"Anong family name mo?" dagdag ng ginang na hindi ko na nagawang makapag-react sa tinuran niya kanina. Sa banayad niyang boses ay parang ang bait niya. May katandaan na siyang tingnan, pero mukha pa ring elegante at sopistikada. Hindi siya iyong typical na nanay, kung 'di para siyang reyna. "Martinez po." "Marami akong kilalang Martinez sa business world. Kaninong anak ka nga?" Nakangiti pa rin siya, animo'y nagagalak na makilala ako. Business world? Business... world?? Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko mahanap ang tamang salita, kasi ano nga naman ang sasabihin ko? Nanginig ang labi ko. Yumuko ako upang tingnan ang mga kamay kong naroon sa kandungan ko, pinaglalaro ko ang mga daliri. "Wala, Tita Stella," sagot ni Shirley dahilan para lingunin ko siya, nakangiti siya habang nakatana

