Kalbaryo

1677 Words
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nasa ganoong sitwasyon ni Vayden hanggang sa... "Leira!" pukaw ni Aimmee sa lasing kong diwa, kung hindi pa mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanang braso ko ay hindi pa ako matatauhan. "Aimmee?" manghang tanong naman agad sa kanya ni Vayden. At kinuha ko iyong pagkakataon para itulak siya papalayo sa akin may kalakasan siguro 'yong pagtulak ko dahil naatrasan pa yata niya ang tao na nasa likuran niya. Sa sobrang bilis na pangyayari ay natagpuan ko na lang ang sarilli ko sa loob ng kotse ko kasama ang mga kaibigan ko. "Gosh, Leira! Kung makatakbo ka para kang magnanakaw," gilalas ni Maldita, habang nandito kami sa loob ng kotse. Kapwa kasi kami hingal na hingal dahil nagsitakbuhan kaming apat palabas sa bar ni Vayden. "Oo nga naman, Ra, bakit ka ba kasi tumakbo?" tanong naman ni Arci sa akin. "Buti na lang hindi ko 'to nabangga ang kotse mo kakamadali natin lagot pa sana ako sa kuya mong si Guidotti," dagdag pa niya at pumalatak pa ito. "Sorry, girls e, sa nabigla ako sa nakita ko, e," sagot ko naman sa kanila. "Kahit na, Leira! Tao lang din naman si Vayden at wala naman siyang ginawa sa'yo," Tila sermon pa sa akin ni Arci. Natigil ito saglit nang pumasok si Aimmee sa loob ng kotse pinabili kasi ito ni Maldita ng tubig dahil nga hapong-hapo kaming apat kaya kasalukuyan kaming nakaparada rito sa harap ng isang convenience store. "Girls," tawag sa amin ni Aimmee at isa-isa nitong inabot sa amin ang bottled water. "Sorry, girls hindi ko lang kasi talaga inasahan," paumanhin ko sa kanila. "Basta sa susunod, Ra kumalma ka lang okay? Masyado kang halata kanina sa harapan ni Vayden, e," litanya ni Arci. "Oo nga, Ra parang mga magnanakaw tuloy tayo kanina sa bar ni Vayden kahit nagbayad naman tayo," dagdag naman ni Aimmee. "Kayo rin naman kasi ay may pasimuno ng dare-dare na 'yon! Tsaka bakit hindi niyo man lang ako sinabihan na si Vayden na pala 'yong lalaking kaharap ko?" naiinis na sabi ko rin sa kanila. Totoo naman kasi kung hindi sana nila ako pinilit sa kasunduan na gusto e, 'di sana naging maayos ang gabing ito ngayon. "Aba't malay naman ba namin na si Vayden pala 'yon?! E, sa may kasamang babae, e," hindi nagpapatalong sagot naman agad ni Maldita sa akin. "C' mon, girls we're all aware that Vayden Austria is a womanizer, kaya hindi na dapat tayo magulat kung may kasama siyang babae. Magulat tayo kung nakasuot siya ng trahe de boda," litanya ko. "Haven't you heard, Ra? Tinawag kita pero parang wala lang sa'yo dahil sumandal ka pa talaga sa dibdib ni Vayden," wika naman ni Aimmee. Kaya naman pala. "And hello? Leira, nasa bar tayo ni Vayden so you should expect too na isa siya sa mga papasok sa pintuan dahil pagmamay-ari niya ang Xixers." Arci. Oo nga naman, bakit ko nga ba nawaglit iyon sa isipan ko? Kinain na kasi ng alak ang utak ko. Ang Bobo lang! "Anyways let's stop this blaming scene, nangyari na ang nangyari," pinal ng wika ni Arci. "True!" mabilis na sang-ayon naman ni Maldita. "So, what now are we going home?" Kapagkuwan ay tanong na ni Arci sa amin. "Maaga pa, Arci magbanlaw muna tayo," sagot naman agad ni Maldita. Ang tukoy nitong banlaw ay inom pa rin naman. "E, saan naman?" tanong naman ni Aimmee sa kanya. "Si, Arci na bahala riyan, Arci tara na." Binuhay na rin agad ni Arci ang makina ng kotse ko at saka pinaharurot sa kung saan man. "This is my colleague's restobar it's safe here kaya pwedeng-pwede tayo rito," wika ni Arci ng makababa na kami mula sa kotse. Hindi kalakihan ang bar na ito at hindi rin marami ang tao pero mula rito sa labas ay maririnig mo ang music. "Tara na sa loob." Yaya sa amin ni Arci at nagpatiuna na ito pagpasok sa loob ng bar. Kilala na nga siya dahil tinawag siya agad nito at hinatid pa kami ng isang staff sa roof deck ng bar kung saan solo namin ang lugar. "It's nice here," komento ni Aimmee. "Yeah, perfect sa pambanlaw natin," tugon naman ni Maldita sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang order naming beer na may kasamang pulutan at agad na namin 'yong tinungga. "Aren't you worried, girls?" biglang tanong ni Aimmee sa amin. "Worried about what, Ai?" tanong naman agad sa kanya ni Arci dahil sila naman ngayon ang magkatabi. "Kay Leira na baka guluhin na naman ulit siya ni Vayden," sagot ni Aimmee. Siya talaga ang kakampi ko sa kanilang tatlo. "E, 'di mabuti!" Maldita. "Remember, Ai kapag hindi naging asawa ni Leira si Vayden, ibebenta natin ang pick-up truck niya." Arci. Iba talaga ang dalawang 'to hindi na talaga sila minsan nakakatuwa. "Hiyaan mo na, Ai hindi na rin naman siguro iyon manggugulo unless binanggit ninyo ang negosyo ko," lintanya ko. "Ay hindi ko ginawa 'yon, Leira," mabilis na tugon naman agad ni Aimmee at maging sina Maldita at Arci ay umiling din. "Then, we're good isa pa hindi na rin naman ako ulit papasok sa bar niya," umiirap kong wika. "But remember, the dare, Leira," paalala pa sa akin ni Aimmee. "F**k that deal anymore, Ai," mataray kong sagot. "So, payag kang ibenta namin ang pick up truck mo?" tanong naman agad sa akin ni Arci. "No, pero pwede ko kayong bigyan ng tig-iisang pick up kung gusto niyo," sagot ko. Agad namang nangislap ang mga mata nilang tatlo pero hindi nagtagal ay nagbawi na agad ng ekspresiyon si Arci. "No, Leira! Gagawin mo pa rin ang dare," seryosong wika ni Arci. "Afford naming tatlo ang pick up truck na binigay ng kapatid mong si Guidotti sa'yo kaya tuloy ang kasunduan natin, and that's final!" Hala grabe talaga siya! "Pero, Arci!" maktol ko sa kanya. "Fine. Ganito na lang by within this week na hindi ulit kayo nagkita ulit ni Vayden hindi na kami mamimilit sa'yo, pero kapag magtagpo ulit kayo wala ka na talagang ibang choice kundi ang asawahin siya," salaysay pa ni Arci. Agad naman akong napangiti dahil doon at least within a week pa kaya sisiguradohin ko talagang hindi na ulit magtatagpo ang landas namin ni Vayden. "Sige, payag ako," mabilis kong pagsang-ayon. "Good." Pagkatapos naming uminom sa bar ng katrabaho ni Arci ay umuwi na rin kami agad hinatid lang nila akong tatlo sa aming mansion at nagsiuwi na rin agad sila sa kanilang mga bahay. Sa mga sumunod na araw ay naging maayos ang takbo ng aking negosyo dahil kahit bagong bukas pa lang ito ay marami ng bumibili idagdag mo pang may mga nag-iinvest na rin. Ang mga kaibigan ko ang nag suggest ng ganoon para daw mas lumawak pa ang negosyong meron ako at nakakatuwa pa dahil sila mismong tatlo ang kauna-unahang nag invest sa negosyo ko at tinulungan pa nila akong maghanap ng ibang investors. