"Congratulations, Ra!" Agad akong napalingon sa aking likuran upang makita ang kung sinumang bumati sa akin.
At hindi nga ako nagkamali ng hula kung sino ang tumawag sa akin. It's Aimmee, boses pa lang niya kilalang-kilala ko na and I'm glad that she's finally her.
"Aimmee!" Agad ko itong niyakap nang sobrang higpit dalawang linggo ko kasi siyang hindi nakita.
"Salamat at nakadalo ka," wika ko nang bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Siyempre naman, Ra pambawi ko na rin 'to sa'yo ngayon kasi marami na akong na miss ng mga event sa buhay mo," litanya naman niya at inipit pa nito ang iilang buhok na nasa mukha sa likod ng tenga ko.
This is what I love about Aimmee ang sweet kasi niya through her simple gesture.
"It's fine, Ai naiintindihan ko naman ang trabaho mo, e."
Isang kasi siyang Branch Manager ng isang BPO company pagkagraduate kasi namin mula sa college two years ago ay pare-parehas naman kaming pinalad na makahanap agad ng mga trabaho. Sila lang pala dahil ako ay nagtayo ng sarilli kong negosyo na furniture shop. Simula kasi noon ay nahilig na talaga ako pagdedesinyo kaya nga fine arts ang kinuha kong kurso, e. Mahilig din akong magkumpuni ng mga sirang gamit lalo na kapag gamit sa loob ng bahay tulad na lang ng mga upuan sa hapag o 'di kaya naman ay di kahoy ng mga couches tapos kapag naayos ko na lalagyan ko ng panibagong desinyo para maging mukhang bago ulit at kaaya-aya sa paningin ng mga tao. Sa buong angkan ng mga Crisostomo at Galo ay tanging ako lang ang nahilig sa mga wooden crafts.
Mga kalupaan at iba't-ibang properties naman kasi ang negosyo ng aming mga pamilya at maswerte kaming magkakapatid dahil pinamanahan kami ng aming mga magulang ng lupa pati ang Lolo Leonard namin ay pinamanahan din kami ng lupa at kami na raw ang bahala kung ano ang gagawin namin doon basta huwag lang daw haluan nang kahit anong illegal na negosyo. At malabo naman iyong mangyari dahil hindi naman kami ganoon isa pa ay hindi namin 'yon kailangan dahil hindi naman kami salat sa buhay.
And when my family knew about sa business naitatayo ko ay natuwa ang mga ito at sinupportahan talaga nila ako all the way. Lalong-lalo na ang pinakamamahal naming si Lolo Leonard kaya nga nag pa party talaga ito sa aming mansion na nagaganap ngayon kahit na hindi na rin naman sana kailangan dahil nakapag celebrate na rin naman kami doon sa Grand Opening ng shop ko which is the, LC Wooden Collections
"Nandito na ba ang dalawa?" tanong nito sa akin at ang tukoy nitong dalawa ay ang dalawa pa naming mga kaibigan na sina Maldita at Arci.
"Present!" malakas na sabi ni Maldita dahil bigla na lang itong sumulpot sa likod ni Aimmee.
May hawak pa itong isang bote ng beer at medyo namumula na rin ang mukha niya. Tipsy na siguro ang babaeng 'to siya kasi ang pinakaunang dumating sa kanilang tatlo tapos sumunod naman itong si Aimmee at si Arci na lang ang wala pero pupunta naman daw ito.
"Lasing ka na yata, girl," natatawang puna ni Aimmee kay Maldita.
"Oo nga, pang-ilan mo na bang bote 'yan?" pagsang-ayon ko naman sabay turo sa boteng hawak-hawak niya paubos na rin ang laman.
"C'mon, girls balak ko talagang magpakalasing ngayon para mabuntis ako," natatawang wika niya sabay said ng huling alak na nasa bote.
"Loka-loka ka talaga!" natatawang sagot ko rin sa kanya. Puro kalokohan kasi ang laman nitong utak ni Maldita.
" 'Di ba pupunta ngayon ang Kuya Kyros mo?" tanong pa niya na ikinatigil ko sa pagtawa at pinukol ko ito nang matalim na tingin.
Slight crush niya raw kasi si Kuya Kyros dahil mala prinsipe raw ang mukha at buhay nito. Well, tama naman siya roon dahil anak si Kuya Kyros ng isang Guidotti na nagmamay-ari lang naman G Beast It's a Car business at ito rin ang pinakapatok na kotse sa buong bansa. Half Brother ko lang si Kuya Kyros dahil isang Italiano ang kanyang ama pero ni minsan ay hindi iba ang tratuhan namin sa isa't-isa. Mahal na mahal siya ng mga Crisostomo even though hindi talaga nila ito kadugo lalong-lalo na si Papa. Para sa kanya si Kuya Kyros talaga ang panganay nila ni Mama pangalawa si Kuya Pancho at siyempre ako ang bunso. Ang saya lang 'di ba?
"Bakit may plano ka bang gapangin si Kyros?"
Hindi naming nabigyang pansin ang mataray na pagtatanong ni Arci kay Maldita dahil mas nakuha ng atensyon namin ang presensiya niya lalong-lalo na ako.
"Arci! Finally you came," maligalig kong wika sabay yakap sa kanya.
"Of course, hindi pwedeng mawala ako sa pa party ni Lolo Leonard sa'yo," nakangiting sagot naman niya.
Kilalang-kilala na rin kasi sila aming pamilya at tulad ko ay mahal na mahal din nila si Lolo Leonard kaya naman parang mga apo na rin ang turing sa kanila ni Lolo lalo na't ako lang naman ang nag-iisang babaeng apo niya.
"Uy, babaita ka, saan ka na naman ba nagpatarak kagabi?" kompronta naman sa kanya ni Maldita na ikinairap naman agad naming tatlo sa kanya. Ang bastos talaga ng bibig niya.
Sa aming apat kasi ay si Arci ay wild at liberated and I think being laid with some men is her hobby, pero hindi porket ganun si Arci ay marumi siyang babae namimili rin siya ng lalaking gusto niyang maikama.
"Tsk! Can you rephrase your question maldita," request pa ni Arci kay Maldita sa mataray nitong boses.
"Tse! Kahit ano pang i-reprhase riyan nagpatarak ka pa rin that's the point," Hindi rin nagpatalong turan ni Maldita.
Napailing na lamang kaming tatlo sa kanya.
"Fine," umiirap na sagot na lamang sa kanya ni Arci.
Kapagkuwan ay niyaya ko na ang mga ito sa mesang nakalaan para sa akin para makakain na sina Arci at Aimmee. Bago naming tungohin ang aming mesa ay pinakuha ko na muna ng pagkain sina Arci sa Buffet. Saglit lang ay nakakuha na ang mga ito kaya dumulog na kami sa aming mesa.
"Uy, Leira hindi mo pa sinagot ang tanong ko, pupunta pa ngayon si Kuya Kyros mo?" tanong na naman ulit ni Maldita kay Kuya Kyros, sasagutin ko na sana ito nang bigla namang nagsalita si Arci.
"Look who's coming," ani ni Arci sabay nguso ng bibig niya.
Sinundan naming tatlo ang direksyon ng bibig niyang ngumunguso at halos tumalon ako mula sa aking kinauupuan nang makita ko na ang taong gustong-gusto kong makita kanina pa. Walang iba kundi si Kuya Kyros.
"Kuya!" patakbo ko itong sinalubong ng yakap at halik sa kanyang kanang pisngi.
"Hello, little sis!"
"I miss you, Kuya," may bahid na tampo kung sabi sa kanya.
Ngayon na lang kasi ulit ito nakauwi sa aming mansion dahil palagi itong busy sa kanyang sarilling kompanya.
"C'mon, lil sis as much as I want to see you everyday hindi ko rin magagawa dahil patong-patong ang trabaho ko sa company," paliwanag pa niya.
"But at least I'm here sa party mo," dagdag pa niya habang may ngiti sa kanyang mga labi.
"But after this uuwi ka rin naman sa bahay mo," nakasimangot kong tugon.
May sarilling mansion din kasi itong si Kuya Kyros at tanging kami na lang ni Kuya Pancho ang nakakasama nina Mama, Papa at Lolo Leonard.
"Wala tayong magagawa riyan, lil sis 'di bale love mo naman ako 'di ba?" pambobola pa nito sa akin.
"Hey don't be sad anymore, may gift naman ako sa'yo, e." Agad namang napalitan ng saya ang lungkot na aking naramdaman dahil sa sinabi ni Kuya Kyros.
"Really, Kuya?"
"Yeah."
"Here take this." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang isang susi ng kotse ang inabot nito sa akin.
Pati ang mga kaibigan ko ay narinig kong napa wow dahil sa binigay ni Kuya Kyros.
"Do you wanna see your new best friend?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Yes, Kuya Kyros!" walang pag-aalinlangan na sagot ko agad sa kanya.
Agad ako nitong niyakag papunta sa labas ng aming bahay pati mga kaibigan ko ay sinama ko rin dahil niyaya rin naman sila ni Kuya Kyros hindi na muna inabala sina Mama, Papa at Lolo Leonard pati na rin si Kuya Pancho dahil hindi namin sila mahagilap.
Paglabas namin ng bahay ay halos manubig ang mga mata ko at walang salitang lumabas sa bibig ko dahil sa napakagandang pick-up truck na nakaparada sa gitna. It's a big truck at halatang napakatibay kulay gray pa ito which is my favorite color. Totoo bang bigay sa akin 'to ni Kuya Kyros?
"Aimmee, s-sampalin mo nga ako," mahinang utos ko sa kaibigan ko.
Parang ayaw ko nang pumikit baka kasi mawala na lang bigla itong pick up truck sa harapan ko. Napakagara pa naman ang napakatibay halatang bagong labas.
"What?" Aimmee
"Surprised?" Arci.
"Ako na!" Maldita.
Hindi ko mabigyang atensyon ang mga kaibigan ko dahil walang kakurap-kurap kong pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa harapan.
Pero ganun na lang ang gulat ko nang biglang may bumatok sa akin mula sa likuran ko halos maalog ang utak ko dahil sa pangyayari 'yon.
"Aray!" daing ko sabay tingin sa likuran ko upang tignan kung sino sa mga bardagulera kong kaibigan ang bumatok sa akin.
Paglingon ko ay ang kalmado at nakangiting mukha ni Maldita ang nakita ko.
"Take it easy, Maldita muntikan na si Leira," wika ni Kuya Kyros sa kanya.
"Sorry, Kyros gusto ko lang kasing malaman niya true na true ang regalo mong pick-up truck sa kanya.
"Just don't be to harsh next time," paalala pa ni Kuya Kyros sa kanya.
Napangaralan tuloy siya nang wala sa oras babaeng kasi 'to palibhasa lasing na.
"It's fine, Kuya medyo tipsy na kasi si Maldita kaya medyo hindi niya na alam ginagawa niya," pagtatanggol ko sa kaibigan ko.
"Anyways, do you like what I gave?" Hindi na pinansin pa 'yon ni Kuya bagkus ay tinanong na lamang ako nito tungkol sa bininay niyang gift sa akin.
"Of course, Kuya ang ganda sobra," manghang sagot ko.
"Happy to know that, Lil sis ikaw pa lang ang kauna-unahang magkakaroon ng bagong model ng G Beast." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya ang swerte ko naman kung ganun.
"Wow! Really, Mr. Guidotti that's nice," komento naman ni Arci sa aking kapatid.
She used to call my Kuya Kyros as Mr. Guidotti to address him properly pero tanging siya lang ang tumatawag niyon kay Kuya. Kyros lang naman kasi ang tawag nina Aimmee at Maldita kay Kuya well, iba naman kasi si Arci she may be wild but she's still formal lalo na't nasa larangan din siya ng negosyo.
"Yes, Ms. Delavin," tugon naman ni Kuya Kyros sa kanya.
"Anong pang hinihintay natin, Leira binyagan na natin 'yan!" hikayat naman sa akin ni Maldita. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to.
"Yes, you can but of course you four also need to be careful, " pagsang-ayon at bilin naman agad sa amin ni Kuya Kyros.
"Saan naman tayo pupunta, e gabi na?" inosenteng tanong naman ni Aimmee kay Maldita.
"Try natin sa mall, Aimmee," pilosopong tugon naman agad sa kanya ni Maldita at gustong-gusto na naming matawa ni Arci pero pilit naming pinigilan dahil ayaw naman naming ma offend si Aimmee.
"Gabi na may bukas pa bang mall nito?"
"Ay maryosep! Ang sarap na lang talaga maging halaman," nawalang pasensiya ng wika ni Maldita dahil sa kainosentehan ni Aimmee.
"Aimmee, bright ka naman pero bakit parang loading ka kapag kami kasama mo?" tila namomroblemang tanong pa ni Maldita kay Aimmee.
As I said, Aimmee is really good in math not only in that but in so many ways too, pero may time talaga na lutang at loading si Aimmee lalo na kapag kami ang kasama niya. Kung inosente ako mas higit na inosente si Aimmee to the point na nagiging tanga na siya at hindi niya 'yon alam.
"Stop it, Maldita," saway na ni Arci kay Maldita.
"Aimmee she's just joking," pagbigay-alam niya kay Aimmee.
At ganun na lamang ang pag-irap ni Aimmee kay Maldita na ikinatawa na talaga naming dalawa ni Arci maging si Kuya Kyros ay natawa rin.
Kapagkuwan ay nagpaalam na sa amin si Kuya Kyros dahil kakain pa ito sa loob at muli kami nitong binilinan na mag-ingat kung saan man kami pupunta.
"Inom tayo, guys!" yaya ni Arci sa lahat.
"Ay korek ka diyan, Arci Delavin, saan niyo gusto sa Colt club o sa Xixers?" tanong ni Maldita.
"Palagi na lang tayo sa Colt club sa Xixers naman tayo para maiba naman," turan ni Arci at halatang buryong na buryong na sa Colt club.
"No! Sa Colt club lang tayo mas okay doon," mabilis kong tanggi.
Mas better kung sa Colt club na lang kami kaysa sa Xixers kasi sa Colt club sure akong safe kami at walang gugulo sa akin.
"Bitter ka pa rin, Ra? It's been two years already," natatawang tanong naman agad sa akin ni Aimmee.
"Oo nga naman, Leira. Look you're both stable and matured now so act like one," segunda naman ni Maldita.
"C'mon, Ra I don't think ba guguluhin ka pa ulit ng Vayden Austria na 'yon for sure may jowa na siya baka nga may asawa na, e," dagdag naman ni Arci.
Kaya ayaw na ayaw ko sa Xixers dahil club iyon ba pagmamay-ari ng taong kinaiinisan ko mula noon at magpahanggang ngayon. Walang iba kundi si Vayden Austria simula kasi noong matapos ang debate namin ay palagi na nitong sinasabi sa akin na magiging asawa niya raw ako. Walang absent 'yon sa tuwing magkasalubong kami sa hallway o 'di kaya ay sa cafeteria at natigil lang siya noong nag graduate na kami at saka lang din tumahimik ang buhay ko.
At ayoko nang magtagpo pa ulit ang landas namin because I really hate everything about him.