Kasunduan

1858 Words
"Kuha tayo ng VIP, room," wika ko sa mga kaibigan habang tinutungo namin ang isang mesa sa pinakunang mesa ng bar at malapit sa may pintuan. "Ay no!" mabilis na tutol naman agad ni Maldita na ikinanuot agad ng aking noo. "Bakit naman hindi? It would be better, girls para safe tayo," tanong ko pa sa kanya sabay suhestiyon sa kanilang lahat. "Leira, kapag kumuha tayo ng VIP, room paano tayo makakakita ng mga magaganda at nakakatakam na tanawin, abir?" mataray niyang tanong at namewang pa talaga ito sa harapan ko. "Ha?" inosenteng tanong ko naman sa kanya. Hindi ko kasi gets ang pinagsasabi nito. "Oo nga, Maldita, what do you mean?" tanong din ni Aimmee sa kanya sa malumanay nitong boses. "Hay maryosep! Hirap talaga kapag virgin!" nakukumsuming ani naman agad ni Maldita sa aming dalawa ni Aimmee. "Maldita!" mariing saway ko agad sa kanya may kalakasan pa naman ang boses niya dahil may tugtog. "Ra, Aimmee, what Maldita means to say is kapag kumuha tayo ng VIP, room hindi tayo makakakita ng gwapo at machong mga lalaki," paliwanag naman sa amin ni Arci. "At siyempre daks," dagdag pa ni Maldita. Napakaeskandalosa talaga ng bibig nito. "Ay oo nga no? Sige dito na lang tayo!" mabilis na pagsang-ayon naman agad ni Aimmee. Kaya wala na rin akong nagawa dahil buo na ang desisyon nilang tatlo umupo na lamang ako sa isang couch katabi si Arci samantalang sa harap naming couch sina Aimmee at Maldita nakaupo. "Waiter!" tawag ni Maldita sa isang waiter at agad naman kami nitong nilapitan. "Sexy evening, young ladies!" maligalig na bati agad ng waiter paglapit sa amin. At kanina ko pa napapansin na kakaiba ang pagbati nila sa mga customer hindi good evening kundi sexy evening Hindi tuloy ako komportable at iwan ko lang kay Aimmee kung komportable siya sa ganun. Panigurado naman kasi ako sa dalawang kaibigan namin na okay sila sa ganoong klase ng pagbati. "Ano po ang order natin?" tanong nito sa amin. "Arci, ikaw na umorder tinawag ko lang talaga siya para makaorder na agad tayo, pero wala talaga akong alam. Sige na order ka na," walang prenong sabi ni Maldita kay Arci na ikinailing naming tatlo. Hindi talaga uso ang hiya sa babaeng 'to. "Okay we'll get four glass of slam shot," order ni Arci at hindi ko alam kung anong klase ng inumin 'yon. 'Di bale may tiwala naman kami rito sa kaibigan namin she knows what's the best drink for us. "Teka-teka, anong glass? Hindi ba tayo mabibitin niyan?" reklamo ni Maldita. Kaagad naman siyang tinapunan ng tingin ni Arci at inirapan bago muling nagsalita. "Okay, fountain slam na lang," palit naman agad ni Arci ng order. "Sandali, fountain talaga?" bulalas ko. "Gosh! Can you two stop acting like that?" nauubusang pasensiyang sabi na ni Arci sa amin ni Maldita mabuti na lang at hindi iyon pansin ng waiter dahil may kinakausap itong kapwa niya rin waiter. "Para kayong mga bata!" sikmat pa nito sa amin. "Baka gusto niyong mag tubig na lang tayo?" may bahid na pamimilosopo pa niyang dagdag. "Girls, stop it," saway na ngayon ni Aimmee sa aming tatlo. "Waiter, we're fine with fountain slam shot thank you," pinal na wika niya at agad na ring umalis ang waiter sa aming mesa upang asikasuhin ang order namin. "Sorry about that, Arci nabigla lang kasi ako," paumanhin ko agad kay Arci. "Just forget about it," nakangiting turan niya. Arci is like the girl version of my Kuya Kyros, very strict and honest but still kind. Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin nilagay ng waiter ang beer fountain sa bandang dulo ng aming mesa at isa-isa nitong nilagay ang apat na baso na para sa amin. "Add na rin tayo ng pulutan, para hindi agad tayo malasing," wika ni Aimmee at nag order agad ito ng pulutan sa waiter. Hindi nagtagal ay dumating na rin agad ito at nagsimula na rin kaming uminom, habang umiinom kami ay panay naman ang sulyap namin sa mga nagdadatingan and I was surprised nang makita ko rito ang mga iilang kilalang tao sa industria ng negosyo. Talaga palang sikat ang Xixers sa mga bilionaryo. "Leira!" tawag sa akin ni Maldita. "Oh?" sagot ko. " 'Di ba sabi ni Lolo Leo ihanap ka namin ng lalaking matitikman este mapapangasawa?" "Correction, Maldita ikaw ang nagsabi niyan kay Lolo," pagtatama ko sa sinabi niya. "Ganun na rin 'yon. Ganito kung sinuman ang lalaking papasok ulit sa pintong 'yan ay siya ang mapapangasawa mo." "Is that a dare, Malds?" tanong naman agad ni Arci kay Maldita. "Pwede," tugon ni Maldita. "Hala! E, paaano kung pangit ang susunod na papasok sa pintuan na iyan?" tanong naman ni Aimmee. "That's not gonna happen, Ai walang pangit sa bar ni Vayden mukhang required kasi ang magandang mukha at katawan dito," siguradong sagot naman ni Arci kay Aimmee halatang kabisado na niya talaga ang lugar na ito. Well, she's right dahil ilang minuto na rin kami rito pero ni isa ay wala akong nakitang pangit iwan ko lang sa taas kasi hindi naman ako napadpad doon. "See? Kaya ang susunod na papasok diyan ay magiging future husband na ni Leira Crisostomo," ani na naman ni Maldita. "No way, Maldita! As I said earlier walang matinong lalaki sa bar," tutol ko agad sa kanya. "Alam mo ikaw bitter ka!" "I have a great idea," sabad naman ni Arci. "Ano?" sabay-sabay naming tanong sa kanya. "Dapat totoong magiging future husband talaga ni, Ra ang papasok kung sinumang papasok ulit mula sa pintuan, pero kapag hindi ginawa ni Leira 'yon ibebenta natin ang pick-up truck niya." "Ay grabe naman ka naman, Arci ako pa nga lang ang may ganiyan, e! Gusto mo yatang itakwil ako ni Kuya Kyros," turan ko agad sa kanya. Sobra-sobra naman yata ang dare niya. "Relax, Ra e, 'di gawin mo na lang ang dare," nanghahamon pa rin niyang sabi. "Tama!" makasabay na sang-ayon naman agad nina Maldita at Aimmee. "But wait, girls..." Agad namang kaming napatingin kay Aimmee. "What if babae ang susunod na papasok?" tanong niya. "Not counted of course," mabilis na sagot naman agad ni Arci. "E, paano naman kung taken na 'yong guy?" muling tanong ni Aimmee. "Oo nga naman, Arci," dugtong naman ni Maldita sa sinabi ni Aimmee. "Agawin mo, pilitin mong mapasayo ang lalaki," giit ni Arci. "Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaibigan. "Doon na lang tayo sa single, pwede?" sabad naman ni Maldita. "Oo nga naman, Arci huwag no namang gawing kabit itong kaibigan natin," dagdag pa ni Aimmee. "No! This is a dare, remember?" giit talaga ni Arci. "E, paano kung single nga ang lalaking pumasok pero hindi pala talaga kami ang itinadhana para sa isa't-isa?" tanong ko naman this time kay Arci. "Hinding pwedeng hindi, Ra pilitin mo nga kasi kung ayaw sa'yo." "Kahit na tadhana na mismo ang may ayaw?" giit kong tanong. "F**k that destiny, Crisostomo! Maniwala ka kasi sa kasabihang kung hindi para sa'yo pilitin mo at kung hindi ka talaga magustuhan pikutin mo." Hala! Jusko po! "Iba rin talaga ang isang Arci Delavin, e," puri ni Maldita, kay Arci at nag cheers pa talaga silang tatlo. "Ano, Ra deal?" tanong ulit ni Arci sa akin. Matunog na buntong hininga muna ang ginawa ko saka pumayag sa kagustuhan nilang lahat. Minsan talaga hindi na sila nakakatuwa. "Anong gagawin niya kung may pumasok na guy?" tanong na naman ni Maldita. "Harangan mo ang dadaanan niya or nila, Leira," sabi ni Arci. "Paano?" nagtatakang tanong ko. "Magkunwari kang lasing na lasing ka na tapos bigla kang matutumba sa harapan ng lalaki. And if in a relationship nga ang lalaking papasok at kasama ang jowa niya tawagin mo siya sa isang endearment para masira agad ang relasyon nila." Sa ka demonyo talaga nitong plano ni Arci. "Endearment like, Babe, Hon, Sweetie?" wika naman ni Maldita. "Nah, too plain call him lover," sagot ni Arci at kumindat pa ito sa akin. "Ay taray! Bet!" sabad naman ni Aimmee. Lintik! Mga lasing na yata ang mga 'to kung makapagdesisyon kasi parang sure na sure na. "Let's see who'll be Leira's future husband?" nakangiting sabi pa ni Maldita at sabay-sabay na kaming nag abang sa pintuan. Tumungga na muna ako ng ilang shots para kahit papaano ay mawala ang hiya kung sakali mang lalaki na nga susunod na papasok mula sa pintuan ng bar. Saglit lang ay bumukas na ito at lalaki nga ang pumasok pero ang masklap ay may kasama itong babae at sigurado akong mag-syota sila dahil nakahawak ang kaliwang kamay ng babae sa kanang braso ng lalaki. Pero hindi agad namin na mukhaan ang lalaki dahil may suot itong cap at naka jacket pa na kulay brown idagdag mo pang natigil pa ang mga ito sa paglalakad dahil may tumawag sa kanilang dalawa sa kanang bahagi ng bar dahilan para mabaling doon ang atensyon nila. "C'mon, Leira!" mariing bulong sa akin ni Arci. At may kung anong espiritu namang sumanib sa katawang lupa ko dahil walang pagdadalawang isip akong lumapit sa mag syota may pagewang-gewang pa ako para kapani-paniwala talaga na lasing na ako at kunwari'y bumagsak ako sa mismong paanan ng lalaki. Unti-unti na ring nilulukob ng alak ang buong sistema kaya biglang nawala rin ang hiya ko. Luckily ay nakuha ko naman agad ang atensyon nila maging ang atensyon ng ibang tao sa loob ng bar. "Oh my god, Prince help her faster!" Dinig kong natatarantang utos ng babae sa kanyang nobyo. Agad naman akong tinulungan ng lalaking makatayo at dahil nagkukunwari ako ay sinadya kong dumikit sa katawan ng lalaki at pumaikot din ang dalawang kamay ko sa batok niya. "Lover," malanding tawag tawag sa kanya pero pikit na ang mga mata ko. At kahit hindi man ako magmulat ay alam kong gulat na gulat ang babae dahil sa pagtawag ko sa jowa nito. Dahil matunog itong napasinghap malamang ngayong gabi rin na 'to ay masisira na ang relasyon nilang dalawa. "Ra!" pasigaw na tawag pa sa akin ni Aimmee. Pero hindi na ako nag abala pang bigyan siya nang pansin isa pa ay baka isa lang naman iyon sa pakulo ni Arci. "May bagong girlfriend ka?" tanong ng babae sa kasintahan niya at nahimigan ko ang inis sa boses niya, kung kaya't sinadya kong idikit ang noo ko sa dibdib ng jowa niya para mas magalit pa siya. Nanuot agad sa ilong ko ang napakabango niyang pabango lalaking-lalaki ang amoy at masasabi kong maiinlove ka talaga sa amoy niya. "No," mabilis na tanggi naman agad ng lalaki sa kanyang kasintahan. "Then who is she?" "My wife." Ay g*go! Agad akong napamulat at tila nilipad ng hangin ang lahat ng aking kalasingan sa katawan dahil sa aking narinig. Bakit pamilyar ang boses niya? Pag-angat ko ng mukha ay ganun na lang ang gulat ko nang mamukhaan ko ang lalaking nasa harapan ko walang iba kundi si Vayden Austria. Gustong-gusto kong tumakbo ngayon din pero hindi ko magawa dahil natulos ako sa aking kinatatayuan habang kaharap ko siya nakaawang pa ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko. Hindi pwede ito! Hindi pwedeng siya ang... magiging future husband ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD