Napkin

319 Words
Read at your own risk! There are scene/s or words that are not suitable for minors reader/s. Work of fiction. "Hoy! Bakla! Ibili mo nga ako ng napkin!" Kung nakakamatay lang ang tingin, baka pinaglalamayan na siya ngayon. "Stop calling me bakla!" madiin na sambit nito. Napalunok naman siya ng kaniyang laway nang makitang hindi maipinta ang mukha nito. "Mas cute kasi kapag bakla kaysa Kanor," paliwanag niya rito. Natutuwa kasi siya kapag inaasar niya ito. Pikon kasi. Lumapit ito sa kaniya. "Kasper Norsigan ang pangalan ko huwag mo akong kulitin ngayon, Anne." Kinurot pa nito ang matambok niyang pisngi. Bago pa man tuluyang makalayo ito ay hinabol niya ang pikon. "Sige na Kanor, parang awa mo na! Ibili mo nga muna ako ng napkin!" humihikbing sigaw niya. Kailangan niya talaga ng napkin ngayon! Nahihiya rin siyang bumili sa tindahan kasi nga first time niya! Naubos na kasi ang inutang niya kay Aling Kusing. Huminto ito at nilingon siya. "Bibili na nga ako, ang kulit mo!" At nagpatuloy ulit ito sa paglalakad. "Hala! Ang dami naman! Wow!" bulalas niya, apat na balot ng napkin ba naman ang binili nito. "Maligo ka na at magbihis, nangangamoy na, e." Humiga ito sa mahabang sofa, lumagpas pa nga ang mga paa nito. Pero dahil makapal ang mukha niya hindi niya ito sinunod. Nang makita nitong wala naman talaga siyang balak maligo, bumangon ito at dahan-dahan na lumapit sa kaniya. Medyo kinabahan naman siya. Ang sama pa naman nitong magalit. Bigla na lang nitong hinablot ang supot na may lamang apat na balot ng Whisper with wings. "Patay ka talaga sa akin, Anne." Ibinato nito ang supot kung saan. At dahan-dahan na yumuko. Pigil na pigil niya ang paghinga. "Patay ka self!" aniya, at pumikit. "Patay ka talaga sa akin ngayon." At sinunggaban nito ang kaniyang labi. Paano naman siya rereglahin, e buntis siya at itong baklang lumalapa sa nguso niya ang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD