Chapter 6

382 Words
Catherine's POV Ngayong araw ang umpisa ko sa trabaho kaya maaga akong nagising para magluto ng almusal,tortang talong lang ang niluto ko nag-init na rin ako ng tubig para sa kape namin ni Mama. Pagkatapos naming kumain si Mama na ang nagligpit ng pinagkainan namin kaya pumasok na ako sa kwarto para makaligo,ayaw kong malate sa unang araw ko sa trabaho nakakahiya naman kay Tita pag na late ako. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ng gamit ko lumabas na ako ng kwarto,nagpaalam lang ako kay Mama at lumabas na ng bahay para umalis. Hindi naman kalayuan ang mall kung saan ang restaurant ni Tita na papasukan ko kaya after 20 minutes ay nakarating na ako sa harapan ng mall,naglakad ako papasok patungo sa restaurant. Nakita kong hinihintay ako ni Tita,pinakilala niya ako sa lahat ng mga kasamahan ko.Mababait naman ang mga kasama ko kaya wala akong issue sa kanila. Bandang alas dose ay madami na rin ang pumapasok sa restaurant para kumain kaya busy na rin kami sa mga customers,nagbigay naman ng tip ang ibang mga customers kaya iniipon namin lahat ng tip para paghatian. Wala namang problema yun kay Tita deserve naman daw namin ang tip na bininigay ng mga customers.Masaya ako dahil mababait ang mga kasamahan ko hindi sila yung tipong parang tagapagmana kung umasta. Pagsapit ng alas singko nagsimula na kaming magligpit, hanggang 6pm lang kasi kami open,tulong-tulong kaming lahat para mabilis matapos ang aming mga ginagawa. Nang matapos na ang ginagawa namin sabay-sabay na kaming lumabas ng mall,isang way lang ang pupuntahan namin ng kasama kong si Moray kaya sabay na kaming nag abang ng jeep sa sakayan. Pagdating ko sa bahay agad akong pumasok nakita ko si Mama sa kusina na naghahanda ng hapunan namin. "Oh! Anak nandyan kana pala,maupo kana para makakain na tayo,"alok ni Mama Agad naman akong naupo para kumain. "Musta ang unang araw sa trabaho mo Nak?,hindi ka naman ba nahirapan,"tanong ni Mama. "Okay naman po ang unang araw ko sa trabaho Ma,mabait naman ang mga katrabaho ko kaya hindi ako nahirapan,"nakangiting sagot ko kay Mama. Tumango naman si Mama,pagkatapos naming kumain ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Pagpasok ko ng kwarto ko agad akong nagpunas,ginawa ko rin ang night routine ko at pagkatapos ay nahiga na ako para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD