Chapter 7

434 Words
Thorn's POV Kadarating ko lang ng Pilipinas galing ng US,nagka problema kasi ang isang negosyo ko doon kaya inayos ko. Dumiretso ako sa mall na pagmamay-ari ko,naglalakad ako papasok ng mall habang nakatingin sa cellphone ko ng may bumangga sa akin.Nakita ko ang babaeng nakasalampak sa semento. "Bulag ka ba o sadyang t*nga ka lang,"inis na sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya na hawak-hawak ang balakang niya. "Ako pa talaga ang t*nga? e ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo,sa susunod kasi pag naglalakad kayo tumingin kayo sa daan hindi diyan sa cellphone niyo."sigaw niya sa akin. "Hoy! duwende wag mo akong sisigawan dahil hindi ka katangkaran,"balik sigaw ko sa kanya. Hindi naman maipinta ang mukha niya dahil tinawag ko siyang duwende. "Ako na nga itong nasaktan ako pa ang mukhang may kasalanan,dapat nga mag sorry ka nalang sa akin hindi yung nang-iisulto ka pa,"gigil na sabi niya. "Hindi ako mag sosorry sayo duwende,"pang aasar ko sa kanya. "Ah ganun ba,"tsaka niya sinipa ang tuhod ko at mabilis na tumakbo palayo. F*ck ang sakit ng tuhod ko,humanda ka talaga sa aking duwende ka pag nakita kita. Nakabusangot ako habang binabasa ang dokumento na hawak ko dito sa loob ng opisina ko ng biglang pumasok ang kaibigan ko. "Don't you know how to knock,"?sita ko sa kaibigan kong si Bowen Smith ang CEO ng Bowen Group. "Mukhang mainit yata ang ulo mo Brad,may problema ba,"?tanong nito. "Wala naman medyo pagod lang ako,"pagsisinungaling ko. Pag nakita ko talaga ang babaeng yun humanda talaga siya sa akin ang sakit ng tuhod ko sa ginawa niya mukhang magpapasa pa yata. "Alam mo brad mag bar na lang tayo para naman maka relax ka,isang haplos lang babae yan sigurado akong tanggal ang pagod mo," Napapailing nalang ako sa kaibigan ko. Pagpasok namin ng bar ang ingay ng musika ang sumalubong sa amin,sinalubong naman kami ng isang staff at iginiya sa VIP room na nasa 2nd floor. Agad naman kaming nag order ng beer. "Kamusta na ang paghahanap niyo sa kapatid mo may balita na ba,"tanong ko sa kaibigan ko. Matagal na nilang hinahanap ang bunso niyang kapatid,kahit matagal na itong nawalay sa kanila hindi parin sila sumusuko sa paghahanap dahil naniniwala sila na buhay pa ito. "Wala pa rin kaming lead na makapagtuturo sa kinaroroonan niya,naawa na nga ako sa mga magulang ko lalo na si Mommy sinisisi niya kasi ang sarili niya kung bakit nawala ang kapatid ko,"malungkot na sabi nito. Sana mahanap na nila ang kapatid niya,kahit gaano pa sila kayaman hindi nito matutumbasan ang labis na pangungulila nila sa nawawalang myembro ng kanilang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD