“Willing po akong ipa-DNA test ang anak ko...” Habang kumakain ay saad ni Laura kaya napatingin silang mag-anak sa babae. Kahit si Ian ay hindi inaasahan ang saad na iyon ng babae lalo pa at may pagdududa siya sa dalaga. “What do you think, son?” tanong sa kaniya ng mommy niya. Hindi nakaimik si Ian. Napatingin siya sa gawi ng babae. Bakit parang ang bilis ng pangyayari? “Good morning!” Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagustuhan niya ang presensiya ni Paz. Agad na lumapit ang babae sa kaniya at walang pakundangan na hinalikan siya sa labi. Mariin siyang napapikit. Hindi dahil sa nagustuhan niya ang halik nito. Nang magmulat ay napatingin siya sa babaeng nagngangalang Laura. Wala sa dalawa ang gusto niyang makasama. Tumayo siya at nagpa

