Kumbinsi

1664 Words
"No, ayoko! Doon lang tayo sa Colt club para may discount," giit ko sa kanila. "Wow! Gipit na gipit lang girl?" pang-aalaska agad ni Maldita sa akin na ikinatawa naman nina Arci at Aimmee. "I think, makakahingi naman tayo ng discount sa Xixers lalo na't schoolmate naman natin dati si Vayden," mungkahi naman ni Arci. Talagang pinagkakaisahan nila ako. Argh! "True!" pagsang-ayon naman ni Aimmee. "Ayoko nga, e," naiinis ko ng saad. "Okay!" sabay-sabay nilang tugon at kasunod ay sabay-sabay din nilang pag-irap. "Tara paalam muna tayo sa loob." Agad na kaming bumalik sa loob upang magpaalam sa aking pamilya. Una naming nadaanan si Kuya Kyros na kasalukuyang umiinom ng whiskey sa whiskey glass kaya sa kanya kami unang nagpaalam pagkatapos ay tinungo naman namin ang mesa nina Mama, Papa, Lolo at Kuya Pancho. "Hola!" bati sa amin Kuya Pancho at binati naman agad namin siya. Napatingin din agad sa gawi namin sina Mama Papa at Lolo Leonard. "Hi, Girls! May kailangan ba kayo?" malambing na tanong ni Mama sa amin sabay tayo sa kinauupuan nito. "Ma labas lang po kaming apat," paalam ko kay Mama. "Saan kayo pupunta?" tanong naman agad niya. "Sa club, Tita but don't worry po hindi po namin pababayaan si Leira," tugon ni Maldita kay Mama. "Of course, I know you would take good care of her kaya sige but please be careful," bilin pa nito sa amin. "Kaya mo na bang dalhin ang bagong kotse mo, Anak?" tanong naman ni Papa sa akin. Alam na pala nila ang tungkol sa regalo sa akin ni Kuya Kyros. "Si Arci na lang po muna padadalhin ko para makapagpaturo rin po muna ako sa kanya," sagot ko naman. Magaling kasi si Arci pagdating sa mga sasakayan bago man ito o, luma marunong din siyang magmaneho kaya wala kaming magiging problema. "But Arci is missing," wika naman ni Kuya Pancho na ikinalingon naman agad naming tatlo sa aming likuran at wala nga si Arci. "Maybe she's in the comfort room," wika naman ni Mama. "Sundan ko lang po siya, Excuse me po," paalam naman ni Maldita sa amin. Pero bago pa man siya humakbang ay bumalik na rin si Arci sa kinaroroonan namin. "Sorry po, may bigla po kasing tumawag sa phone ko at napa CR, na rin," pahayag agad ni Arci sa amin. "It's fine lady," nakangiting naman sagot sa kanya ni Lolo na ikinangiti rin ng kaibigan ko sa aking Lolo. "You better go now, Ladies para maaga pa kayong makabalik," muling wika ni Lolo sa amin. Muli kaming nagpaalam sa kanila pero bago kami tuluyang makaalis ay may sinabi pa si Lolo sa akin. "Sana naman pagbalik mo, Apo may ipapakilala ka na sa aking lalaki at dapat 'yong mapapangasawa mo na ha?" bilin nito sa akin na ikinatawa ko lamang. Iyon ang tanging hiling sa akin ni Lolo, ang magkaroon ako ng sarilli kong pamilya para raw may mag-alaga na sa akin at magmamahal. And I promise him also na isasakatuparan ko 'yon kapag naabot ko na ang sarilling pangarap ko at finally natupad na nga kaya ang wish naman ngayon ni Lolo para sa akin ang tutuparin ko. "Don't worry, Lolo Leonard ako po ang bahala sa Apo and I will make sure na gwapo, matalino at masarap ang lalaking matatagpuan niya tonight at 'yon na rin ang magiging kabiyak ng kanyang puso," may katiyakang sagot naman ni Maldita sa Lolo ko. "Aba siguradohin mo lang, iyan Maldita ha?" paniniyak naman sa kanya ni Lolo na ikinailing ko lamang. "C'mon, Lo wala pong matinong lalaki sa bar lahat palikero at lahat mga mapagpanggap," kontra ko. "Grabe ka naman!" Arci. "Lolo Leo, ang bitter talaga ng apo niyo," sumbong pa ni Maldita sa akin kay Lolo na ikinatawa lamang ni Lolo. "Well, tamang pakipot lang, apo ha? At baka tumandang dalaga ka naman niyan," payo pa sa akin ni Lolo na ikinatawa naman nilang lahat. "Lolo naman eh!" maktol ko at mas ikinatawa lamang iyon ng lahat. "O siya sige na mga anak humayo na kayo at mag-ingat sa daan ha? Arci drive carefully, okay," kapagkuwan ay ani ni Mama at mahigpit pa kami nitong binilinan. "Oh? So, ako pala ang mag d-drive?" gulat na tanong pa ni Arci. "Yes, Arci expert ka kasi pagdating sa mga sasakyan kaya ikaw na muna magdala ng pick-up truck ko, para makapagpaturo na lang din ako sa'yo," pahayag ko sa kaibigan at saktong namang dumulog si Kuya Kyros sa mesa naming mag-anak. "Is it okay with you, Kuya Kyros?" tanong ko muna baka kasi ayaw nitong ipahawak sa iba ang regalo niyang kotse sa akin. "As long as Ms. Delavin knows how to drive and to take care of you guys there'll be no problem," sagot naman niya. "Don't worry, Kuya sakto lang naman magpatakbo si Arci at isa pa hindi naman niya kami pababayaan," sagot ko kay Kuya. "That's good, Ms. Delavin please drive carefully, alalahanin mo nakasalalay sa'yo ang buhay ng mga pasahero mo," seryosong bilin pa ni Kuya kay Arci. "I will, Mr. Guidotti," nakangiting sagot naman ni Arci sa kapatid ko at tanging tango lamang ang tinugon sa kanya ni Kuya at hindi naman lang ito ngumiti sa kaibigan ko. Suplado yarn? Pagkuwa'y umalis na rin kami at si Arci nga ang nagmaneho ng pick-up truck ko. "Sa Colt tayo, Arci ha?" utos ko sa kaibigan habang binaybay namin ang daan. "Fine," sagot naman agad nito. Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa harapan ng Colt club pero nagtaka kami dahil napakadilim nito at sarado pa meron pang caution na nakalagay. "Sarado?" tanong ni Aimmee. "Maldita, magtanong ka nga sa guard, please," sabi ko kay Maldita at agad naman itong bumaba mula sa kotse at tinungo ang kinauupuan ng gwardiya. Hindi nagtagal ay bumalik na rin si Maldita sa loob ng kotse. "Bakit daw nagsara?" tanong ko agad sa kanya. "Under renovation daw ngayon ang Colt club at hindi pa alam ni Manong guard kung kailan ulit ito magbubukas dahil next week pa raw sisimulan ang construction," salaysay naman agad niya. "Oh? So, Xixers tayo?" tanong ni Arci. "No!" mabilis kong sagot. "E, saan mo gustong uminom sa kanto? Gusto mo bang mapagtrippan tayo, Leira Crisostomo? Alalahanin mo, girl bago 'tong kotse baka mabahiran ito nang kung anu-ano sa may kanto lagot ka pa kay Kyros." Maldita. "At malamang madadamay pa ako nito, Ra dahil ako ang nagmamaneho nitong kotse mo," dagdag naman ni Arci sa sinabi ni Maldita. "Tsk! Wala ka na bang alam na bar, Arci?" tanong ko kay Arci. "Meron pero Japanese club 'yon at may dress code dapat," sagot naman agad ni Arci sa akin. "Naku, Leira sinasabi ko sa'yo ayokong maging haponesang hilaw," maktol naman agad ni Maldita na ikinatawa naman agad nina Arci at Aimmee. "You know what, Ra kung ako sa'yo pumayag ka na lang na sa Xixers na tayo dahil hindi ka rin naman titigilan nitong si Maldita kakabuska," saad naman ni Aimmee. Mariin muna akong pumikit bago tuluyang pumayag sa kagustuhan nilang tatlo. Kung sakali mang magkita nga ulit kami ni Vayden ay bahala na hindi ko na lang siya papansinin hindi naman kasi kapansin-pansin ang betlog na 'yon. Kahit pa sabihin na nating gwapo nga siya at pinagpala. "Xixers here we come!" bulalas pa ni Arci at saka tuluyang pinaharurot ang kotse patungo sa Xixers. Saglit lang ay narating na namin ito malapit lang din naman kasi ang location nito sa Colt club. In fairness secured dito dahil may guard house talaga sa parking area at bago ka tuluyang makapasok ay kailangan mo munang magpakita ng I.D para mapatunayang legal na ang edad mo pero hindi na namin 'yon ginawa dahil kilala na pala itong si Arci rito. Mas marami pa kasi itong alam na bar kaysa sa aming tatlo. Nang maiparada niya na ang pick-up ay pumasok na rin agad kami sa loob. Sinalubong naman agad kami ng isang waiter at may hawak itong tray na may lamang mga shot glass. "Sexy evening, ladies!" maligalig nitong bati sa amin at isa-isa kami nitong inabutan ng shot glass na may lamang inumin ng color purple. "We haven't order this?" nagtatakang komento ni Aimmee maging ako ay ganun din at iwan ko lang kay Maldita kung alam niya ang tungkol dito parang hindi naman kasi ito nagulat. "You must new here, Madam! You need to take a shot our signature drink po muna bago kayo tuluyang makapasok ng Xixers pa welcome po namin iyan. Don't worry po it's three percent lang po ang level ng alcohol niyan and it's very safe to drink," paliwanag pa ng waiter sa amin. "Anong tawag sa drink na 'to?" tanong ko naman sa waiter. "Mix po iyan, Madam! But we called it Free shot since pa welcome drink namin iyan at isang MVP, po kasi ang may-ari ng bar na ito na si Vay—" pinutol ko na ang nais pa nitong sasabihin. "Okay," wika ko sabay lagok ng inumin sa shot glass at he's right it's not that strong in fact masarap kahit medyo mainit sa lalamunan dahil walang ice. Masyado na siyang madaldal at kilala ko na rin naman ang may-ari nito at ayokong marinig ang pangalan niya dahil baka masira na agad ang gabi ko. I really don't know pero iwan ko ba dahil sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Vayden ay kumukulo na agad ang dugo ko, at hindi ko talaga alam kung bakit. My friends are right hindi ko na siya dapat pakialaman pero itong sarilli ko inis na inis pa rin sa kanya kahit na dalawang taon na rin naman ang nakalipas mula noong nagkita kami. Ano ba kasing meron sa Vayden Austria na iyon at bakit kumukulo ang buong dugo ko sa kanya? At iwan ko na lang talaga kung anong mararamdaman ko kung sakali mang magkita na ulit kami rito sa mismong bar niya. But one thing is for sure and that is I still hate him. Just everything about him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD