Nang makarating si Laura sa mansiyon nila ay patakbo niyang tinungo ang kwarto. She wants to cry, kaya nang makapasok sa kwarto niya ay agad niyang isinarado ang pinto at umiyak nang umiyak. Hindi niya inaasahan na iiwan siya ni Ian sa isang estrangherong lugar. She hated the man for what he’s done. She wants to curse him, pero nang tumunog ang cell phone niya ay kaagad siyang bumangon. Tama naman ang nasa isip niya, si Ian, tumatawag. Mas lalo siyang napaiyak. Nahahabag siya sa sarili niya, dahil obviously, she’s so fvcking in love with the man who doesn’t even know who she is. She’s so in love with the man who left her without thinking twice if it would be dangerous for her. Bago pa niya masagot ang tawag ay inilapag niya na ang cell phone sa bedside table niya. Hinayaan niya lang n

