"Aray ko!"
Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang malakas na pagdaing ni Arci dahil ang akala kong matigas na bahagi ng nigiri ay hintuturong daliri niya na pala ang mariin kong nakagat.
"T***ina, Leira! Ang sakit," namimilipit na daing ni Arci nang bitawan ko ang daliri niya.
"Hala, Arci! Sorry." Agad kong nabitawan ang cellphone ko at tumayo mula sa kinauupuan ko.
Kinuha ko ang kanang kamay ni Arci upang hipan ang hintuturong daliri niyang nakagat ko.
"Arci, sorry talaga hindi ko sinasadya," pahingi ko ulit ng tawad sa aking kaibigan.
"Ano na naman ba kasi ang narinig mo, Leira?" tanong naman sa akin ni Maldita pero hindi ko muna ito sinagot dahil nasa kay Arci pa ang buong atensyon ko.
"That was hard, Leira," dumadaing na sabi pa rin ni Arci.
"Arci, gusto mo ba pa tignan natin 'yang daliri mo sa hospital?" nag-aalalang tanong naman ni Aimmee kay Arci.
"No need, Ai lalagyan ko na lang ito mamaya ng ointment sa bahay," sagot ni Arci.
"Sorry talaga, Arci."
"It's fine, Ra," sagot naman agad nito sa akin.
"But what's that act for, Leira?" mataray na tanong sa akin ni Maldita.
"Oo nga, Ra nakakagulat ka naman, e," dagdag ni Arci.
"Si Vayden ba?" tanong naman ni Aimmee sa akin sa malumanay niyang boses.
Bumuntong hininga muna ako bago sinagot ang tanong niya.
"Sino pa nga ba?" umiirap kong sagot.
"OMG! So, magkikita na ulit kayo ni Vayden?" bulalas naman agad ni Maldita.
"But, how? E, si March naman ang kausap mo?" kunot-noo namang tanong sa akin ni Arci.
"Oo nga, Ra," pagsang-ayon naman ni Aimmee sa sinabi ni Arci.
"He wants to invest sa LC Wooden Collections."
"Oh?" Arci.
"For real?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Aimmee.
"Yes, Aimmee at hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa negosyo ko."
"Wala ba kayong kinalaman dito?" tanong ko pa sa kanilang tatlo.
"Sira! Kung may alam ba kami sa tingin papayag ba kami sa hamon ulit ni Arci sa'yo?" mataray na sagot naman agad ni Maldita. Well may point siya pero baka lang naman kasi.
"Mukhang sinusubukan talaga ng tadhana ang katatagan mo, Ra at dahil nagkita kayo ni Vayden you have no choice but marry a man you really hate," nasasayahang wika pa ni Arci.
No way!
"Maybe it's your destiny, Ra," ani naman ni Aimmee.
"No! Hindi ako papayag na maging asawa si Vayden," matigas kong sabi sa aking mga kaibigan.
At walang sabi kong nilisan ang fast-food chain na kinainan namin upang tungohin ang shop ko.
"Humanda ka sa akin ni Vayden Austria!" nanggigigil kong wika sa aking isipan.
Marahas kong binuksan ang pintuan ng shop na naglikha ng ingay sa buong silid dahilan para makuha ko ang atensyon ng mga tauhan ko at ang atensyon ng taong kinaiinisan ko sa buong buhay ko.
"Vayden!" sigaw ko sa kanya, pero hindi siya natinag sa awra ko dahil ngitian pa ako nito ng pagkatamis-tamis.
"Oh there you are, my wife," nakangiting wika pa niya. G*go talaga!
At bago ko pa makalimutang may makasama pala rito sa loob ay minabuti ko ng palabasin muna sila para mabalatan ko na 'to ng buhay si Vayden.
"Do you really miss me that much, my wife? Dahil gusto mo talagang masolo ako rito sa loob," nanunudyong tanong agad niya at lumapit pa ito ng konting malapit sa akin.
"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!" nanggigigil kong sabi at dinuro-duro ko pa siya.
Pero t***ina lang talaga dahil hindi man lang natinag itong si Vayden sa nakakatakot na ekspresiyon ng mukha ko dahil nakangiti pa rin ito sa akin.
"Huwag mong kamunghian masyado ang mukhang 'to..." Tinuro pa niya ang mukha niya.
"Dahil itong mukhang 'to ay magiging kamukha ng magiging anak natin." Yawa!
"Bwisit ka talaga!"
"Hey easy dragon easy," pang-aalo pa niya sa akin at muli pa itong humakbang patungo sa akin.
At nakuha pa talaga niyang hawakan ang kanang braso ko na winaksi ko naman agad.
"Bakit ka ba kasi nandito, Vayden?!" galit kong tanong sa kanya.
"I'm here to invest on my wife's business," simpleng tugon niya habang may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.
"Can you stop calling me my wife dahil hindi magandang pakinggan!" saway ko sa kanyang pagtawag sa akin.
"And I don't want you to invest on LC Wooden Collections, " dagdagan ko sa matigas kong boses na ikinalukot naman agad ng noo niya.
"Bakit ayaw mo? You're looking for an investor right?" magkakasunod niyang tanong habang lukot pa rin ang kanyang noo.
"Oo. Pero kung ikaw lang din naman ang mag-iinvest huwag na lang," matigas ko pa ring sagot sa kanya.
"Bakit, Ms. Crisostomo takot ka ba sa akin?" kunot-noo niyang tanong sa akin na ikinatawa ko naman agad.
"Bakit naman ako matatakot sa'yo, Vayden? E, hindi ka naman multo?" pamimilosopo ko habang nakataas kanang kilay ko.
"E, bakit ayaw mong mag invest ako sa negosyo mo? Ako na nga itong nagkusa, e," giit pa niya.
"Because I hate you," inis kong sagot.
Siya naman ngayon ang natawa at mukhang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi.
"Still?"
"C'mon, Ms. Crisostomo lumipas na ang ilang taon at marami na ring nagbago pero ganun pa rin ang tingin mo sa akin?" natatawang tanong niya.
"Dahil totoo naman," mariing sagot ko at tinalikuran ko na ito.
Pakiramdam ko kasi ay puputok na ang utak ko dahil sa taong kausap ko ngayon.
"So, that's why you hate me just because I'm a still womanizer?" muling tanong niya pa.
Dahilan para harapin ko ulit ito habang nanggigigil pa rin.
"Paulit-ulit, Vayden?!"
"Or maybe you're just afraid that your hate for me might turn into love?" nanunuksong tanong pa niya.
Wala na akong mailabas pang reaksiyon dahil inuubos talaga ni Vayden ang lahat ng emosyon na meron ako sa aking katawan.
"Wala talagang kapantay 'yang kayabangan mo!"
"No I'm not, Ms. Crisostomo. I'm just stating the fact," kalmadong sagot lamang niya.
"Hindi mangyayari 'yang mga pinagsasabi mo, Vayden!"
"Naalala mo 'yong sinabi ko sa'yo noong college pa tayo?" paalala ko pa sa kanya.
"At naalala mo rin ang sinabi ko sa'yo noong college rin tayo?" tanong din niya sa akin at yumuko pa talaga siya upang magpantay ang mukha naming dalawa.
Hindi naman ako pandak sadyang mas matangkad lang talaga siya sa akin. Kahit naiinis ako sa lalaking ito ay hindi ko mapigilang humanga sa mukha niya mula sa dalawang mga mata niya na kulay asul patungo matangos at makinis niyang ilong at sa... sa mapupula at makintab nitong mga labi na animo'y may lipstick ito sa sobrang pula. Bwisit lang!
"Masarap ba, Wife?" pilyong tanong niya sa paanas nitong boses.
Nanigas ako bigla dahil sa uri ng boses niya at nahihipnotismo ako sa mga tingin niya nakakapanghina ng buong katawan. Gusto kong kastiguhin ang sarilli ko dahil unti-unti na akong tinatalo ni Vayden tinatalo ako ng lalaking pinakaayaw kong makita.
"Wife?" malambing niyang tawag sabay hapit sa baywang ko dahilan para magdikit ang aming katawan.
"Wife?" pag-uulit pa niya. P**a nakakawala na talaga ng lakas.
Bakit ba kasi iba ang hatid ng salitang 'yon sa akin kapag si Vayden na ang bumigkas?
"V-vayden, bitawan mo ako," kandautal-utal kong utos sa walang lakas kong boses.
"Basta ba pumayag kang mag-invest ako sa LC Wooden Collections," nakangiting wika niya sa malambing pa rin niyang boses.
"No," halos hangin kong tugon.
Bilib din ako sa sarilli ko dahil sa kabila ng nakakahipnotismong tagpo sa pagitan namin ni Vayden ay nagawa ko pa ring tumanggi sa kanya. Salamat pa rin kay bathala dahil hindi niya ako hinahayaang magpadala sa tukso ng lalaking kaharap ko.
"Sige bigyan na lang kita ng choices, Wife, mag-iinvest ako sa LC Wooden Collections o, magpapakasal ka sa akin ora-orada?"
Ano raw kasal?!
Naalarma man ako sa aking narinig pero hindi ko pa rin magawang igalaw at ilayo ang sarilli ko sa kanya.
"I'm in hurry, my wife kaya kailangan ko na ng sagot in a count of three," seryosong ani niya.
"Isa."
"Dalawa."
" Ta—" naputol ang pagbilang niya nang biglang bumukas ang pintuan ng shop.
"Leira?!"
Sabay kaming napalingon sa kung sinuman ang tumawag sa akin. Gulat na gulat ang mukha nito at parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
"Bakit?" tanong niya at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Vayden.
"Aimmee, ang tagal mo na—" Nabitin din sa ere ang dapat na sasabihin ni Maldita dahil bigla rin itong pumasok sa loob ng shop.
Tulad ng reaksiyon ni Aimmee ay ganun din ang reaksiyon ni Maldita ang kaibahan lang ay nakaawang ang bibig ni Maldita habang nakatingin sa posisyon naming dalawa ni Vayden mula ulo hanggang paa.
Maging ako tuloy ay unti-unti ring napatingin sa posisyon naming dalawa ni Vayden. At ganun na lang ang gulat ko nang makita ko kung gaano na kami kadikit sa isa't-isa hangin na mismo ang iiwas posisyong meron kami.
Wala sa sarilli kong naitulak si Vayden at kaagad naman itong napalayo mula sa akin dahil hindi niya napaghandaan ang pagtulak ko.
"Ano 'yon?" mataray na tanong agad ni Maldita sa akin at pinagsiklop pa nito ang kanyang dalawang braso.
"We thought, you hate the guy too much pero bakit parang hindi naman ganun ang nakita namin?" mapanuring tanong pa ni Maldita sa akin.
"Ha, a-ano kasi p-pumunta siya rito para mag invest," nabubulol kong sagot.
"Pumayag ka na mag invest si Vayden?" hindi makapaniwalang tanong naman sa akin ni Aimmee.
"O-oo."
Agad namang nagtinginan sina Maldita at Aimmee dahil sa sinagot ko at patango-tango pa silang dalawa.
"Paano, guys see you tomorrow!" paalam naman ni Vayden sa amin at parang nanalo sa lotto ang reaksiyon niya.
Pakaway-kaway pa ito habang tinutungo ang kotse niya at natigil lang siya pagpasok niya sa kanyang kotse.
Ilang minuto pang nasa labas ang tingin ko hanggang sa pumasok na ulit si March dito sa loob ng shop.
"Ma'am Leira, Mr. Vayden Austria already deposited a huge amount of money on our company account as an investment."
"Ha?!" gilalas ko, nang tuluyan ng bumalik sa tamang huwisyo ang isip ko.
"T-teka, paano nangyari 'yon, e wala naman siyang pinermahang mga papelis," nagtatakang tanong ko.
"He did, Ma'am Leira," sagot naman ni March.
"E, bakit mo siyang pinaperma without my permission?" Ang tanga naman pala nitong secretary ko!
"Ma'am, kayo po ang nagsabi na everytime na may pupuntang investor dito sa shop ay ibigay na agad ang agreement paper together with the negotiation paper, para mabasa po ng mga investors ang mga nakasulat doon," litanya niya, and she's right after all. Ako pala 'tong tanga.
T***ina lang may mahika yatang dala si Vayden dahil bigla na lang akong nawala sa sarilli ko kanina habang kinakausap niya ako.
"Wala na, Leira, finish na. Magkasosyo na kayo ni Mr. Vayden Austria," nanunuksong sabi pa ni Maldita.
"I thought you hate him? Pero hindi pala dahil kabaliktaran naman ang nangyari," dagdag pa niya.
Napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa kag*g*han. And I don't have a choice anymore but to face Vayden Austria everyday. Mas malala pa ito kaysa noong nasa college pa lang kami.
He trick me.