Bukod sa kulay pink kong dress kaya ako agaw pansin ay dahil na rin sa nakadurong daliri ni Madam Stella sa akin. Lahat ng tao ay iisa lang ang tinitingnan, ako iyon. "Tingnan mo na lang iyong bag," anang Madam Stella, malalim siyang bumuntonghininga, tila ba napipilitan lang at nabuburyo ito sa nangyayari. "Baka naman hindi siya," pigil ni Shirley, pero huli na dahil nakalapit na sa akin iyong lalaking matangkad. Napaatras ako. Sa totoo lang ay hindi naman ako kinakabahan na ako ang kumuha. Alam ko sa sarili ko na hindi ako. Panatag ang loob ko na mali sila ng iniisip sa akin. Ang ikinatatakot ko ngayon ay kung paano ako tingnan ng mga tao. Dinig ko ang bulungan nila, kitang-kita ko pa kung paano nila ako husgahan gamit ang mariing paninitig nila. Para na nila akong binibitay kahit wa

