What the f**k?! Hindi naiwasan ni Laura ang mapamura nang mabasa ang invitation letter. Ang totoo ay kanina lang ibinigay sa kanila ang invitation letter, at dahil lutang siya buong araw ay hindi niya na pinag-aksayahan pang tingnan iyon. Pero ngayon! Naninindig ang balahibo niya sa buong katawan! How did this happen?! “Is this true, Laura? Why didn’t you tell us?” Napalingon siya kay Trevor. Sa mga nakakakita sa dalaga ay halata ang pagkalito sa mukha nito. Umiling siya sa pinsan. Hindi niya rin kasi alam ang nangyayari. Hindi niya maipaliwanag sa mga ito— Hindi kaya? Biglang sumasal ang t***k ng puso ng dalaga. Nakaramdam siya ng excitement sa naisip. Could it be? Really? Gusto man niyang kausapin ang lolo niya pero hihintayin niya na lang na makababa sila, total ay malap

