"That is the reason I don't want to be there, Lalaine. Hindi ako uma-attend sa kahit na anong family gathering," malambing na pahayag ni Brent. "Kasi alam ko na may mangyayaring hindi maganda. Ginagawan lang nila ako ng issue." Umiiyak pa rin ako habang nakatakip ang mukha. Ayokong makita ni Brent kung gaano ako kapangit umiyak. "Wala naman talaga akong balak na magpakita roon kanina. Nabanggit lang sa akin ni Renzo na nandoon ka kaya ako pumunta." Suminghot si Brent sa buhok ko, damang-dama ko ang init ng paghinga niya sa akin. "Sorry kung late akong dumating. Sorry kung naranasan mong mahusgahan, mapagbintangan at makarinig ng kung anu-anong salita galing sa pamilya ko. Sorry, Lalaine... sorry, baby." Napaluha lang ako lalo. Grabe na iyong iyak ko, walang humpay. Mas nakakaiyak pa ito

