Chapter 11

575 Words
Marie's POV Pagkatapos ng movie na pinanood namin lumabas na kami ng sinehan,nagpaalam naman saglit si Cath na mag cr daw muna siya kay hinintay na lang muna namin siya. Ilang minuto na ang lumipas pero wala parin siya panay din ang dungaw ko sa labasan ng mga tao na nanggagaling sa banyo. "Bakit ang tagal ng kaibigan mo,lubid ba ang ihi non,"tanong naman ng tinatawag ni Cath na kapre. "Pwede bang magpakilala muna kayo sa akin para naman alam ko ang mga pangalan niyo,"sabi ko sa kanila. "Ako si Thorn,ito namang kaibigan ko si Bowen,"sagot ng Thorn ang pangalan. "Puntahan mo na lang kaya sa loob ang kaibigan mo baka may nangyari sa kanya,"singit naman ng Bowen ang pangalan. Kaya nag decide na ako na puntahan siya sa cr,pagpasok ko nakita kong sinasabunutan ng isang babae ang kaibigan ko kaya mabilis ko itong tinulak palayo kay Cath dahilan para matumba ito sa sahig. "Bakit mo ako tinulak,"galit na sigaw nito. "Bakit mo rin sinasabunutan ang kaibigan ko,"balik sigaw ko sa kanya. Tumayo siya at akmang susugod na naman ng bigla kong dinampot ang tabo na nakapatong sa taas ng lababo. "Sige subukan mong lumapit dahil ipupukpok ko sayo itong hawak kong tabo,"sigaw ko sa kanya. "Hindi pa tayo tapos Catherine,"sabi nito saka naglakad palabas ng banyo. Nakita ko naman na puro kalmot ang braso ng kaibigan ko meron din siyang mga pasa,may dugo din ang gilid ng labi niya. "Sino ba ang babaeng yun Cath bakit ka niya sinaktan,"tanong ko sa kanya. "Anak siya ng kapatid ni Mama,simula pa dati mainit na ang dugo niya sa akin,"thank you besh ha,"sagot niya. Niyakap ko naman ang kaibigan ko sobrang naawa ako sa kanya buti na lang pumasok ako dito sa banyo kung hindi baka mas malala pa ang nangyari sa kanya. Inayos muna niya ang magulo niyang buhok bago lumabas ng banyo.lumapit naman ang dalawang kasama namin ng makita nila kami. "Anong nangyari bakit puro pasa at kalmot ka,may masakit ba sayo dadalhin ka namin sa ospital,"alalang tanong naman ni Bowen sa kaibigan ko. "Kampon ni Satanas ang may gawa nito sa kanya,"sagot ko naman. Dinala naman kami ni Thorn sa opisina niya dito sa mall para magamot ang sugat ng kaibigan ko.Pagpasok namin pinaupo niya kami at agad namang kumuha ng medicine kit. "Pasensya na kayo dahil sa nangyari sa akin hindi na tayo nakapag enjoy,hindi ko naman inaasahan na makita ko ang Hazel na yun dito.,"sabi ni Cath sa amin. "Bakit ka niya sinaktan,"tanong naman ni Bowen sa kanya "Simula dati palang mainit na ang dugo nilang mag-ina sa akin,siguro dahil alam nilang hindi nila ako tunay na pamilya kaya iba ang trato nila sa akin,"sagot ni Cath. "What do you mean na hindi ka tunay na pamilya,"tanong ulit ni Bowen. "Ampon lang kasi ako,natagpuan lang ako ng papa ko malapit sa kalsada e hindi ko naman alam kung sino ang tunay kong pamilya,"malungkot na sabi ni Cath. Nang matapos ko gamutin ang sugat niya sinabi sa amin ni Thorn na magpahinga na muna kami bago umuwi,wala na rin naman kaming plano na gumala pa dahil sa nangyari kay Cath. "If you don't mind ilang taon kana Cath,"?tanong ni Bowen. "25,"sagot naman ni Cath. Tumango lang si Bowen sa sinabi ng kaibigan ko. Ilang oras din kami kaming nanatili sa opisina ni Thorn bago nag desisyong umuwi na. Hinatid ko lang si Cath sa bahay nila at umuwi na rin ako sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD