Catherine's POV
Hinatid ako ni Marie dito sa bahay inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob sana wala si Mama sa sala para hindi niya makita ang itsura ko,pero mukhang hindi yata ako pinakinggan dahil pagpasok ko nakaupo si Mama sa sala.
Bigla siyang napatayo ng makita niya ako.
"Anong nangyari sayo anak bakit may mga kalmot at pasa ka?,akala ko ba pupunta kayo ng mall ni Marie,"nag-aalalang tanong nito.
"Ano kasi ma,may sinakyan kaming rides ni Marie pagbaba ko nahilo po ako kung saan-saan po kasi ako tumama kaya po nagkapasa at sugat ako,"pagsisinungaling ko.
Hindi naman na nagtanong pa si Mama ng kung ano-ano kaya pumasok na ako ng kwarto ko at naligo.Sira ulo talagang Hazel yun,may araw ka rin sa aking babae ka.Hindi ko naman alam na nasa loob din pala siya ng banyo.
Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng kwarto at pumunta ng kusina,naabutan ko si Mama na nagluluto ng para sa hapunan namin.Tumulong na rin ako sa kanya para mabilis matapos.
"Kamusta na po ang pakiramdam niyo Ma,"?tanong ko.
"Medyo okay na rin naman anak malaking tulong yung pagpa check up natin sa ospital nabigyan ako ng nararapat na gamot,"sagot ni Mama.
Masaya naman ako dahil bumubuti na ang pakiramdam niya.
Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho nagtaka naman ang mga kasamahan ko kung ano daw nangyari sa akin,sinabi ko lang na hinabol ako ng aso kaya nadapa ako at nagkasugat.
Madami kaming customer ngayon kaya busy kaming lahat.Inutusan kami ni Moray na ihatid ang order ng customer sa table 10 na agad naman naming sinunod.
Pagdating namin sa table 10 nakita kong si Hazel ang customer kasama ang mga kaibigan niya.Inilapag namin ang order nila sa table.Alam kong kahit naka mask pa ako kilala niya parin ako.
"Na promote kana pala sa pagiging waitress mo,hindi kana amoy araw sa pagtitinda ng gulay sa palengke pero kahit anong gawin mo hanggang diyan ka lang naman."pang iinsulto niya sa akin.
Hindi ko na pinatulan pa ang kagaspangan ng ugali niya,tumalikod na ako sa kanila pero nagulat ako ng may malamig na tumama sa likod ko paglingon ko nakita kong hawak nito ang baso isinaboy niya pala ang malamig na tubig sa likod ko.
Nagtawanan naman ang mga kauri niyang mga kaibigan sa ginawa niya,aalis na sana ako sa harapan nila ng may naglagay ng blazer sa balikat ko,pagtingin ko si Thorn pala.
"Next time na inulit mo pa ang ginawa mo sisiguraduhin kong hindi kana makakapasok pa kahit saang restaurant,"galit na sabi ni Thorn.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas ng restaurant.
"Thorn may trabaho pa ako,"sabi ko sa kanya.
"Tingnan mo nga yang itsura mo Catherine basang-basa yang damit mo,"galit na sabi nito.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinapasok ako sa loob,umikot naman siya at pumasok sa driver seat tsaka pinausad ang sasakyan.
Gusto ko sanang tanungin siya kung saan kami pupunta pero tumahimik na lang ng makita kong sobrang seryoso ang mukha niya.Hindi ako sanay na makita siyang seryoso parati kasi siyang nakangiti at nang-aasar sa akin.
Nakarating kami sa isang mataas na building pinarada niya ang kanyang sasakyan sa parking lot at bumaba,binuksan ko na rin ang pinto para lumabas.Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng building.
Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang P button,ang yaman pala talaga niya may sariling penthouse siya.Paglabas namin ng elevator binuksan naman niya ang pintuan ng penthouse niya at pumasok kami.
Naiwan ako sa sala at siya naman ay dumiretso ng kwarto,pagbalik niya may dala siyang damit.
"Magpalit ka muna basa yang damit mo baka magkasakit kapa,"sabay abot ng tshirt niya.
Pumasok naman ako sa banyo para magpalit sa laki ng tshirt niya nagmukhang dress ito sa akin.
Paglabas ko sa banyo nasa sala siya nakaupo na naghihintay sa akin.
"Mag meryenda ka muna,"at binigay niya sa akin ang slice ng cake.
"Salamat,"naiilang naman ako sa klase ng tingin niya sa akin.
"Bakit mo hinahayaan na gawin sayo yun Cath,"?dapat matuto kang lumaban wag mo hayaang aapihin ka lang,"sabi niya.
Hindi naman ako nagsalita nakayuko lang ako,hindi ako sanay na ganito siya sa akin.