Chapter 4

2436 Words
MIRABELLE'S POV Nagising ako ng makaramdam ng mainit na sikat ng araw saking mukha. Idinilat ko ang aking mata at napansing wala ako sa kwarto ko. "Dadddy!!! WAAAH, nasan ako?!" Malakas na sigaw ko at tumalon pababa ng kama. Saka ko lang naalala, wala nga pala ako sa mansion namin. Nandito nga pala ako sa mga Vleuchers. (;´TٹT') "Anyare, Mira?!!" Napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Lucas sa gilid ko. "D-d*mn, huwag kang manggugulat!" Asar na sigaw ko sa kanya. "Ouch, my precious eardrums. Why did you yell? Weakness namin 'yan eh," sabi niya na ikinataas ng kilay ko. Weakness, ah. (•̀ᴗ•́)و "Anong nangyayari?" Napatingin ako sa sofa at nakita doon si William na may hawak na bottle na may lamang 'b****y juice'. "W-wala, naninibago kasi ako sa interior ng kwarto ko HEHEHE," sagot ko. Deym, nabulabog ko pa sila. Peace! "It's already ten o'clock, kakagising mo lang?" Tanong pa ni William na sa akin nakatingin. Si Lucas naman ay nakaupo sa dulo ng kama ko at sapo ang tenga. "Mmm, kakagising ko lang. Wait... ten o'clock?!" Gulat na tanong ko. "D*mn, isa pang sigaw!" Gigil na sita ni Lucas. "Hala sorry. T-teka, kung ten na malamang ay nasa airport na si Daddy. Kasi dapat two hours before the departure ay nandoon na siya. Omayy, kailangan kong magmadali! Alis na kayo! Salamat sa care!" Sabi ko, sabay naman silang naglaho. Kumuha ako ng damit sa cabinet at dumiretso sa banyo. Napatingin ako sa salamin at nakita ang sarili ko, naka-uniform pa pala ako. At... school shoes. Dang, sana hindi mamaho 'yung paa ko! • Sa wakas, natapos rin sa pag-aayos. Naka-suot ako ng simpleng fitted denim jeans, yellow slit-sleeved shirt at yellow gladiators. Naka-high ponytail din ako. Simpleng face powder and lip balm, tadan! Ang ganda ng babae sa salamin! Kinuha ko na ang black sling bag ko at lumabas ng kwarto. Bumaba ako papunta sa sala at doon ay natagpuan silang pito. "Wow, ang popogi niyo ah! May lakad kayo?" Sita ko sa kanila. Ang gagara ng suot. ¯_(ツ)_/¯ "Diba bodyguard mo kami? Kaya sasama kami sa pagpunta mo sa airport," sagot ni Liam. Eh? "Ang dami niyo, kailangan ko lang ng isa o dalawa eh," nakabusangot na tugon ko. "Pero, hala tara!" "Yowns, sa Van na lang tayo!" Sigaw ni Luke at naunang tumakbo palabas. Lumabas na rin kami at pumunta sa garahe nila. Pagdating doon ay nasa driver seat na si Darna kaya pumasok na kami ng van. Naka-upo si Liam sa tabi ni Luke. While si Jacob, Dylan at William ay nasa middle seat at kami nina Ethan at Lucas ang nasa back seat. Eh? Bakit katabi ko pa ang dalawang 'to? (;´TٹT') "Tara na?" Tanong ni Luke. "Lezzgo!" Sagot namin kaya sinimulan na ni Luke ang makina at nagmaneho. "Bago tayo umuwi, daan muna tayo sa mall," sabi ni Jacob na ikinatingin ng lahat sa kaniya. "Why namans??" Tanong ko. "Siguro gutom na ako n'on eh, lalo ka na. Hindi ka man lang kumuha ng sliced bread sa kusina bago umalis," sagot niya. "Hoy! Ano 'yan, Jacob! Dumadamoves ka kay Mira?!" Sigaw ni Luke. (。•́‿•̀。) damoves amp. "Pakyu! Sinasabi ko lang 'yung napapansin ko!" Sigaw ni Jacob, natawa naman kami sa kanya. "Wait, may bibilhin rin pala ako sa mall. Sakto," sabi ni Dylan. "Ano namang bibilhin mo?" Tanong sa kaniya ni Lucas. "New-published books. Masyado ng luma 'yung books ko sa library saka nabasa ko na ng ilang beses eh," sagot niya. "May library kayo?" Tanong ko. "Yup, teka... Hindi ka pa ba namin nalilibot sa mansion?" Tanong ni Liam na inilingan ko. "Yay, bukas na lang. Siguradong pag-uwi natin mamaya ay palubog na ang araw." "Sige sige!" Tugon ko. "D*mn,huwag kang sumigaw," asar na sabi ni Lucas at Ethan. Eh? "Oo na. Tsk!" walang ganang sagot ko. "Mira," napatingin ako sa tumawag sakin. Si William pala. "Oh?" "Sa mga bampira, tenga ang pinakasensitibo. Dahil bulong mo lang sa tenga ay parang normal lang pero kapag sumigaw ka, malala pa sa megaphone. Kapag napadalas ang pagkakarinig ng mga bampira ng sigaw ay maaaring magka-ear bleed sila o dudugo ang kanilang mga tenga. Kapag nangyari ito ay dalawa lang ang pwedeng kahahantungan... maging half deaf or totaly deaf na," sabi niya na ikinagulat ko. Napalingon ako kay Lucas at nakitang nakahawak siya sa tenga niya. H-hindi ko naman alam eh. (;´TٹT') "Uy, Lucas. Sorry na. Peace. Promise hindi na ako sisigaw," sabi ko. "Totoo?" Nakangusong tanong niya. "Amp. Mukha kang pato, Lucas! Huwag kang pa-cute!" Sugaw ni Luke. Nakatanggap naman siya ng batok kay Liam. "Kanina ka pa sigaw ng sigaw eh. Nasa iisang van lang tayo, dude!" saway sa kaniya ni Liam. Pffft... HAHAHAHA! Ang kukulit nilang pito. *Kriing*Kriing*Kriing* Nagkatinginan kaming lahat at sabay na kinuha ang sariling phone. Teka, si Daddy tumatawag sakin. Tiningnan ko sila at itinuro ang phone ko. Sinagot ko ang tawag. "Hello, daddy?" "Where are you? Aren't you going to bade me a farewell?" Naitikom ko ang bibig ko at napaisip, "On the way na kami dyan sa airport. I'll bade my farewell, of course at the same time... ask some questions." "Mmm, Wrazey told me everything and—" Pinutol ko ang sinasabi niya, "Sinong Wrazey?" "Oh? The Galaxia's Head Mistress. Don't you know?" Tanong niya. Napairap ako, "I've had a bad conversation with her last night, tsk! See you later, dad." At pinatay ko na ang tawag. "Woi, Mira. Bakit nga ba gan'on 'yung iniasta mo kay HM?" Biglang tanong ni Dylan. Ibinalik ko muna sa sling bag ko ang phone ko bago sumagot. "Hindi ko alam pero... parang nakita ko na siya dati. And, wala lang ako sa mood kahapon. Remember, pagkatapos ko kayong i-compliment eh sigawan niyo ba naman ako ng 'shut up'? Like what the heck lang.: "Pero, hindi ka certified brat or rude?" Tanong ni Ethan. "Hmmm, slight? HEHE," sagot ko. Natawa naman sila. Parang instant brothers ah. HAHAHAHA. •• ??????? – ᴅᴇᴘᴀʀᴛᴜʀᴇ ᴀʀᴇᴀ "Daddy!" Sigaw ko ng makita si Daddy sa pinakadulong seat. Buti nakahabol pa kami. Tumakbo ako papunta sa kanya. "I'm glad you came," seryosong sabi niya. "Of course, dad! Kailangan mo pang sagutin ang mga tanong ko eh," tugon ko. "Spit it out," sabi niya. "Bampira din ba si mommy?" Walang anu-ano ay tanong ko. "Auh, I forgot. Malapit ka na mag-eighteen. Kailan nga uli?" Tanong niya. "Hmmm, 2 weeks na lang. Makakapunta ka ba, dad?" Tanong ko. Ngumiti siya, "Yes, ofcourse. One day before ng debut mo uuwi ako then after your debut babalik uli ako sa Japan." "Wait, gaano ka katagal sa Japan? Daddy?" Tanong ko. "Hmmm, may be six months or more," sagot niya na ikinagulat ko. S-six months or more? Ibig sabihin? Magtatagal ako sa mga Vleuchers? WAAHAH nays nays. Kaya love kita ,dad eh. Muah! ( ˘ ³˘)♥︎ "?????? ?? ?????. ?????? ??????? ?? ???? ???????? ?????," sabi sa speaker. A/N: (Hindi ko po knows 'yung tamang line na sinasabi ng employees sa Airport kapag ia-announce ang departure kaya peace!) "Aish, bye daddy! Ingat ka lagi sa Japan! Sana maturuan mo na akong mag-japanese HEHEE. Wabyu!" Sabi ko. "Okay, bye!" Sabi niya at naglakad na palayo dala ang bagahe niya. Okay, bye? Nyenye sa dami ng sinabi ko. (•̀ᴗ•́)و Bumaling ako sa pito, "Arat na sa mall?" "Yowns! Tara tara! Nakakaramdam na ako ng gutom eh," sabi ni Jacob na ikinatawa namin. Naglakad kami papunta sa parking lot at pumasok sa van. Sinimulan na ni Luke ang makina at nagsimulang magmaneho. Teka, parang may kulang ah! Hindi pala sinagot ni Daddy 'yung tanong ko! Kaazar naman! "Kilala niyo ba si mommy?" Tanong ko sa kanila. "Yep, why?" "Namatay si mommy when I was six at hindi ko na matandaan 'yung itsura niya kapag walang picture. Dahil bampira si Daddy, si mommy ano? Tao o bampira din?" Tanong ko. "Ang mommy mo ay—" Naputol ang sinasabi ni Dylan ng sabay na sumigaw si Liam at Ethan. "Wala tayo sa tamang posisyon!" "Hayaan niyong si Mr. Alonzo ang magsabi sa kanya," halata ang irita sa tono ng pananalita ni Ethan. Eh? Gusto ko na malaman ngayon! (;´TٹT') Kaasar naman. WAAAH! (me and my jowaa) jowkk, HAHA "Tsk, nababasa namin 'yang iniisip mo. Umayos ka," asar kong nilingon si Ethan. "Edi huwag mong basahin! Kaasar ka," sabi ko at inirapan siya. Bumaling na lang ako sa labas ng bintana at tumingin sa mga estraktura na nandoon. Ayaw niyong sabihin sakin, malalaman ko din 'yan! Not now but soon. •• Pagkarating sa mall ay pi-nark na ni Luke ang Van sa parking lot. Nagsibabaan na kami at pumasok ng mall. "Saan ba tayo kakain?" Tanong ko sa kanila. "Ahh, doon tayo sa Pandora's Restaurant," sabi ni Liam. "Pandora? Pandora's Restaurant? Nakakaloka 'yung name," sabi ko at humalukipkip. "Pffft... Don't judge the resto by it's name," sabi ni Luke. E-eh? Hondo ko nomon jonojodge oh! "Nguso mo," sabi ng katabi ko. Bwiset na Ethan. "W-what?!" Asar na tanong ko. "Tss..." Tss daw. Ahas amp. "Tara na," sabi ni Liam kaya pumasok na kami ng Pandora's Restaurant. W-wow! Napakaganda dito! *sarcastic* "Good afternoon Ma'am and Sirs! Welcome to Pandora's Restaurant!" Bati sa amin ng door staff. "Mukha ba 'tong restau–hmmp!" Naputol ang sinasabi ko ng may nagtakip sa bibig ko. Bwiset na Ethan, grrr! "Hmmmp! Hmmp!" "Umayos ka," nanindig ang mga balahibo ko ng maramdaman ang hininga niya sa aking kaliwang tenga. WAAAH! 'Pag ako naubusan ng hininga! Mumultohin kita! Sa wakas, binitawan niya rin ako. Ay teka, binitawan? 'Yung nagbabasa hindi pinaglaban at basta-basta nalang binitawan! HAHAHAHA ilag! Sumunod kami kina Liam ng maglakad sila. Umupo sila sa upuan na nakapaikot sa mesa kaya umupo na rin ako... sa tabi ni Liam. Ayoko nga tumabi kay Ethan, tsk! "Here's the menu Ma'am and Sirs," sabi ng kakalapit lang na waitress at binigyan kami ng tig-isang menu. Tiningnan ko ang menu. "One Grilled Beef, Vegetable salad, two cup of rice then Caffe Affogato," sabi ko sa order ko. "One Grilled Beef, Vegtable salad, two cup of rice and Caffe Affogato. Anything else, Ma'am?" "Wala na," sagot ko at iniabot ang menu pabalik sa kanya. Nang matapos niya na kaming tanungin sa oder namin ay umalis na siya. Bumaling ako sa kanila, "KKB?" "Nope, libre ko," sagot ni Luke. "Wow, nice dude!" "This is himala." "I'm shocked." "For real? Baka may kapalit?!" "Nakasinghot ka ba ng katol?" "Bago 'to ah!" Sabi nila. I dunno what to react, HAHAHA. Ang kukulit nila. •• Natapos din kami sa pagkain! Ang bagal nila eh! Este ako pala HEHEHE. "Sa bookstore na tayo?" Tanong ni Dylan pagkalabas namin ng Pandora's Restaurant. "Sa bookstore lang walang tayo," pambabara ni Lucas. Eh? HAHAHAH "Joke, tara," biglang bawi ni Lucas at naunang tumungo sa bookstore. Sumunod na lang kami sa kanya. Hmmm, ako kaya? Anong book ang bibilhin ko? Aish, titingnan ko na nga lang. Pagpasok sa bookstore ay nagikot-ikot na ako. Naagaw ng pansin ko ang kumpulan ng tao sa sulok ng store. Lumapit ako doon at nakisingit. Isang libro ang pinag-aagawan nila. "Excuse me, anong book 'yan? Bakit niyo pinag-aagawan?" Tanong ko. Nilingon naman ako ng dalawang babae na silang nag-aagawan sa isang libro. "WOLPIRE, the two unknown bloodline!" Sabay na sagot nila. "Excuse me, girls!" Nagulat ako ng nasa gilid ko na si Luke. Napatingin sa kanya lahat at nagbulungan. Kesyo ang gwapo daw, ganto at ganyan. "Oh my God! You're Luke Vleuchers, right?!" Gulat na tanong n'ung dalawang nag-aagawan. Eh? Famous 'to? "Yes," sagot niya sabay ngiti na ikinatili ng mga babae sa paligid. "Ah, girls. Avoid screaming sana HEHEHE. Sumasakit ang aking beautiful ears eh." "Sorry baby Luke!" Sabay na sagot nila. Baby Luke? Wut the fuc?! "So, ahm. Pwedeng akin na lang 'yang WOLPIRE book? Kasi ahm, nagco-colect ako ng books about you know... supernatural beings," sabi niya at ngumiti na naman. Nagpigil namang tumili 'yung mga babae. 'Yung dalawang babae na nag-aagawan naman ay walang alinlangan na lumapit kay Luke at sabay inabot ang libro. "Ito na po HEHEHE." "Nice, thanks!" At kinuha niya ang libro. Naduling lang ba ako or what? Parang sinadya ng lalaking 'to na mahawakan ang kamay ng dalawang babae. So flirt of you, dude. Tsk! "Tara," nagulat ako ng hilain niya ako palayo doon sa mga nag-kumpolan at dalhin sa counter. "Oh my gosh! Hinawakan ni baby Luke 'yung hand ko! KYAAAH!" Rinig pa naming tili doon. "Hoy, bakit ba bigla kang nanghihila?!" Asar na tanong ko. "Babayaran ko na kasi 'to. Bakit gusto mong mag-stay d'on?" Mahinahong tanong niya. "Miss, this book pls. How much?" Pinatapos ko muna siyang magbayad doon. Pagkabayad niya ay nagulat ako ng iabot niya sa akin ang libro. "A-anong gagawin ko diyan?" "Baka babasahin?" Pambabara niya. Err, akala ko pa naman matinong kausap 'to. "Joke HAHAHA. Alam kong curious ka about sa pinagmulan natin. O kung ano ba talaga tayo. Etcetera, etcetera. Kaya ko 'yan binibigay sa'yo for you to read it. MsVampireGirl ang author niyan and actually, pinsan namin. Sinulat niya diyan ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa Wolves and Vampires. Kaya mas mabuting sa'yo na 'yan." "Eh? Alam mo na kagad 'yung nilalaman?" Gulat na tanong ko. "Meron na kami niyang magkakapatid. Kami kasi ang unang binibigyan ng book ng pinsan namin para malaman ang insights namin about sa gawa niya," sagot niya. "Sige, thanks for this," nakangiting pasasalamat ko. "Always welcome,"nakangiting sabi niya. Hehh, ang kyut ng smile! Napatingin ako sa likuran namin ng may sabay-sabay na tumikhim. 'Yung anim. "Hey, magbayad na kayo sa counter. Bilis," utos ni Luke. "Bakit ka nagmamadali?!" Sigaw nila. "Hmmm, baka gusto niyong maglaro muna?" Tanong ni Luke sa kanila. Maglaro... sa World of fun?! "Tara, tara! Bilisan niyo! Bayad na!" Pagmamadali ko sa kanila at umalis sa pagkakaharang sa counter. "Oo na, oo na. Ito na nga," walang ganang tugon nila at lumapit sa counter. "Akin muna unahin mo!" "Hindi! Akin muna!" "Ano ba! Ako nauna dito eh!" "Lintek, isasauli ko na lang 'tong kinuha ko!" "Aish, ayoko na nga!" Sigaw nila. Hala, parang mga bata amp. Immatures. "Oh ano?! Okay na?! Tara na!" Asar na sigaw nila na pinangungunahan pa ni Dylan. Si Dylan kasi 'yung nag-aya rito pero siya pa ang walang nabili kasi ibinalik niya na lang. Kawawang Dylan. Lumabas na nga kami ng bookstore at hinanap ang elevator. Pagkakita ay sumakay kami doon at pinindot ang numero ng top floor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD