Tribrid

1472 Words
UMALINGAWNGAW ang nakakikilabot na ungol ng isang kakaibang hayop sa katahimikan ng gabi. Napabalikwas ng bangon si Uno. Sobrang sama ng kaniyang pakiramdam at tila uhaw na uhaw siya. Napatingin siya sa nakabukas na bintana sa kaniyang kuwarto, kakaibang liwanag ang nasilayan ni Uno. Mabilis na tumayo siya at lumapit sa may bintana. Napatingin si Uno sa bilog na bilog na Buwan. Nakaaakit itong tingnan, nag-aagaw ang tila kulay dugo at kahel na kulay nito. Parang hinihila ang kaniyang kaluluwa ng Buwan. "Uno!" Humahangos na pumasok sa kaniyang silid ang kaniyang ina. Napalingon siya rito. "Lumayo ka sa bintana!" Halata na kinakabahan ito. Nang hindi siya kumilos ay kusang lumapit ito sa kaniya at sa nanginginig na mga kamay ay isinara nito ang bintana. "Ahh! Ahh..." malakas na sigaw ni Uno. Parang hinihiwa ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit. "Kumalma ka lang, anak!" Napahiga siya sa malamig na sahig. Nanlalabo ang kaniyang paningin at ramdam na ramdam niya ang pagtaas ng temperatura ng kaniyang katawan. Mga yabag na tila nagmamadali, pagkalansing ng kadena, malakas na pagtibok ng puso, ang malakas na pag-ihip ng hangin ang siyang kaniyang malinaw na naririnig. Ang malamig na kadena, ang nagkukumahog na mga kilos, ang siyang kaniyang naramdaman. "Tawagin mo sina, Alberto at Laura!" Halata sa boses ng kaniyang ama ang takot at pangamba. "Sinabi kong bantayan mo si, Uno, Lucia! Alam mong kabilugan ng Buwan ngayon!" galit na sigaw ng kaniyang ama. Patuloy lamang siyang nakapikit at nakahandusay sa sahig, ang kaniyang kamay at paa ay parehong nakatali. Pahina nang pahina ang t***k ng kaniyang puso. "May paparating!" rinig niyang sambit ng kaniyang ina. Ramdam na ramdam ni Uno ang sobrang takot sa dalawang kasama niya sa loob ng silid. Alam niya na alam ng mga ito na kahit itago pa siya sa bahay na ito, ay walang silbi kung ang kalaban ay may kakayahang sirain ang harang na pumuprotekta sa bahay na ito. "Nasa ikalawang palapag ang pakay natin!" agresibong sambit ng bagong dating. Alam niyang narinig din ng kaniyang ama at ina ito. Hinang-hina na siya, halos hindi niya maigalaw kahit ni isang daliri niya sa kamay. "Hindi maari!" halos hindi makapaniwalang bulalas ng kaniyang ama. "P-paano nila nasira ang proteksyon?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Kailangan na nating gawin ang huling proseso!" biglang bulalas ng kaniyang ina. "Wala na tayong oras, Leon!" dagdag pa ng kaniyang ina. Wala mang lakas ang kaniyang katawan ngunit ang kaniyang isip ay tila gising na gising. "Malapit na nilang masira ang pangalawang harang!" Nagmamadaling kinalas ng kaniyang ina ang nakatali sa kaniya. Sa ngayon ito lang ang may kakayahang maglagay ng harang o proteksyon sa bahay nila. Naramdaman niyang binuhat siya ng kaniyang ama, amoy na amoy niya ang kakaibang halimuyak ng dugo nito. "Bilisan mo, Leon!" utos ng kaniyang ina. "Gawin mo na ang huling proseso! Kailangan nating sumugal! Bago pa mahuli ang lahat." Ang lakas nang t***k ng puso ng kaniyang ama. Naramdaman niya ang hininga nito sa kaniyang leeg. Biglang humina ang kaniyang pandinig, halos wala siyang maramdaman. Hinawi ng kaniyang ama ang mahabang buhok na nakatabing sa kaniyang leeg. Unti-unti niyang naramdaman ang matulis na bagay na na bumabaon sa kaniyang leeg. Nanunuot sa kaibuturan ng kaniyang laman ang sakit. Gusto niyang sumigaw at magwala ngunit tila— may kakaibang enerhiya na pumipigil sa kaniya. At tuluyang nilamon siya ng kadiliman. "Hanapin ninyo! Hindi pa nakakalayo ang mga iyon!" Unti-unti iginalaw ni Uno ang kaniyang kamay kasabay nang dahan-dahang pagmulat ng kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniyang paningin ang nakasisilaw na sinag ng Araw. "Mga inutil! Tatlo lang ang hinahanap ninyo pero hindi pa ninyo makita?" nanggigigil na sigaw ng hindi niya kilalang boses mula sa malayo. Hinanap ng kaniyang mga mata ang ama at ina— ngunit ang malungkot na mukha nina, Alberto at Laura ang nakita niya. "Mabuti naman at gising ka na, Uno!" tila nabunutang-tinik na sambit ni Laura. Ang mapupulang mga mata nito ay biglang naging kulay itim, umaalon-alon ang mahabang buhok ni Laura habang si Alberto ay tahimik na nakamasid sa kaniya. Punit-punit ang damit nito at halata sa anyo ng lalaki ang pagod. "Si ama at ina?" tanong ni Uno sa dalawa. Napaluhod bigla si Alberto nang makitang lumutang ang upuan malapit dito. "W-wala na s-sila," nauutal at takot na sagot ni Laura. Umahon ang kakaibang galit at poot sa kaniyang puso. "Uno! Tama na!" nagmamakaawang sigaw ni Laura. Hindi niya alintana ang sobrang init, nagliliyab ang kaniyang galit, gaya ng pagliyab ng apoy sa buong silid. Nahintatakutang nakatingin sa kaniya si Alberto. "H-hindi maaari!" gimbal na bulalas ni Alberto. Ngumisi siya rito, kakaiba ang kaniyang pakiramdam ngayon, tila may buhay ang dugong dumadaloy sa kaniyang mga ugat. Ikinumpas niya ang kaniyang kanang kamay at biglang nawala ang nagliliyab na apoy sa kuwarto. May malaking salamin sa kanang bahagi ng silid, masyadong malaki ito, halatang sobrang luma na ang bahay. Pinagmasdan ni Uno ang kaniyang anyo sa malaking salamin. Nag-iba ang kulay ng kaniyang buhok, hinaplos niyang ang kaniyang pisngi, wala ng bakas ng mga sugat ng kahapon, makinis at tila batang-bata ang kaniyang balat, ang dating matatakutin na mga mata ngayon ay tila puno ng kapangyarihan at lakas. Kakaiba ngayon ang kaniyang awra. Humakbang siya patungo sa nakabukas na bintana, napapikit siya nang naramdaman ang kakaibang init ng sinag ng Araw. "Nasa lumang mansyon!” sigaw ng boses mula sa malayo na malinaw niyang naririnig. Bigla niyang binalingan ng tingin ang magkahawak kamay na sina, Alberto at Laura. "Nakaalis na ang mga bampira.” Napalingon ang halos karamihan kay Uno. Nag-aagaw ang liwang at dilim. Matapos niyang dalhin sa pinakaligtas na lugar sina, Alberto at Laura ay heto na nga siya ngayon handang maningil. Napaatras ang mga ito nang biglang aatake siya. "Bampira!" Natawa naman siya sa narinig. Unti-unti lumabas ang ang kaniyang pangil. "Pangahas!" galit na sigaw ng maotoridad na boses. Hindi maipinta ang pagmumukha nito at tila handa na siya nitong lapain kahit ano mang oras. "Paano ka nakapasok dito?" nanggigil na tanong nito. Ang galit na galit na mukha nito ay napalitan ng isang mabangis na anyo, unti-unting lumalabas ang tunay na anyo ng lalaki. Isang taong-lobo. "Isa lamang itong ilusyon!" sigaw ng isang tauhan nito. Nang biglang nagbago ang paligid. Ang kaninang senaryo na nasa gitna sila ng gubat at nag-aagaw ang dilim at liwanag ay biglang nag-iba. Nasa isang malawak na espasyo sila at tanging puti lang ang makikitang kulay. Nagkagulo na ang lahat. "Nasaan tayo?" Napangisi si Uno sa mga tanong at pagtataka ng mga ito. Mas napangisi siya nang namimilipit sa sobrang sakit ang lider ng mga lobo. Ang kaninang mabangis na anyo nito ay napalitan ng tila naghihingalo. Napaatras siya nang nararamdaman may tumama sa kaniyang balikat. Isang pana. Hinanap ng kaniyang paningin ang pumana sa kaniya. Isang taong lobo na may kakaibigang lakas. Tiningnan niya ito nang maigi. Dahil nawala siya sa kaniyang konsentrasyon ay bumalik ang totoong anyo ang kinaroroonan nila. Nasa gitna na ulit sila ng gubat. Napaluhod siya ng may tatlong sunod-sunod na bala ng pana ang tumama sa kaniyang kanang balikat. Isang malakas na alulong ang kumawala sa kaniyang bibig at napaluhod sa lupa at napatingala sa bilog na bilog na Buwan. Kakaibang sakit ang ang bumabalot sa kaniyang buong katawan. "Hindi maari!" bulalas ng lider ng mga lobo. Tumambad sa mga ito ang isang kulay puting lobo. Takot at pagkagulat ang ang nakikita ni Uno sa mga naroon. Umalulong nang malakas ang puting lobo, halos lahat ng mga taong-lobo na nakarinig ng pag-alulong ng puting lobo ay biglang nagsipagluhuran. "Imposibleng, may isang bampira at taong-lobo!” hindi makapaniwalang bulalas ng lider ng mga lobo. "Hindi lang naman ako taong-lobo at bampira. Isa rin ako sa nagtataglay ng kakaibang mahika sa aming angkan," pagbibigay-alam ni Uno, sa lahat ng naroon gamit ang kaniyang isip. Napasinghap ang lahat. Unti-unti nagpalit-anyo si Uno. Ikinumpas ni Uno ang kaliwang kamay at biglang lumabas si Laura sa isang pintuan. Mabilis naman na lumapit sa kanya si Laura at ibinalot siya sa isang malapad na tela. "Patay na ang ina at ama ko, nandito ako ngayon para hingin ang inyong tulong, laban sa mga bampirang pumaslang sa mga magulang ko,” walang-buhay na wika ni Uno. At hindi lang siya ang nag-iisang may ganitong kapangyarihan. May mas malakas pa sa kaniya. Kailangan niyang mahanap ang pangil ang kauna-unahang taong lobo na nagtagumpay na maging tao para matalo niya ang ang bagong silang na pinakamalakas na bampira. "Ubusin ang lahat na taong-lobo na inyong makikita! Kailangan mapasakamay ang anak ni Leon at Lucia! Umahon ang galit sa kaniyang puso sa narinig mula sa malayo. Siya lamang ang may kakayahang makarinig kahit sobrang layo pa ito sa kaniya. "Paparating na sila." Mabilis na kumilos si Uno at isinuot ang iniabot na damit ni Laura. "Lalaban tayo!" nagsigawan ang lahat ng naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD