhak siya na parang demonyo. Napa-atras ako ng kaunti nang makita kong may dinudukot siya sa bulsa.
"Anong gagawin mo?"
"Edi papatayin ka, sinimulan namin ang plano at tatapusin ko rin 'to ngayon." tinutok niya ang kalibre sa akin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at saka pumikit.
"BAAAANGGGGG!"
Idinilat ko ang mga mata ko. Duguan sa harapan ko si Nasser. Nasa likod na pala niya ang iilang kapulisan.
"Hindi mo pwedeng patayin ang mahal ko." sigaw ni Ian. "Alfred, malakas ang kutob kong magpupunta ka rito. Sobra kitang iningatan, ayaw kong sabihin sayo ang totoo dahil sigurado akong magpupunta ka rito para abangan ka ni Nasser. Ako ang nagpakulong sayo, Alfred. Sinabi ko sa mga pulis na ikulong ka para sa kaligtasan mo. Oo wala kang kasalanan pero mas mabuti na rin iyon. Alam kong buhay pa si Nasser noong gabing iyon at tinago ko iyon sayo. Agad ka naming pinalaya ng Dad mo dahil ayaw ka naming mabaliw doon. Hindi mo ba alam na sa bawat pag alis mo papuntang trabaho, lagi ka naming pinapabantayan sa mga pulis. Lahat ginagawa ko sayo, Alfred. Im sorry kung ngayon ko lang sinabi."
"Naiintindihan ko na, Ian. Patawad din."
"Aaarrrghhhhh!" sigaw ni Nasser at pinakawalan ang ilang bala mula sa kanyang kalibre.
Bigla akong nawalan ng malay.
Pagdilat ng mga mata ko, nakahiga lang ako habang nakatingin sa'kin si Ian na tumutulo ang mga luha. May mga doktor at nars sa tabi niya na para bang nagmamadali. Gusto nang pumikit ng mga mata ko pero gusto ko lang titigan si Ian. Nang matagal......
IAN'S POV.
"At iyon ang love story namin. The end." proud na proud kong sabi kay Ronn.
"Grabe, Dad sobra akong naiyak doon." tugon niya.
"Hays. Gano'n talaga. May mga bagay na hindi natin inaasahan. Kaya ikaw kung sino ang nagpapatibok sa'yo, wala akong pake kung lalake pa 'yan basta ang mahalaga kung ano ang totoong nasa loob ng puso mo. Pero minsan dapat kang mag-ingat, minsan 'yang pag-ibig din ang sumisira sa mga bagay-bagay. Kaya aral muna, nak."
"Kung buhay pa siguro siya siguro makikita ko pa 'yon, Dad."
"Mali, kung buhay pa siya hindi kita mabubuo dahil itutuloy ko ang pagmamahalan namin ni Tisoy."
"Ian, ano na naman ang pinagkaka-abalahan niyo diyan." sumilip ang asawa kong si Tricia sa kuwarto namin.
"Wala. Kinukuwento ko lang kay Ronn ang nangyari kay Tisoy." at kumindat ako sa anak ko. "Alam mo ba nak, bago maging kami ng nanay mo eh naging sila muna ni Tisoy." natatawa ko pang sabi.
"Oo nga kinuwento mo pa sakin kung paano kayo mag-"
"Pshh.." pagpapahinto ko sa kanya. "Matulog ka na nga at ako'y maaga pang roronda bukas."
"Dad, pinangarap niyo ba talaga maging pulis?"
"Oo, dati hindi. Pero dahil sa kanya nangarap na akong maging isang pulis. Bang bang!" at nagtawanan kaming dalawa ni Ronn. "Lam mo ba anak, ang swerte namin sayo ni Tricia. Mukha kang pinaglihi kay Alfred. Pwede ka ng maging Tisoy the second."
"Loko ka Dad. Ano pala ang nangyari kay Nasser, Dad?"
"Nadakip, sigurado ako na hanggang ngayon nabulok na siya sa kulungan."
Tinignan ko ang album ng phone ko na may larawan ni Alfred. Hinding-hindi ko siya makakalimutan. Isa siya sa naging dahilan kung bakit hindi ako natakot magmahal ng totoo. Isa din siya sa dahilan kung bakit nagbago ang dating fckboi na Ian. At ngayon, isa na siyang dahilan sa pag-abot ng mga pangarap ko. Maraming salamat sa mga ala-ala, Tisoy. Mahal na mahal ka namin at hindi ka namin makakalimutan.