Chapter 10

663 Words
Catherine's POV Day off ko ngayon kaya nag-aya si Marie na mamasyal daw kami ng mall.Ayaw ko sanang sumama dahil hindi naman ako mahilig sa gala at isa pa introvert akong tao pero nahihiya naman akong tumanggi sa kaibigan ko. Habang nahihintay sa kaibigan ko na dumating biglang sumagi sa isip ko nong araw na hinatid ako ni Kapre/tinik,baka nakakain ng panis na pagkain yun kaya medyo sinapian ng kabaitan e wala namang ginawa yun kundi asarin ako. Maya-maya pa nagtext si Marie na malapit na daw siya kaya nagpa-alam na ako kay Mama na aalis na ako,paglabas ko ng bahay ay tanaw ko na ang kotse ni Marie na papalapit sa direksyon ko.Tumigil naman siya sa harap ko kaya binuksan ko ang passenger seat sa harap tsaka pumasok. "Saang mall tayo pupunta besh,"tanong ko sa kanya. "Sa Carter mall,"sagot naman niya. Masaya kaming nagtatawanan sa loob ng sasakyan habang nasa byahe kaya hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa parking lot ng mall. Mabilis kaming bumaba ng kotse at naglakad papasok ng mall,dahil nga malapit na ang lunch kaya nag decide kaming kumain na muna bago manood ng sine. Pumasok kami sa isang restaurant,iginiya naman kami ng waiter sa isang bakanteng table.Habang tumitingin kami sa menu para maghanap ng oorderin namin ng may biglang lumapit sa amin,pagtingin ko nakita ko ang nakangising si kapre na nakatingin sa akin. "Hello duwende,"mapang asar na bati nito.nakita kong kasama niya rin ang lalaking kasama niyang kumain sa restaurant dati. "Kabute kaba,"?ano na naman ang ginagawa mo dito Kapre,"inis na tanong ko. "Sa pagkakaalam ko kasi ako ang may-ari ng mall na to so hindi naman siguro nakapag tataka kung bakit ako nandito dba,"mapang asar na sagot niya. Umupo naman siya sa tabi ko ganun din ang kasama nito na naupo sa tabi ng kaibigan ko na panay ang tingin sa mukha ko. "Sir may dumi po ba ang mukha ko?tanong ko sa kanya. "Sorry,wala naman,"sagot nito. Kinuha naman ni Kapre ang menu sa kamay ko para siya na lang daw ang mag order,ano na naman kaya ang trip ng lalaking to bakit bigla-bigla na lang sumusulpot. Dumating ang pagkain sa table namin nagulat pa kami ng kaibigan ko na ang daming inorder ng Kapre. "Bakit ang dami mo namang inorder,"ikaw ba ang magbabayad niyan,"?tanong ko sa kanya. "Don't worry treat ko,"sagot naman nito. Nagsimula na kaming kumain,pero ang kapre walang ginawa kundi ang dumaldal kaya sa inis ko sinubo ko ang tempura sa bibig niya wala naman siyang nagawa kundi nguyain ito. "Ang daldal mo kasi kumain ka na lang,"sabi ko sa kanya. Pagkatapos naming kumain binayaran na ni Kapre ang bill wala naman siyang reklamo dahil siya din naman ang umorder ng pagkain. Lumabas kami ng restaurant akala ko aalis na sila pero nakasunod pa rin sila ng kaibigan niya sa amin,tumigil ako sa paghakbang at nilingon siya na nasa likuran namin. "Bakit nakasunod parin kayo, hindi pa ba kayo aalis?,"tanong ko sa kanya. "Hindi pa dahil sasama pa kami sa inyo,"sagot nito. Inirapan ko lang siya sa sinabi niya,naglakad naman kami ng kaibigan ko na magkahawak kamay patungo sa sinehan.Bumili kami ng ticket at sinama na namin ang dalawa total sila naman ang nagbayad na pagkain namin kaya nilibre na namin sila ng ticket. Bumili din kami ng popcorn at drinks para sa aming apat.Binigay namin sa kanila ang popcorn at drinks nila tsaka naglakad papasok sa loob ng sinehan,agad naman kaming naghanap ng upuan at naupo. Tumabi naman si Kapre sa akin,ang kaibigan naman nito ay tumabi kay Marie kaya ang labas napapagitnaan nila kami. "Duwende bakit kapre ang tawag mo sakin,"bulong na tanong nito. "Ngayon mo lang talaga naisipan itanong yan,"?ang tangkad mo kasi at malaki ang katawan kaya kapre tawag ko sayo,"sagot ko naman sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ko.maya-maya nag umpisa na ang papanoorin namin kaya tumahimik na rin kami. Nang matapos ang pinapanood namin tumayo na rin kami at naglakad palabas ng sinehan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD