Catherine's POV
Naghahanda ako para pumunta sa bahay ni Marie,ang sabi niya kagabi ng nagkausap kami gusto daw akong kausapin ni Tita dahil may trabaho daw itong ibibigay sa akin.
Habang nagsusuklay ako nahagip ng mata ko ang isang kulay itim na maliit na box.Ito ang lagayan ng kwentas na suot-suot ko nung mahanap ako ni Papa,binuksan ko ang box at kinuha ang kwentas.Wala naman sigurong masama kong susuotin ko ito ngayon.
Isa itong locket na may initials na C.S,mabubuksan lang ito pag sinusian.Ano kaya ang nasa loob nito.
Ilang minuto lang ang byahe ko ng marating ko ang bahay ng kaibigan ko,pagdating ko sa gate ay agad naman akong pinapasok ng guard sinalubong agad ako ni Marie ng yakap.
"Halika na nag aantay na sila mama sa loob.
Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay naabutan namin ang mga magulang niya na nasa hapag kainan.
"Cath kamusta kana,"
"Okay lang po ako Tita/Tito.
Naupo na kami para kumain,nakatingin lang ako sa kanila habang nagkakatuwaab dahil sa kalokohan ng kaibigan ko.Sana balang araw magkaroon din ako ng kumpletong pamilya kasama ang totoo kong mga magulang at si Mama.
After naming kumain iginiya naman ako ni Tita sa sala para kausapin.
"Cath kaya kita pinatawag kasi gusto kitang alukin ng trabaho sa restaurant namin,naisip ko kasi na hindi ka na masyadong mahirapan para sa gamutan ng mama mo pag may permanente kang trabaho."
"Talaga po Tita?maraming salamat po sa alok niyo, hindi ko po ito tatanggihan pa dahil kailangan ko po talaga para sa gamutan ni Mama,"
Madami pa kaming pinag usapan nila ni Tita hanggang sa napansin niya ang suot kong kwentas.
"Iha saan mo nakuha yung kwentas mo bakit parang kakaiba." tanong ni Tita.
Hinawakan ko naman ang kwentas ko.
"Ito po yung suot-suot ko ng makita po ako ni Papa,ito ang unang beses na sinuot ko ito mula ng makita nila ako.May lampin din po na nakabalot sa akin na may initials na C.S pati itong kwentas meron ding intials na C.S,"mahabang paliwanang ko.
"Parang nakita ko na ang kwentas na yan dati hindi ko lang matandaan kung saan,"sagot namam ni Tita.
Madami pa kaming napag-usapan ni Tita bago ako nagpaalam sa kanila na umuwi,iniabot naman sa akin ni Marie ang isang paper bag na may lamang pagkain.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Mama na naghihintay sa sala.
Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa trabahong inalok sa akin ninTita,masaya naman si Mama dahil hindi na daw ako mahirapan pa.
Nagpapasalamat parin ako sa mga taong handa kaming tulungan sa oras ng aming pangangailangan.Sana darating ang araw na makabawi man lang ako sa kanila.