Para akong nawalan ng malay at hindi ko malaman kung paano ako nakauwi sa bahay. Namalayan ko na lang na umaga na nang mag-alarm ang cellphone ko.
Alas otso ang pasukan ng mga kapatid ko kaya sa ganap na alas sais ay nagigising ako upang ipaghanda sila ng kanilang almusal at asikasuhin. Wala ng paliguy-ligoy pa at bumangon ako.
Suot ko na iyong ternong pajama ko bilang pangtulog, pero hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung paano kaming nagkahiwalay ng lalaking iyon. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nito.
Feeling ko nga ay panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi, kasi ang hirap paniwalaan no'ng five million na 'yon.
Diyos ko naman.
Masakit ang ulo ko, marahil sa matinding kalasingan— sa pag-iisip. Kaya hawak ko pa ang ulo nang lumabas ako ng kwarto. Tulog pa ang tatlo dahil mamaya ko na sila gigisingin kapag nakaluto na ako.
Sa sala ay naamoy ko na kaagad ang bango ng niluluto. Akala ko'y nanggagaling pa sa kapitbahay namin, huli ko nang ma-realize na nandito nga pala si Mama. Na totoo ring umuwi siya rito at hindi lamang isang panaginip ang lahat.
Kagaya ng pwesto niya kagabi, naabutan ko siyang nakatalikod at abalang nagluluto sa harap ng kalan. Noon pa man, paborito na niyang magluto at lahat iyon ay masarap. Sa kaniya ko nga natutunan maging magaling na tagaluto.
Napahinto ako sa b****a ng kusina. Hindi na alam kung tutuloy pa ba, o aatras para magtago. Napatitig ako sa likod niya.
Sa sobrang galit ko sa kaniya noon, hindi ko siya magawang ma-miss. Hindi ko magawang mangulila dahil iniisip kong masaya na siya sa ibang pamilya niya. Pilit kong itinatak sa utak kong ipinagpalit niya kaming mga anak niya.
Pero ngayon, parang gusto kong tumakbo palapit sa kaniya at hagkan siya. Grabe kung manibugho ang puso ko, parang pinipiga at sobrang sakit.
Sa lahat ng dinanas ni Mama sa ibang bansa, walang-wala iyong dinanas ko rito. Wala akong karapatan na sumbatan siya sa lahat ng paghihirap at sakripisyo ko.
Hiyang-hiya ako kaya hindi ko alam kung paano siya haharapin. Kaya bago pa man din niya ako makita roon ay bumalik ako sa loob ng kwarto. Binilisan kong maligo para makagayak ako paalis.
Nagising ko na sina Liam, Lance at Luna kanina. Bahala na si Mama sa kanila. At least ay bumawi man lang siya sa mga kapatid ko. Kahit hindi na sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ngunit sa itsura kong nakapormal, pinili kong mag-apply na lang ng trabaho. Kahit ano na lang ulit. Huwag na iyong pagiging bayaran, never again. Ever.
Sa labasan, sa kanto kung saan ako madalas magpara ng sasakyan ay huminto ako roon. Sa bandang unahan ay marami ang taong nagkukumpulan ngunit hindi ko na pinansin. Ganiyan naman palagi, mahirap kasi ang sumakay dito.
Madalas ay punuan ang mga jeep dahil sa unang kanto pa lamang ay marami nang sumasakay. Ganoon din ang mga bus. Kaya minsan, kapag may kaunting pera na tira sa akin ay nagta-taxi na ako.
"There you are!" Rinig kong bulalas ng isang lalaki mula sa 'di kalayuan.
Nahati naman sa gitna ang mga kumpulan. Naroon pala iyong lalaki. Ano ba ang pangalan nito? Si five million.
Hindi nga panaginip.
Kaagad siyang lumapit sa akin. Tumitig ako sa kaniya. Malakas ang hangin sa umagang iyon, mukha siyang presko at ang atake nito ay fresh from the bath.
"Bakit nandito ka?" untag ko.
Ngumiti siya. "Good morning."
Pinagtitinginan kami ng mga tao. Paano kasi at mukha naman talaga siyang artista. Iyong itsura niya ay hindi nababagay sa lugar na katulad nito. Kitang-kita ang layo ng agwat sa mundo namin. Kaya ganoon na lamang ang kinang niya sa mga taong naroon. Sa madaling salita, para siyang hari at kami ang mga alipin niya.
"Where are you going?" segunda niya nang matulala ako sa mukha nito.
Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa. Tila inaaral ang bawat kurba ng katawan ko.
Tumikhim ako.
"Maghahanap ng trabaho." Gumilid ako upang ituon ang atensyon sa kalsada. "Iyong matino naman."
"I just bought you..." mahina at parang nadidismaya niyang banggit.
"Kanino ka ba nagbayad?" Nilingon ko siya mula sa pagitan ng leeg at balikat ko.
Wala ba siyang trabaho? Bakit ba siya nandito? Talagang sinadya niya ako rito?
"Sa manager mo."
"Eh, 'di siya ang binili mo."
Kumunot ang noo niya.
"Ang sabi niya ay nai-transfer na niya sa bank account mo kagabi, wala pa rin ba? Na-scam ako?" paratang niya.
Sa totoo lang, hindi ko na ma-contact si Sir Ron. Tinawagan ko siya kagabi bago ako matulog. Ganoon din kaninang umaga. Ilang beses pero wala. Naka-block na yata ang number ko sa kaniya.
Wala naman silang physical shop o building dahil online lang sila nagbebenta. Isang beses lang din kaming nagkita sa coffee shop kung saan patago siyang nagha-hire ng mga babae.
Pwede rin akong magtanong kay Tanya patungkol sa kaniya, pero hindi ko na ginawa. At totoo ngang nasa bank account ko na iyong pera kagabi pa, may bawas lang na kaunti marahil parte na rin ni Sir Ron bilang manager kuno.
"Nasa akin na, pero ibabalik ko iyon sa 'yo. Kunin mo na lang sa kaniya iyong ibinawas niya," kalaunan ay sagot ko.
"Bakit?" Nataranta siya.
"Alam mo... ayoko ng ganito. Hindi ko gusto na isang lalaki lang ang na—natitikman ko. Ang boring no'n." Nauutal man ay naisatinig ko iyon.
Gusto kong murahin ang sarili, sampalin at sabunutan. Pero alam ko na ganoon naman talaga ang tingin niya sa akin.
Tiningnan ko ito. Saglit siyang natahimik. Animo'y gulat na gulat sa sinabi ko. Napansin ko pa ang paggalaw ng panga niya. Simple akong natawa.
"I don't think that's your reason. Maybe, five million isn't enough? And hindi naman iyon magtatagal. We can stop any time."
"Mga kailan? Hanggang kailan?"
"Kapag nagsawa ako..."
Lalo akong natawa.
"Lalaspagin mo ako? Kawawa naman ako."
Umawang ang labi niya. Hindi na naman makapaniwala sa pinagsasabi ko.
Sabi ko naman, open minded ako. Hindi naman ako sobrang inosente at alam ko lahat ng mga bagay-bagay. Marami akong kaibigan sa lugar namin na mulat sa ganoong mundo. Madalas silang magkwento sa akin. Isa na roon si Tanya.
"Hindi naman siguro..." aniya na tunog nag-aalinlangan, hindi pa sigurado.
"Ang tanong, magsasawa ka ba? Pagsasawaan mo kaya ako?"
Girl, ang yabang!
Tawang-tawa na ako sa sarili kong kabaliwan. Hindi ko na alam. Sino ba kasing baliw ang gugustuhin ako para maging parausan?
Ah, sabagay, expert nga pala kasi ako pagdating sa kama.
Iyon ang iniisip niya kaya ayaw niya akong pakawalan ngayon. Paano na lang kapag sinabi kong virgin ako, ni wala pa akong first kiss, magba-back out kaya siya?
Malamang. Halata namang suki na ito sa mga ganoong kalakaran. Pustahan pa at hindi lang ako iyong babaeng inanyaya niya ng ganito. Baka nga nagsawa na lang din ito kaya heto ulit siya.
"Pwede naman siguro akong mag-renew?" Sa pagkakataong iyon ay napangisi siya, nanghahamon ang itsura niya.
Napabuga ako sa hangin. May paparating na taxi kaya madali ko iyong pinara. Mabilis din namang hinablot ng lalaki ang kamay ko upang pigilan. Pinaharap niya ako sa kaniya. At ganoon lamang ang lapit naming dalawa na halos tumatama na ang hininga niya sa mukha ko.
"Just think about it. Alam ko kung bakit mo pinasok ang ganitong trabaho. Nakasanla ang bahay ninyo at dalawang linggo na lang ay kukunin na sa inyo ang bahay. You have nowhere to go. Patay na ang iyong ama habang OFW naman ang nanay mo. May tatlo ka pang kapatid na nag-aaral at alam kong hindi mo iyon kakayanin nang mag-isa lang— you need me."
Sa dami ng sinabi niya ay bumagsak ang panga ko sa gulat. Alam niya lahat iyon? What the ef? Gulat na gulat ko siyang tinitigan. Siguro ay nabanggit sa kaniya ni Sir Ron, pero malakas ang kutob ko na gumamit siya ng espiya.
Ganoon ang mga mayayaman. Madali lang sa kanila para mag-hire ng private investigator o spy. Pero hindi ba nabanggit sa kaniya na umuwi na ang Mama ko? Sabagay, kahapon lang iyon nakauwi.
Dahan-dahan akong kumawala sa kaniya. Itinulak ko siya mula sa dibdib nito. Para naman siyang nanghina at nataranta ang mga mata niya. Sinundan niya ako ng tingin, pinag-aaralan.
Itinaas ko ang dalawang palad ko sa ere, tanda nang pagsuko ko sa kaniya.
Ang kulit.
Kapag ito nag-back out dahil nalaman niyang virgin ako, hindi ko talaga ibabalik ang limang milyon niya.
"Sige."