“What the hell is going on here?!” Halos dumagundong ang boses ni Ian nang makita ang mga mukha ng taong pamilyar sa kaniya. Even though he didn’t know their names, ay alam niya naman kung saang larangang magaling ang mga ito. These people are his mother’s designers! Nakatuon ang paningin niya sa mommy niya at hindi man lang pinag-aksayahan ng pansin si Laura na papalapit sa kaniya. But the woman has no sense of initiative, dahil imbes na layuan siya nito ay humawak pa ito sa braso niya. Wala siyang oras makipaglokohan sa babae kaya iwinaksi niya ang kamay nito sa braso niya. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa wedding gown na nasa gitna ng sala at doon ibinuhos ang frustrations niya. Sinira niya ang damit na pangkasal bago bumaling sa mga taong bisita nila. “Get out!” sigaw