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko kahit na minsan na nila akong pinahamak. Ngayon ay nandito kaming apat nag memeryenda sa isang fastfood na malapit lang sa shop ko. Tuwing hapon kasi ay dinadalaw nila akong tatlo sa shop pagkatapos ng kanilang mga trabaho. "Uy, pahingi ako niyan!" hingi ko kay Arci sa pagkaing dala niya. May dala kasi itong nigiri sushi binili niya siguro ito kanina bago siya pumunta sa shop. "Saan mo binili 'yan, Arci ba't hindi mo man lang kami binilhan? Minsan talaga may pagkamadamot ka," tanong ni Maldita sa kanya pero kumukuha na ito ng isang piraso ng nigiri at chopstick pa mismo ni Arci ang ginamit niya. "Sira! May nagbigay lang nito kaninang lunch sa akin sa opisina," natatawang sagot sa kanya ni Arci. "Taray! Sosyal talaga ng mga manliligaw mo no?" At sinubo na nito ang nigiri na kinuha niya. "Siyempre naman, Maldita sosyal din ako, e," natatawang sagot din ulit ni Arci kay Maldita. "Favorite mo ba 'yan, Arci?" tanong ko naman kay Arci. "Oo ito madalas ang dinner ko," sagot niya. "Bakit marunong ka bang gumawa nito?" tanong pa niya sa akin. "Hindi pero si Kuya Kyros magaling gumawa niyan kasi paborito na rin niyan," sagot ko naman. Ganoon din kasi ang madalas na kainin ni Kuya Kyros tuwing nasa bahay siya. "Talaga? Galing naman," sagot niya. Kukuha na sana ako ng isang piraso ng nigiri nang bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko muna ito mula sa bulsa ng suot kong business coat para sagutin ang kung sinumang tumatawag. It's March may secretary, kaya agad ko itong sinagot. "Hello, March?" sagot ko sa kanya sa kabilang linya "Hello, Ma'am Leria, nasaan na po kayo may naghihintay po kasi sa inyo ritong isang investor." Agad naman akong nagtaka dahil sa sinabi niyang investor raw samantalang naka schedule naman lahat ng mga meetings ko with the investors. "Anong sabi mo, March investor?" pag-uulit ko sa sinabi ni March. "Yes po, Ma'am Leira." "Pero wala ka namang nabanggit sa akin kanina na may, meeting pa pala with the investor this afternoon." Saglit pa itong natahimik sa kabilang linya. "Anyways, March, sino ba iyang investor natin?" Sa halip ay tanong ko na lamang kay March. Sayang naman kung paalisin ko pa 'yong tao isa pa investor din naman, habang naghihintay ng kanyang sagot ay sumenyas ako kay Arci na subuan muna ako ng nigiri dahil nga naudlot ang pagkuha ko. Nagpunas muna siya ng kanyang dalawang kamay gamit ang tissue dahil kamay niya ang kanyang ginamit sa pagkuha ng nigiri dahil si Maldita ang may gamit chopstick. "Here." Agad ko namang binuka ang bibig ko para masubo nito sa akin ang pagkain. "Your future sexy husband daw, Ma'am si Mr. Vayden Austria." Agad naman akong natigilan sa pag-nguya dahil sinabi ng sekretarya ko pakiramdam ko ay unti-unting umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. At tila naging isang matigas na pagkain ang nigiri na nasa bibig ko dahil mariin ko itong kinagat dahil biglang uminit ang ulo ko. Walang hiya ka talaga, Austria! Gagawin mo talagang kalbaryo ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD